Austeja Pakiramdam ko ay mayroong mali. Hindi ko alam kung bakit ganito, o kung saan nagmumula ang ganitong pakiramdam ngunit hindi ako mapakali. Simula pagkagising ko kaninang umaga hanggang ngayon na mag-gagabi na, ganito pa rin ako. Kinakabahan ako na hindi ko mawari. Maayos namang nagdaan ang araw at masaya naman ako. Nandito pa rin naman kami sa bahay ng mga Archeron at wala namang masamang nangyari buong maghapon. Wala naman ding nakaalam sa pag-alis namin ni Zigger kagabi at doon sa ginawa namin sa loob ng sasakyan niya. Nagkakatuwaan naman kami ni Hannah doon sa kuwarto niya habang nagku-kuwentuhan kasama si Thea. Pero sa loob-loob ko talaga ay ramdam ko ang pagkabalisa. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Gusto ko sanang isipin na baka dahil lang ito sa nangyari sa amin