Austeja Wala akong imik habang binabagtas namin ang kalsada. Hindi rin naman nagsasalita si Zigger subalit nakikita ko sa sulok ng mata ko ang paminsan-minsan niyang pagsulyap sa gawi ko. It doesn't look like the silence was uncomfortable for him, but it was for me. Masyado siguro akong na-overwhelm sa katotohanang lumapat ang mga labi niya sa akin. Bukod pa roon, iyon pa lamang ang unang beses na may humalik sa akin. At ang malala, pinsan ko pa. But it also felt good to do something you truly wanted. To say the things you wanna say. Iyong walang pumilit sa'yo, o nagturo na iyon ang gawin at sabihin mo. Hindi ko kinailangang umarte para lang maipakita na gusto ko iyon. Hindi ko kinailangan na pekein iyong mga sinabi ko para lang ma-please ang isang tao. Nang inihinto ni Zigger ang sa