Kabanata 1

1358 Words
Mr. Wellington NATIGIL ako sa pag-aalis ng make-up ko nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Agad kong sinagot iyon nang makita na si Timothy ang tumatawag. “Hi love, I’m sorry I couldn’t watch your show tonight.” Natawa ako. “This is our last show, Tim. It’s okay ano ka ba? Pang-ilang panood mo na nito kung sakaling nagpunta ka ulit.” “Well, ang sabi ko naman sa ‘yo hindi ba? Hindi ako nagsasawang makita kang umarte. I sent you a gift by the way. Hindi na din kita masusundo, talagang itinuloy nila Randolph iyong bachelor’s party. Nahihiya naman akong hindi pumunta pero kung hindi mo gusto–” “Oh please Timothy Uy, huwag mo akong konsensyahin. Go and have fun but make sure na walang babae diyan ah!” Tumawa ang fiance ko sa kabilang linya. “Kahit meron pa, alam mo namang ikaw lang talaga.” “Puro ka ganyan, sige na. Minamadali na kami nila Tita Marichu para sa celebration namin ngayong gabi.” “Okay bye love, I love you.” “I love you too, Tim.” Nanunukso akong tiningnan ng mga kasamahan ko sa dressing room nang maibaba ko ang tawag. “Sana all, may lovelife,” ani Nathalia na inabot sa akin ang pumpon ng rosas. “Ako na ang tumanggap sa delivery boy.” Sinamyo ko iyon at napangiti nang mabasa ang card na nakaipit doon na galing kay Tim. “Talaga bang iiwanan mo na kami Freya?” tanong ni Ate Janna sa akin. “Oo nga Freya, ikaw pa naman ang isa sa pinakamagaling na aktres dito sa Teatro. Hindi ba at may offer na din sa ‘yo na maging lead doon sa drama sa eight? Pati ba ‘yon hindi mo din susubukan?” “Ano ba kayo? Para namang hindi n’yo pa alam ang gusto ng best friend natin. She wanted to be the perfect housewife for her prince charming, Timothy Uy.” Tumayo ako at isa-isang nginitian ang mga matalik kong kaibigan na sila Ate Janna, Nathalia, at Sabel. “Nat was right,at hindi ko gustong pasukin ang magulong mundo ng showbiz. Okay na ako doon sa mga paextra-extra na gig pero hindi na ngayon. Besides, may mga plano na kami ni Tim. Gusto ko munang mag-focus sa future namin. Mahal ko ang Teatro at kung mabibigyan ulit ako ng pagkakataong umarte muli dito, babalik ako.” "Mami-miss ka talaga namin, Freya," ani Ate Janna na niyakap ako. Nangilid ang luha ko nang ganoon na din ang gawin nila Sabel at Nathalia. "Nakakainis kayo para namang hindi tayo magkikita-kita diyan." Nagtawanan kami ngunit natigil nang pumasok ang producer na si Sir Javier. "Ayoko mang istorbohin ang moments n’yo na apat, hihiramin ko muna ang ating Veronica,” nakangiting saad ni Sir Javier sa akin tinutukoy ang pangalan ng karakter ko sa recent show namin. “Sir, saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang makalabas na sa dressing room. “May imi-meet lang tayo na prospective investor para sa susunod na project natin–” “Sir? In case lang na nakalimutan n’yo po. This is my last project.” “Oh yeah yeah, I know. Hindi ko naman nakakalimutan but I want to ask you this last favor. He wanted to talk to you daw, mukhang natuwa sa performance mo. Mula sa first showing hanggang last showing natin talagang pinanood niya,” nakangiting pagbibida ni Sir Javier sa taong tinutukoy niya. Pero sa loob-loob ay kinabahan ako. Hindi kaya katulad na naman ang lalaking ito noong mga matatandang nagpapanggap na enthusiastic fan ng Teatro pero meron naman pa lang ibang pakay. Hindi ako nagbebenta ng aliw. Ayon ang gusto kong sabihin kay Sir Javier pero naging mabuti at malaking tulong siya sa teatro namin. Kahit ako noong nangangailangan ako ay natulungan niya din ako. “Saglit lang po ano?” Tumango siya at pumalakpak. “Oo naman Freya, saglit lang ‘to at ‘wag kang mag-alala hindi naman siya katulad noong mga matatandang wala ng pinagkatandaan at inaakalang dahil mapera sila lahat ng babae ay kayang-kaya na nilang bilhin,” palatak niya at umabrisete na sa akin. Tinunton namin ang daan patungo sa natatandaan kong conference room sa theatrical center. Doon dinadala ang mga VVIP kung tawagin nila Sir Javier. Nakaagaw ng pansin ko ang dalawang lalaki na tuwid na tuwid ang tayo na animo bodyguard na nandodoon sa labas. Doon ko natantong hindi nga basta-basta ang taong gusto ni Sir Javier na tagpuin ko. “Pasok ka na.” “Po? Ako lang?” Tumango si Sir Javier at alanganing nginitian ako. “Oo Freya, ‘wag kang mag-alala hindi ako aalis dito. Aantayin kita.” Gusto kong tumanggi dahil nakakaramdam ako ng takot para sa taong nasa loob kahit hindi ko pa siya nakikita pero nakita ko ang desperasyon sa mga mata ni Sir Javier. Alam kong humihina ang pondo ng Teatro, umoonti ang investors dahil mas nag-iinvest sila sa ibang bagay. Kung ano ang in demand, sa kasamaang-palad sa paglipas ng panahon hindi na ganoon karami ang hilig na manood ng mga theatrical shows. “Sige po, Sir,” tanging nasabi ko na lang at pumasok sa pintong nakaabang. Huminga ako nang malalim at tuluyan nang humakbang papasok. May kalakihan ang conference room, nakapasok na din naman ako dito minsan at madalas ay isinasama din ako ni Sir Javier kapag may mga kakausapin siyang investor o prospective investor ng Teatro. Nahimas ko ang braso nang maramdaman ang lamig doon. Naagaw ng pansin ko ang bouquet ng tulips na nasa lamesa. Ang taong gusto raw ako makausap ay nakatalikod sa direksyon ko. Matangkad at kahit nakatalikod ay masasabi ko agad na maganda ang pangangatawan ng taong ito. Tumikhim ako para ipaalam ang presensya ko sa kanya. Humarap siya sa akin at seryoso ang mukhang pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa. Tila isa akong mikrobyo sa ilalim ng microscope kung tingnan niya. Nagdulot iyon ng pagkailang sa akin na napaatras ako nang magsimula siyang maglakad papalapit sa pwesto ko. Ngumisi siya at iminuwestra ang kamay sa mga nakahilerang upuan. “Have a seat Miss Vazquez,” baritonong boses niyang saad at naglakad na patungo sa unahang upuan. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad ako palapit sa katapat niyang upuan. To say that he’s handsome would be an understatement. Ang mukha at tindig na meron siya ay natitiyak kong maraming babaeng magkakandarapa sa kanya. Iyong klase ng itsura na bihirang tanggihan ng isang babae. Like those heroines you’ve read in novels and those Hollywood stars you’ve seen in movies. Iniwas ko ang tingin sa kanya nang lumingon siya sa direksyon ko. Nang makaupo ako sa kaharap niyang upuan ay pinagsalikop ko ang kamay ko’t ipinatong iyon sa lamesang humaharang sa gitna namin. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya nang makita ang singsing kong suot bago muling nag-angat ng tingin sa mukha ko. “I’m Alonzo Wellington, your name is Freya Cressida Vazquez?” Tumango ako at wala sa mood na makipagplastikan sa kanya kaya ni hindi ko nagawang ngumiti. “Yes Sir.” “I like your performance,” seryoso ang mukhang saad niya na iniisip ko kung talaga bang nagustuhan niya o para lang may masabi siya. “Thank you, Sir.” “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I want to offer you a project.” “Sir, hindi ba nasabi sa inyo ni Sir Javier na ito na ang huli kong show–” “He did.” Ayon naman pala eh. Pilit akong ngumiti. “Kung ganoon ay pasensya na ho pero hindi ko matatanggap ang project na gusto n’yong i-offer.” “Name your price.” “Ho?” “Kahit magkano babayaran kita tanggapin mo lang ang offer ko.” Nagtagis ang bagang ko at naikuyom ko ang kamao ko. “What kind of offer is this, Mr. Wellington?” tanong ko kahit isang tumataginting na no pa rin ang makukuha niya sa akin. I’m just curious about the project he is offering. “Name your price. Act with me. Play the role of a loving mother to my children.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD