‘Meeting’ “Mommy, anong sabi ni Doc Mitch, gagaling na ba ako?” akap sa akin ni Jade nang magsimulang umandar ang kotse paalis ng hospital. “Yes, sweetheart. Soon, basta iinumin mo palagi ang mga gamot mo,” sagot ko. Idinungaw ko ang tingin sa labas at mabilisang pinunasan ang mga mata ko nang iangat ko ang shades na suot-suot. Until now, parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko sa sakit na nararamdaman ko. I never thought na darating ang pagkakataong ito sa akin. Na makikita ko ang ama ko pero ni hindi ko man lang siya makakausap o mayayakap dahil nga hindi ako si Freya. Sana okay lang siya… Iyon ang tumatakbo sa isip ko sa buong durasyon ng biyahe. Mukhang napagod na rin si Jade at nanahimik na lang na yumakap sa akin. Pagyuko ko ay nakatulog na pala siya. Si Jayd