Chapter 11 May kalalagyan ka "Kuya, bakit ako ang sinisisi mo? Eh, wala naman kaming ginawa? Hindi ba, Rico?" balik na tanong ni Seven at naghanap pa ng kakampi. "Kung wala kayong ginagawang masama. Then I-explain niyo sa akin kung ano'ng nangyayari rito?" kunot-noong tanong ni Four. "Pasinsya na kuya Four. Kasalanan ko. Namanhid kasi 'yong paa na nangalay sa pagkakaupo. Kaya ini-spread. Hindi niya napansin kaya-- ayon, natisod siya. Dahilan para magalit siya ng husto," paumanhin at pagpapaliwanag naman ni Rico. "Totoo ba 'yon, Seven?" tanong pa nito sa nakababatang kapatid. "Oo, kuya." Sagot naman nito. "Ano bang ginawa mo rito?" mahinahon namang tanong ni Four kay Luna. "Inutusan po kasi ako ni Sir Seven na kumuha ng maiinom nila," mabilis naman na sagot ni Luna. 'Paktay, sumbun