Austeja Hanggang ngayon ay napapa-isip pa rin ako sa mga posibleng nangyari kay Zigger kagabi. Nakauwi naman na siya ngayon sa bahay nila at maayos na ang lagay. Na-discharge na siya kaninang alas nuebe ng umaga, ayon kay Mama. Hindi naman malala ang natamo niyang sugat pero kailangan niya iyong inuman ng gamot, linisin, at pahiran ng ointment para masyadong kumirot. Para na rin kaagad na maghilom. Pero mukhang ako ang magdadala ng trauma dahil sa nangyari sa kanya. Kahit na nandito ako sa loob ng campus, iyong isip ko ay nandoon sa mansiyon ng mga Archeron—sa mismong loob ng kuwarto ni Zigger. Ang dami pa rin kasing mga ‘what-ifs’ na tumatakbo sa isipan ko. Kaninang alas tres ng madaling araw na ginising ako ni Thea para sabihin na kailangan naming magpunta sa ospital, hindi ko pa ma