Murderer “F-Freya?” Mula sa pagkakatulala sa sink ay nag-angat ako ng tingin sa lalaking hindi ko na kilala pa. Is he really the man I loved for the past nine years of my life? Judging from his reaction, mukhang nakita niya na ang dahilan ng ayos ko ngayon. “L-love, I can explain–” Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang pisngi ko pero nang maalala kung saan niya inihawak ang kamay na ‘yon ay nandiri ako. Pinalis ko ang kamay niya at tinulak siya. Kinuha ko ang mga larawan na nasa box at pinagbabato sa kanya. “E-explain?! A-ano pang kailangan mong ipaliwanag, Timothy?” Tinungo ko ang laptop at p-in-lay ang video na nandoon. Nangatal ang labi ko at nagsimula muling tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang mga ungol nila ng ina ko. Umiling-iling siya at pinatay iyon pero ti