Check up “You know Mommy? I met a woman who really looks like you at the hospital noong check up ko. Na-atake nga ako non because I was so sad when she told me she’s not my mommy, hindi naman talaga ikaw ‘yon hindi ba?” kwento ni Jade sa akin habang inaayusan ko siya ng buhok. “W-well, of course. Kakauwi lang ni mommy eh. Kaya imposibleng maging ako siya, baka kamukha ko lang.” Ngayong araw kami magtutungo na sa hospital para sa weekly check up niya. Ang sabi ni Nanay Glo, pwede namang sa bahay na lang tingnan si Jade. Naisip ko nga rin iyon, sa yaman na meron ang pamilyang ito, pwede na nga yata silang magtayo ng sariling hospital mismo dito sa mansyon nila. Kaso ay sa tuwing chine-check up daw si Jade ay inilalabas na rin ang kambal ng kanilang ama. Nakagawian na daw iyon pampalub