“Maaari bang malaman kung bakit nanlalaki ang butas ng ilong mo?” Natatawang tanong sa akin ni Mon. Inirapan ko siya at muli akong tumabi sa kanya. Naayos na rin nila ang mga ilaw. At kasalukuyan na silang nagpho-photoshoot. “Wala lang naiinis lang ako. Pwede naman sa pisngi mapunta ang labi bakit sa labi pa mismo parang nanadya!” “Ano? Eh bakit ikaw? Diba sa yate hinalikan mo din si Mr. President? Akala mo ba hindi ko nakita yun?” Matalim ang tingin at mabilis ang kamay na hinampas ko siya sa balikat pero nahawakan niya ang kamay ko. “Hindi ko sinadya yun. Nagkataon na nadulas lang ako pero hindi ko sinadyang mahalikan ko siya ano!” Depensa ko sa kanya. Marahas kong hinila ang kamay ko at bumalik ang tingin ko sa mga nagpapakuha ng larawan. “Matagal ko ng napapansin 'to pero ang