ANG SIMULA

1829 Words
MOTHER’S REVENGE By: Joemar Ancheta Chapter 1 Nang kapanahunan ko, edad labing-walo hanggang dalawampu’t apat, isa akong kinikilalang pinakamahusay na babaeng Assassin sa Pilipinas. Nahinto lang ako nang nagpakasal ako sa lalaking first and only love ko at nang nagbuntis na. Pagkapanganak ko pa lang sa panganay naming si Ava, muli akong bumalik sa trabaho sa kadahilanang mahirap ang buhay at wala pang negosyo at trabaho si Carlo. Kailangan kong tulungang makapag-ipon para sa iniisip niyang negosyo. Naniniwala naman ako sa kanyang kakayahan at iniisip niyang negosyo kaya kahit delikado, muli akong naging secret Assassin ng isang pribadong ahensiya. Bihira lang kaming Assassin na babae kaya mabenta kami at malaki ang bayad. Para makaipon, sa bahay nina Mama sa Silang muna kami tumira. Nagnegosyo na muna si Carlo ng delivery ng gulay at gulayan at ako naman ay on call. Depende kung may target o kung kailangan nang ipatumba. Lahat pinapatos ko noon para lang mabilis makaipon. Ayaw ko rin namang lumaki si Ava at madagdagan pa na wala kaming ipambubuhay sa kanila. Lalo na sa trabaho kong kapag lumampas ng trenta, humihina na rin ang kitaan dahil mas bata, mas marami sa kanilang magtitiwala para sa mga ipapapatay lalo na kung panahon na nalalapit ang eleksiyon. Ngayon, na 42 na ako ramdam ko pa ring malayo ang loob sa akin ni Ava. Pinaparamdam niyang kasalanan ko ang lahat ng nangyari noon. Na ang trabaho ko ang dahilan ng lahat. Aminado ako, hindi ko siya naalagaan habang lumalaki. Sila ng Papa niya at mahal niyang lola ang laging magkasama habang ako, weekend lang noon madalas umuwi o once a month lang kami magkita at hindi pa ako nagtatagal. Umaalis din ako pagkaraan ng isa o dalawang araw na pamamalagi sa tabi niya. Ang pangalawang anak naming si Aiden lang ang close sa akin. Kahit kasi nang tumigil ako sa trabaho, sumama na ang loob sa akin ng anak kong panganay dahil sa isang pangyayari nang unang Linggong tinapos ko na ang paninilbi ko bilang Assassin. Binalikan kasi ako ng isang kalaban na siyang naging dahilan ng…. huminga ako nang malalim. Ang hirap para sa akin na balikan ang bahaging iyon ng aming buhay noong nakikitira pa kami kina Nanay sa Silang, Cavite. “Masaya ka ba na sa wakas, kasama mo na kami at kami ang pinili mo kaysa sa trabaho mo?” tanong ni Carlo sa akin nang nasa kwarto na kami at solo na namin ang isa’t isa. “Sobra,” ipinatong ko ang ulo ko sa malapad niyang balikat. “Pagod nga lang lagi lalo na sa gabi.” “Hindi bale, hindi muna kita papagurin ngayong gabi. Mukha kasing marami kang gagawin bukas eh, sa bahay pa lang para ka nang trumpo.” “Talaga? Sayang naman.” Naglungkot-lungkutan ako. “Unless you want me to? Gusto mo na bang sundan natin si Ava at yung dinadala mo ngayon?”” Tumawa ako, “Ang rupok mo naman. Pero pwede pa kaya? Baka mahihirapan na akong manganak eh.” “Malay mo maging kambal ‘yan.” Lumabas ang dimples ng asawa ko nang ngumiti siya. “Making love with you are best moments of my life kaya tirahin natin baka may sumabit na kasama niyang nasa tiyan mong baby boy natin? Baka magkaroon bigla tayo ng kambal niyan.” “Grabe ka ha. Kahit pa buntis na ako di mo pa rin mapigil yang kalibugan mo.” Niyakap ko ang asawa kong nakangiting nakatingin sa aking magandang mukha. “Nagagawan ng paraan mahal ko, leave it to me.” Kumindat siya sa akin. “Ang hilig