Austeja Hindi ako nakatakas sa bigat ng kasalanan na dinadala ko sa loob-loob ko lalo na ngayong nandito ako sa loob ng aming pamamahay. Mas lalo pa nga yatang tumindi. Bawat hakbang na gagawin ko, bawat tingin na ipupukol sa akin ng nanay ko, pakiramdam ko ay mayroon siyang alam sa ginawa namin ni Zigger kagabi, at kanina roon sa loob ng sasakyan niya. Ganito nga siguro talaga kapag may itinatago kang kasalanan. "Nga pala, nag-almusal na ba kayo? May nailuto na ako rito," ani Mama saka sumulyap ng tingin sa akin at kay Zigger na prenteng papaupo sa sofa. "Yeah, Auntie," tugon ni Zigger saka nag-de-kuwatro ng binti. "I had the most delicious meal inside the car on our way here. Thanks for the treat, Austeja." Tumingin ito sa akin saka ngumiti. Kitang-kita ko pa ang pagkagat nito sa