Beautiful Mommy “Welcome home, Madam,” bati sa akin ng mga taong nakahilera sa dadaanan namin ni Alonzo. Pakiramdam ko nasa isa akong palabas sa magarang pagsalubong sa aming dalawa. May red carpet pang nakalatag sa nilalakaran namin ni Alonzo at hindi sila umaangat sa pagkakayukod hangga’t hindi namin sila nalalampasan. Kinontrol ko ang sariling ipakitang naiilang ako at inisip na ang lahat ng ito ay isang palabas. Hindi ko naman kailangang papaniwalain pa pala ang sarili kong isang palabas ang lahat ng ito dahil iyon naman ang totoo. Ang mga tao sa paligid ko, mga bagay na gagawin at sasabihin ko ay parte ng palabas na kami ni Alonzo Wellington ang bida. Ako bilang si Stella Julie Wellington. “Alonzo, naku mabuti at dumating ka na. Nag-away na naman iyong kambal eh—” Natigilan