Scared Kahit naka-apron kanina ay hindi ko pa rin maiwasang mamantsahan at dahil pinagpawisan na rin ay napagpasyahan kong magpalit na rin ng damit. Medyo natagalan nga lang ako dahil sa braso kong hirap kong igalaw. Mukhang kelangan ko na ng pain reliever dahil mukhang nawalan na ng bisa ang ininom ko kanina. Hindi pa ko tuluyang nakakarating sa sala ay dinig ko na ang maingay na pagkukuwentuhan nila Jade. It seems like they really like her a lot, and it made me wonder kung bakit kailangan pa ni Alonzo na maghanap ng babaeng kamukha ng ex niya kung meron namang isang babae na gusto naman ng mga anak niya. “Hindi ba nasaktan ang back mo nang tapakan ka nung elephant, Ninang?” “Hindi naman, it felt nice pa nga eh.” Natigil sila sa pag-uusap nang sumulpot ako sa hapag. Doon ko napansi