Mama “MAMA!” Kulang ang salitang gulat sa naramdaman ko sa mahigpit na pagyakap sa akin ng bata. Napatingin ako sa mga katabi ko at umiiling na nginitian sila. Maingat kong inalis sa pagkakayakap sa akin ang bata at inilingan siya. “Sorry baby girl, p-pero hindi ako mama mo.” “No! You’re my mama! I’m Jade, your daughter. Papa’s fulfilled his promise na, you came back!” tuwang-tuwa niyang saad sa akin at tangkang yayakapin akong muli nang tumayo ako para makaiwas sa kanya. “S-sorry, mukhang nagkakamali ka lang Jade. I’m not your Mama ‘eh.” Kumibot-kibot ang labi niya at umiling-iling. Napalunok ako nang magsimulang tumulo ang mga luha niya. “M-mama, I’m your baby girl! Ano ba!” pagpadyak niya at hinawakan ang kamay ko. Nagsimula siyang pumalahaw ng iyak at hindi ko malaman kung