“Ano kayang gagawin ko sa ‘yo? Balian kaya kita ng buto. Ay hindi, sakalin ulit? Eh, kung putulin ko kaya ‘yang batotoy mo para magtanda ka. Kaso lang kung puputulin ko ‘yang batotoy mo wala ka ng kaligayahan gano’n din ang misis mo. Dapat nga siguro putulin ko na para hindi na kumalat ang lahi mo.” Saad ni Luna na may ngiting nakakaloko. Agad din siyang kumuha ng tali na panali sa kalabaw. “Ito, kikita mo? Sigurado akong wala kang kawala rito at hindi ka na makakagalaw pa,” saad pa ni Luna na. Panay naman ang luhok ni Rico na nakatingin sa tali ng kalabaw. Pinagpapawisan din ‘to, habang nakakaramdam siya ng takot. “Sigurado ka na ba? Handa ka na bang maging kalabaw ko? Sinasabi ko sa ‘yo. Puputulan kita ng kaligayahan,” saad pa ni Luna. Hindi naman maintindiha ni Rico ang kanyang na