Mabilis kong hinugot ang dextrose ko bago pa dumaloy sa ugat ko ang likido na mula sa hawak niyang hirengilya at itinuturok niya sa dextrose ko. Malakas kasi ang kutob kong nakakalason iyon at gusto niya rin akong tapusin sa ganoong paraan! Sumirit pa ang dugo sa aking kamay mula sa karayom nang matangal ko yun ay napabalikwas ako sa kama. Tuluyan akong bumagsak sa sahig sa pagmamadali kong makalayo sa kanya napangiwi ako dahil tumama ang balikat kong may sugat sa sahig. Nanlaki ang mata ko nang kaagad siyang tumawid at tumuntong sa kama at tumalon papunta sa akin. May hawak na siyang patalim na hindi ko alam kung saan nangaling. At dahil di agad ako nakabangon ay nagawa niya akong daganan sa tiyan. Hawak ng dalawang kamay ko ang patalim na nakaumang sa aking leeg upang hindi ito tuluyang