Nang makaalis na si Sean, nakita nya sa may hagdan si Joshua na tila ba hinahantay talaga sya nito roon. "Nakaalis na ba ang manliligaw mo?" Tanong nito. Bumuntong hininga lang sya at nilagpasan ito. Wala syang balak makipag bangayan rito tungkol kay Sean, dahil wala namang ginagawang masama si Sean sa kanya at alam nyang malinis ang hangarin nito sa kanya. "Aya!" Tawag ni Joshua sa kanya ng hindi nya ito pinapansin. "What do you want?" Angil nya rito. "I'm talking to you! Are you deaf I'm asking you!" Angil din nito sa kanya. "Obvious naman diba? Umalis na sya!" Inis na sagot nya at nagtuloy na sa pagpasok sa kwarto. Namdaman nyang sumunod ito sa kanya. "So matagal na kayong nagliligawan?" Tanong nito ng makapasok sa silid nya. "Ano ba talagang problema mo kay Sean?" Tanong nya rit