Austeja Hindi ako mapakali habang nakaupo sa loob ng sasakyan dito sa backseat. Wala namang tigil sa pakikipag-kuwentuhan si Thea na nasa tabi ko kay Hannah tungkol sa pupuntahan namin. Iniisip ko pa lang na makakakita ako ng baril, kumakabog na ang dibdib ko. Paano pa kung humawak ako pagdating namin doon? Pero siguro ay hindi naman nila ako pipilitin kung ayoko talaga. Panonoorin ko na lang si Thea at Hannah kung sakali. Gusto ko rin sanang itanong kung sino iyong mga kaibigan ni Zigger na naghihintay sa kanya roon ngunit umuurong ang dila ko. Subalit may kutob ako na iyong mga lalaking nasa bahay namin noon ang tinutukoy niya. At isa iyon sa nagpapakaba sa akin sa mga sandaling ito. Hindi kagalak-galak ang senaryo roon kung babalikan. "Ilang taon na kayo noong matuto kayong humawa