talaga ng asawa ko, aba.” “Hindi kahiligan iyon, gusto ko lang i-express ang nag-uumapaw kong pagmamahal sa’yo lalo pa’t sa wakas kami na ang pinili mo. Akala ko nga magpapakatanda ka na diyan sa napakadelikado mong trabaho eh. Mabuti naman at sa wakas nakinig ka sa akin, sa amin nina Nanay.” “Kailangan eh. Ramdam ko kasing sobrang layo ng loob ni Ava sa akin at ayaw kong pati itong ipinagbubuntis ko ay maging ganoon din sa akin,” Hinaplos ko ang kanyang mamula-mulang labi. “Kapag ba hindi kita nabuntis, hinid ka pa rin titigil?” “Titigil na talaga ako. Nasa plano ko na ‘yan noon pa. Tingin ko naman, kaya na nating magsimula ng negosyo. Yung gusto mong negosyo dati, hindi ba? Sana lumaki. Sana iyon na ang ikayayaman natin ng husto.” Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. “Ikaw lang diyan ang walang tiwala eh. Magbu-boom ang business natin. May nakausap na akong business partner natin kaya sure na ‘yon. Pagkapanganak mo at kapag okey ka na, lipat na tayo sa ating bagong bahay at bagong business.” “Sure ka ba? Ewan ko ba, hindi kasi talaga ako maibigay ang buong tiwala ko sa Torrio na ‘yan. Para kasing may something sa kanya. May kakaiba sa mga negosyo niya na hindi ko alam.” “Mabait naman ‘yung tao. Saka natural, hindi niya sasabihin lahat sa akin ang iba pa niyang negosyo. Hindi naman pa tayo ganoon ka-close sa kanya pero base naman sa mga pinagtanungan ko, maayos siyang kasantraksiyon. Wala naman ding ipinapakitang masama sa atin. Saka kailangan natin yung pera niya pandagdag sa puhunan natin.” “Sige, mahal ko. Ikaw ang bahala. Ang importante lang sa akin buo tayo. Hanggang pagtanda, tayo pa rin ang magkasama at kahit sana sobrang daming dumating na pagsubok sa atin, malalagpasan nating magkahawak-kamay.” “Maaring maraming pang darating na pagsubok ngunit kakayanin natin. Walang bibitaw, walang susuko. Tayo at tayo pa rin sa huling laban, mahal ko.” “Tama mahal ko, sabay tayong magpapalago sa ating negosyo.” “Anong sabay? Kaya kita pinatigil na sa trabaho para ikaw ang tututok sa pagpapalaki sa mga anak natin. Gusto kong lumaki silang may takot sa Diyos at mabuting mamamayan,” ginagap niya ang aking palad. “Bakit? Kahit ba nasa bahay lang ako hindi ako pwedeng tumulong? Pagtulungan nating paunlarin pa lalo ang ating mga kabuhayan mahal ko para sa ating mga supling. Pero kung gusto mo talaga na sa bahay lang ako, eh di sa bahay lang para maalagaan ko na rin si Ava. Tignan mo nga’t ang lola pa rin niya ang gusto niyang makatabi. Ni hindi ko siya makarga. Ang layo talaga ng loob niya sa akin. Kapag alam niyang nasa bahay ako, lagi siyang nakabuntot kay Nanay na para bang natatakot siyang kausapin ko o lapitan ko.” “Nag-a-adjust lang ang bata. Hayaan mo na muna. Mapapalapit din ang loob niya sa’yo.” “Sana nga. Kasi medyo masakit na ako na ina niya, hindi siya close sa akin kahit pa sabihing sa nanay ko naman siya laging nakayakap o sa kuwarto ng tatay at nanay ko siya nakikitulog nang madalas. Kapag kumulog o kumidlat sa kanila siya tumatakbo.” “Ang importante naman nandito pa rin ako para sa’yo, hindi ba? Nandito ka na sa amin. Sana magkasama tayo hanggang sa sabay tayong tumanda. Na kahit wala na tayong mga ngipin, kahit puti na ang ating mga buhok at hindi na natin naaalala pa ang ibang detalye dahil sa pagka-ulyanin, nandito pa rin tayo para alalayan ang bawat isa.” Napakasarap lang isipin na lahat ng iyon ay mangyayari. Hinarap ko siya. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. Tinitigan niya ako saka dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa aking mga labi. Masaya kong ibibigay ang aking lahat- lahat lalo pa’t pag-aari na niya ako. Kaya nga ng sinuyod niya ng halik ang aking katawan alam kong muli, pagsasaluhan namin ang diwa at kaluwalhatian ng pag-iisa ng aming kaluluwa. Nang nagiging isa ang aming katawan ay dahan dahan, walang pagmamadali naming inabot ang rurok ng kaligayahan. Bago kami natulog ng gabing iyon ay sinabi ko kay Carlo ang nakita ko nang minsang kumakain kami sa isang restaurant. “Hindi kaya nagkamali ka lang ng hinala? Baka naman nagkataon na kakain lang din yung tao sa restaurant na iyon at nagkatagpo kayo?” “Hindi e. Nakita ko siyang parang may binabalak na masama sa atin. Sigurado ako, siya yung kapatid ng huling misyon ko. Nakita kasi niya ako eh. Nakilala niya ako nang pinagbabaril ko sa ulo ang kapatid niya. Hindi ko na siya isinama kasi wala sa misyon kasi wala naman sa plano talaga siya pero ewan ko ba. Malinaw naman sa trabaho namin na patahimikin pati ang saksi. Hindi ko ginawa.” “Saglit mo lang nakita yung tao, paano ka kasigurado na siya ng iyon?” “Sa trabaho namin, importanteng madali kaming makakilala ng tao at matagal naming makalimutan ang mga taong ito. Isa siya sa mga tinandaan kong mukha. Hindi ko kailanman nakalimutan ang mukha no’n kasi nga tinutukan ko siya ng baril. Nagkatinginan kami. Hindi lang kinaya ng konsensiya ko na kalabitin ang gatilyo ng aking baril kasi nga inosente at walang kinalaman sa kasalanan ng kuya niya sa aming grupo. Yung tingin niya kanina sa restaurant sa mga anak natin at mga magulang, iba eh. Mukhang may binabalak na hindi maganda.” “Kung totoo ang nakita mo, eh di sana doon pa lang may ginawa na siya sa’yo. Baka naman wala na siyang galit pa sa’yo at naitindihan niyang misyon mo lang ‘yon.” “Ewan ko ba. Hanggang kasi nang sumasakay na tayo sa ating sasakyan, sinusundan niya tayo ng tingin. Tinging may binabalak. Tinging may galit. Kaya natatakot pa rin ako. Paano kung babalikan nga niya ako at kayo ng mga bata o magulang ko ang pupuntiryahin niya? Okey lang kung ako eh. Pero paano kung kayo na inosente, ikaw o si Ava at wala ako sa tabi ninyo kung mangyari iyon? Paano kung di ko ko kayo mapo-protektahan?” Bumunot ng malalim na hininga si Carlo. “Pagkatapos mong tumiwalag na at tinapos na ang koneksiyon mo sa ganyan saka ka naman pala babalikan ng kamag-anak ng mga naitumba mo. Pero huwag mo na munang isipin. Baka naman wala lang ‘yon. Ikaw lang ang nananakot sa sarili mo.” “Sana nga. Sana lang mali ako ng hinala. Gusto ko nang matahimik. Gusto kong walang madamay sa inyo kung sakaling babalikan ako. Sana ako lang. Sana hindi na kayo.” “Matulog ka na. Matutulog na rin ako. Maaga pa ako aalis bukas. Huling byahe ko na ng mga gulay bukas at simulan na nating ayusin ang bago nating negosyo. Hindi maganda sa pinagbubuntis mo na nag-iisip ka pa ng ganyan. Kasama mo na kami. Hindi ka na bahagi pa ng grupong iyon. Kaya tigilan mo nang isipin na babalikan ka pa. Walang mangyayari sa atin. May awa ang Diyos.” Tumango ako. Ipinatong ko ang bisig ko sa maumbok at matigas na dibdib ng asawa ko. Pinilit kong isiping wala lang ‘yon para makatulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD