Chapter 2

625 Words
Jessica Light May naririnig akong nag-uusap kaya agad akong nakaramdam ng kaba. Maraming katanungan ang pumasok sa aking isipan. Paano kung nakuha nila ako? Paano kung saktan nila ako at gahasain? Hindi ko napapansin na tumutulo na pala ang mga luha ko kahit nakapikit pa rin ako. Sama-samang emosyon ang aking mararamdaman pero mas nangingibabaw ang takot.    "Shh! Huwag ka nang umiyak, ligtas ka na rito at walang mananakit sayo." Alo ng boses sa akin at ramdam ko na pinunasan niya ang luha ko. Babae ang nagsalita na tantiya ko'y nasa trenta mahigit na ang edad base sa kaniyang boses.  Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nasilaw pa ako kaya napapikit ako ulit. Pagdilat ko ulit medyo okay na at nakapag-adjust agad ako sa liwanag. Ngunit sumakit naman ang katawan ko kaya napapiksi ako. Hindi ko alam ano ang nangyari basta alam ko tumatakas ako. "Nasaan ako? Huwag niyo po akong sasaktan. Maawa po kayo." Umiiyak kung sabi sa kaniya. "Hey, huwag ka ng umiyak. Walang mananakit sayo rito katulad ng sabi ko kanina." Sabi niya sa mahinang boses at inabutan ako ng tubig. "Ito inumin mo. Tapos mag-uusap tayo, ha." Malumanay niyang sabi sa akin. Tinanggap ko ang baso ng tubig at ininom ang laman nito. "Nasaan po ako?" Tanong ko sa babaeng nasa aking harapan. Dalawa lang kami rito sa loob silid. Kaya inabot ko na sa kaniya ang bagong wakang laman. Naubos ko ng tubig na bigay niya sa sobrang uhaw ko. "Nasa is ospital ka. At ako pala si Maddie. May nagdala sayo rito pero umalis din sila agad kasi may trabaho pa sila. Pero bayad na ang bills mo." Tapos may kinuha itong isang folder. "But now, we need information about yourself, para maihatid ka namin sa inyo." Bigla akong kinabahan, naiiyak na naman ako. "Please po, huwag niyo po akong ibalik doon. Maawa po kayo. Ayaw ko na po doon. Pakiusap po." Pagmamakaawa ko sa kaniya at umiyak na nga ako ng tuloyan nang maalala ko ang ginawa ni Cris sa akin.  Sa malabo kong paningin, nabanaag ko pa rin ang awa sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Okay. Hindi kita dadalhin sa inyo pero kailangan ko ng ilang impormasyon kung sino ka. Sagutin mo ng maayos, okay ba 'yon?"  "Sige po." Marami siyang tinanong at sunod-sunod pa na siya namang sinagot ko lahat. Mas lalo pa ata siyang naawa sa nalaman niya. "Jess, may isa akong alam na institution. Kinukupkop nila ang mga katulad mo ang kapalaran. Pero kapag naging labing-walo ka na, kailangan mong mamili kung saan ka magtatrabaho. Iti-train ka nila do'n kung saan ka magaling." Maddie told me more about that place and I think I will like there.  "Okay po. Do'n na lang po ako. Thank you po." Sumang-ayon na rin ako dahil ito na lang ang isang paraan para mabuhay ako sa mundong ito. Ayaw ko ring bumalik sa nakagisnan ko ng pack at ayaw ko ring maging rogue.   I wish, I will be better there. Nang sumunod na araw, may sumundo agad sa akin. Wala naman akong dala kaya agad akong sumakay sa sasakyan. Bumyahe pa kami ng mahigit dalawang oras bago namin narating ang aming destinasyon.   The place was cool, the ambiance was welcoming and warm. Lahat sila may ginagawa at abala. Iyong iba nagti-training, iyong iba naman ay parang mga medic, cook, at kung ano-ano pa.  Hindi ko namalayan na nakarating kami sa main office kakatingin ko sa paligid at paghanga rito. Pinapasok naman kami agad pero hindi pa rin ako nagsalita kahit isang salita lang. Sila lang ang nag-uusap, tumatango lang ako kapag tinatanong. Hindi talaga ako pala salita lalo na't hindi naman ganoon ka importante.  Habang nakatitig ako sa paligid, I made a promise to myself. From today forward, I will make myself strong. Not just only physically but also spiritually, mentally and emotionally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD