Kabanata 2

1474 Words
One billion “ANONG sabi mo?” “Name your price–” Itinaas ko ang kamay ko pinipigilan na siyang ulitin ang sinabi niya. Hindi nga ako nagkamali ng dinig. Name my price? Be a loving mother to his children? Ibinaba ko ang kamay sa hita at kinuyom iyon. Pilit akong ngumiti kahit na ang gusto kong gawin ay sigawan ang lalaking nasa harap ko. Seryosong-seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Tila kinakabisa ang bawat sulok ng mukha ko kung makatingin siya. “Look, I’m not offering you marriage. Act with me. You’re an actress, right? You just have to pretend to be my wife–” “I’m sorry Sir, pero mali po yata ang taong inaalok n’yo sa project na ‘yan. Marami pa hong ibang babae para sa offer n’yo. Artista ho ako sa entablado hindi sa buhay ng ibang tao.” “I know but I want you, Freya Cressida.” Napalunok ako sa pagbanggit niya sa buo kong pangalan sa paraang tila ba kilalang-kilala niya na ako. Agad akong tumayo hindi na magawang makaya ang mga naririnig sa kanya. “Excuse me–” “One billion.” Nagsalubong ang kilay ko at napatigil sa paghakbang sa sinabi niya. Nang humarap ako sa kanya ay nakita ko ang pagngisi niya. Tila ba sinasabi sa sariling walang makakatanggi sa halagang inaalok niya. It’s not a million but a billion after all. I hate that smug look on his face. Like he's so sure that I won't reject his offer. Mas lumawak pa ang ngising iyon nang pumihit ako pabalik patungo sa pwesto niya at ngitian siya. "Plus a house or any property you will like–" Hindi niya natapos ang sasabihin nang mapamura siyang tumayo ng bumuhos ang baso ng tubig sa hita niya na sinadya kong tabigin. Nagpigil pa nga akong hindi iyon isaboy sa mukha niya. "Ooops sorry, I didn't mean it, Sir. Nagulat lang ako sa offer n'yo, ang laki naman kasi. Lumapit lang ho ako, mukhang hindi mo kasi narinig ang sinagot ko kanina." Salubong na salubong ang kilay na sinulyapan niya ako. "No. Kahit isang bilyon pa ‘yan na may kasama pang bahay o anumang lupain dito sa Pilipinas o ibang bansa pa. It’s a no. Hanap ka na lang iba, Sir.” Nagtatagis ang bagang na hinaklit niya ang braso ko nang tumalikod ako. “Are you sure about your answer, Freya–” “Yes. Sure na sure.” Minasdan ko ang tiyak kong mamahalin niyang suot na pantalon. “Wala ho akong pera na dala-dala pero sabihin n’yo na lang kung magkano at babayaran ko ang laundry niyang suot n’yo. Goodluck ho sa paghahanap ng babaeng kakagat sa ino-offer n’yo. Tingin ko naman merong papatol sa offer n’yo pero malabong ako ‘yon. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang buhay ko ngayon sa perang inaalok n’yo.” Tinalikuran ko siya ngunit natigilan sa malakas na lagabog na narinig ko. Paglingon ko ay awang ang labi ko nang makita ang swivel chair na kinauupuan niya kaninang nakataob na sa marmol na sahig. Napalunok ako at nakaramdam ng kaba at takot nang lumapit siya sa akin. Napaatras ako at muntikan pang matapilok sa suot-suot kong sapatos nang mamali ang hakbang ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang braso niyang pumaikot sa bewang ko tinulungan akong hindi sumalampak sa lapag. “Well, you’re right. I’m sure I can find another woman. It would be easy to find one with my enticing proposal but I only want you, Freya Cressida.” Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko nang magtagpo ang paningin naming dalawa. I sense some danger with the way he stares at me. Inipon ko ang buong lakas at lumayo sa kanya. “W-well, I’m sorry, I don’t want you–I mean, I have no time for this project of yours Mr. Wellington.” Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita sa kanya ang singsing na suot-suot. “I’m getting married. Definitely, my soon to be husband won’t like your offer. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira namin.” Ngumisi siya at tumango-tango. “I see. I understand. You can go now, Freya.” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kaba ko sa ngisi niyang iyon ngunit hindi na ako nagsalita pa at dali-dali na siyang iniwanan. Malakas ang kabog ng puso kong nilagpasan si Sir Javier. Habang naglalakad ay sa hallway ay napatigil ako nang may maramdamang tingin sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Mr. Wellington na kinakausap ni sir Javier ngunit ang tingin ay nasa akin. Tila may sumikdo sa puso ko sa titig niyang iyon kaya dali-dali akong muling naglakad pabalik sa dressing room. “You okay?” salubong sa akin ni Nathalia at ng iba pa naming mga kaibigan. Ayos na sila at mukhang ako na lang ang hinihintay para mangyayaring celebration namin para sa matagumpay na pagtatanghal. Isasama na rin ang farewell party ko raw. “Huh?” “Ang putla mo at pawis na pawis ka. Saan ka ba galing? Anong–” “May kinausap lang, kunin ko lang gamit ko nang makaalis na tayo,” putol ko kay Nat at dali-daling pumasok ng dressing room. Napapikit ako at nayakap ang sarili. Tila nakaramdam ako ng lamig nang maalala ang tingin sa akin ng lalaking ‘yon. Napapitlag pa ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot iyon nang makitang si Timothy ang tumatawag. “What’s up, l-love?” sagot ko at napangiwi nang manginig pa ang boses ko. “Is there a problem?” “Huh? Why?” “Parang iba ang boses mo eh. Did you cry?” “Ah oo kanina, sila Ate Janna kasi eh. Anyway, why did you call?” “Tatanong ko lang kung natanggap mo iyong flowers. Hindi ka kasi nag-reply when I asked for a picture…” Napunta ang tingin ko sa pumpon ng bulaklak na ibinigay niya. “Ah yeah, of course I received it. Sorry I was busy kanina. Ikaw talaga, hindi ka na nauubusan ng sorpresa.” Tumawa siya sa kabilang linya. “Siyempre para naman ‘yan sa babaeng pinakamamahal ko.” “Pare! Tama na ‘yan!” Natawa ako nang marinig ang kantiyawan ng mga kaibigan niya sa kabilang linya. “Sige na, love. This is your night with them. Inaantay na din ako nila Nat eh. See you later!” “See you, love.” Nang maibaba ko ang tawag ay napatingin ako sa salamin at napangiti nang makitang nagbalik na ang kulay ng mukha ko. Buti na lang talaga at tumawag si Timothy, sa wakas ay kumalma na rin ang malakas na t***k ng puso ko. Madali kong kinuha ang mga gamit ko at pati na rin ang bulaklak na pinadala ni Timothy. Paglabas ko ay nabungaran ko si Sir Javier na kausap sila Ate Janna, ang tingin ko ay napunta sa hawak-hawak niyang pumpon ng tulips. “Naiwan mo daw, sabi ni Mr. Wellington,” ani Sir Javier na lumapit sa akin at ibinigay iyon. “Grabe iba talaga si Freya, may roses na may tulips pa!” “Iyong Mr. Wellington iyong lalaki kanina hindi ba Sir Jav? Iyong may kasama pang dalawang lalaki na mukhang mga PSG sa pelikula.” “Yes, dear. Ang gwapo ano?” “Sobra! Ang hot hot!” tugon ni Ate Janna tila kinikilig pa. Napangiwi ako. Oo nga’t gwapo pero may kakaiba sa taong ‘yon. Hindi maganda ang kutob ko sa kanya. “Mukhang richie-richie pa! Anong negosyo no’n Sir Javier?” usisa naman ni Nathalia. “CEO ng isang pharma company. Ayon ang alam ko. Alam n’yo naman ang mayayaman, maraming mga negosyo ‘yan.” “Bakit may pa-flowers kay Freya, Sir Jav?” nanunudyong tanong sa akin ni Sabel. Tumikhim ako at inabot sa kanya ang bouquet ng tulips. “Ayos na sa akin ‘tong bigay ni Tim. Sa ‘yo na lang, Sab.” Matapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na silang lahat. “Anong pinag-usapan n’yo ni Mr. Wellington?” ani Nathalia na umabrisete sa akin. Napatingin ako kina Ate Janna na mabilis ding nakatabi sa akin. Napailing ako. “Wala naman. Pinuri niya lang i-iyong performance ko.” “Weh? Ayon lang? Sure ako may project pa ‘yan–” “Oo meron k-kaso hindi ko tinanggap. Hindi ko kayang gawin.” “Ano bang pinapagawa?” puno ng kuryosidad ang mga matang tanong ni Sabel. Be a loving mother to his children. “Confidential,” nakangising sagot ko na umani ng protesta sa kanila ngunit hindi na nangulit dahil kilala nila ako. Kapag sinabi kong confidential, hindi talaga ako magsasalita. Isang bilyon? Oo nga’t marami akong mabibili ro’n pero asa naman…pero bakit nga kaya ako? I only want you…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD