Si Rico Hindi maiintindihan ni Luna ang kanyang mararamdaman nang makita ang bisita ni Seven. Halos lumuwa pa ang mga mata nito at ibig niyang kumuha ng itak at katayin 'to. Ngunit alam niyang hindi niya 'to puweding gawin dahil nga may amnesia siya kuno na kailangan niyang pangatawanan. Kung kaya pilit nitong pinapakalma ang kanyang sarili at pinipigilan ang nararamdamang emotion. 'Kalma Luna. Ikalma mo ang sarili mo. Huwag kang papatalo sa galit. Konting tiis pa at maigaganti mo rin si Alma," bulong nito sa kanyang isipan. Hanggang sa masulyapan siya ng bisita. "Hi," wika pa nito sa kanya ng may matamis ngiti sa labi. 'Putrag*s ang lalake na 'to. Pasalamat ka at may amnesia ako ngayon. Dahil kung wala malamang kanina pa kita inupakan," saad pa ng dalaga sa kanyang isipan. Lalapi