Hindi pa gaanong nakakalayo si Seven sa bahay nito habang nagmamaneho siya nang tumunog ang kanyang cellphone kung kaya agad niya ‘tong sinagot. “Dude, kailangan ko ang tulong mo,” saad ni Rico sa kabilang linya. “Ha? Ano bang nangyari sa ‘yo at nasaan ka?” Balik na tanong din nito. “Nandito ako sa isang lugar kung saan puwede akong maging masaya. Habang dumurugo ang puso ko,” sagot naman ni Rico. “Alam ko na nasa bar ka na naman. Saan ba ‘yan sa luma o bago?” tanong pa ni Seven. “Sa bago, dude.” Sagot naman nito. Nang marinig ni Seven na nasa bar ‘to ay agad niyang pinutol ang linya at pinaharurot ang sasakyan. Imbes na magtungo siya sa bahay nila Luna ay dumiretso ‘to sa bar kung nasaan si Rico. Dumating si Seven sa bar at nakita nito agad ang kanyang kaibigan na tumutungga ng a