Chapter 4

2002 Words
Jessica Light Nandito ako ngayon sa harap nh isang napakalaking bahay, or it's a mansion. No! it's a palace. Yeah! It's a palace for sure. Ang mga pader sa bawat sulok ay ang tataas. Ang daming bantay na kahit saang sulok ka man lumingon ay may makikita kang nakatayo.  "This is your new home, My child. This is where you will start a new life." Elder Marcos said or should I say uncle Marcos na nakasuot ulit ang manto niya. Hindi nga pinapakita ng mga Elders ang kanilang mga mukha, at kung makikita mo ay napakaswerte mo na. Si Uncle pa rin lang ang nakikita ko dahil lahat ay hindi ako hinayaang makita ang kanilang mga mukha.  Pinagbuksan kami agad ng pinto ng nakaabang dito. Nakapila ang lahat ng kawal sa pagpasok namin. Kasama rin pala namin ang lahat na Elders. Pagkatapos nang nangyari sa institution, dito na agad kami dumiretso.  "Parang pack house rin dito. Walang katulong, nagtutulungan ang lahat. Kunti lang ang pamilya ditoat kadalasan ay pamilya lang ng mga kawal na gusto tumira rito." Paliwanag ni Uncle sa akin, then he paused and turned to me. He spread his arms, widely. "This is the Elders Domain. Nandito lang kami kapag maypulong o importanting pag-uusapan. Each of us have a pack. So, nandoon lahat ng pamilya namin." Nilibot niya kami sa lahat ng sulok ng palasyo at kasama ko pa rin ang kambal. Ang mga Elders ay nagkaniya-kaniya ng lakad at may aasikasuhin din ang mga ito. The twins will really come with me, kasi kapag nandiyan silang dalawa ay nakakalimutan ko ang sakit ng pagkabigo ko sa pag-ibig. Palagi nila akong pinapatawa at pinapatahan, at sabi nila gano'n din ako sa kanila kahit mas matanda sila ng dalawang taon kaysa sa akin. Hindi man sila naging sawi sa pag-ibig, nawalan naman sila ng mahal sa buhay. Sinalakay ang pack nila ng mga hunters na galit pa rin sa kauri namin. Halos namatay nila ang lahat, kunti lang nakaligtas at kasama sila doon. Iyong iba ay nakahanap ng panibagong pack, iyong iba ay nasa institution dinala lalo na ang mga bata.  Hindi ko na napansing tumigil kami sa isang silid na may maraming lock na nakalagay. Ang sarap amuyin kung ano man ang nasa loob ng silid. Gistong-gusto ko ang amoy na nahmumula rito dahil nakakagaan ito ng pakiramdam ko. Katulad ng amoy ni Elder Marcos pero pang babae ang amoy. Hindi kaya? "Tama ka ng naiisip. Sa mama mo ang silid na ito. Sinirado ko itong silid para walang makapasok at walang mawalang gamit ni Alexandra. Dito ako pumupunta kapag miss ko na siya, ang mama mo. Kahit gaano na katagal ang lumipas, nandiyan pa rin ang amoy at ayaw ko itong mawala." Sabi niya at sinimulan niya na rin ang pagbukas.  Pagkatanggal ng mga lock ay hinayaan ako ni Elder Marcos na bumukas. "Pagpasensyahan mo na at marumi. Ayaw ko kasing ipagalaw ito sa iba."  Naunawaan ko siya kaya tumango ako. Huminga muna ako ng malalim at nauna na akong pumasok. Maalikabok nga pero ayos lang naman. Pagbungad mo pa lang kapansin-pansin agad ang malaking portrait kaya nilapitan ko kaagad ito. Hindi ko kasi makita ng maayos dahil sa alikabok. Naghanap ako ng pampunas para makita ko ito ng maayos. May inabot sa akin si Elder Marcos na hindi ko alam kong saan nanggaling.  Nilapitan ko kaagad ito at nilinis. Nang matapos kong linisan ay nakita ko na ang kabuoan. Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng mga luha sa mga mata ko. Kamukhang-kamukha ko si mama. May nakasulat sa baba na pangalan, ALEXANDRA KNIGHT. Siya ang mama ko.  "Namatay siya hindi dahil sa pagluwal sayo. Oo, namatay siya sa araw na pinanganak ka. Pero nililigtas ka niya sa gustong kumuha sayo. Wala ako rito noon, nakikipaglaban sa kabilang bayan na isa lamang patibong para makuha ka nila rito." Nararamdaman ko ang paghihirap ng tiyuhin ko habang sinasabi niya yon. Sinisisi niya ang sarili.  "Huwag n'yo pong sisihin ang sarili ninyo. May dahilan po ang Diyos bakit nangyari iyon." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa larawan ng mama ko.  "Hindi ko mapigilan. Sana na ligtas ko pa ang mama mo at hindi ka nawala sa amin kung nakinig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam paano ka niya naitakas, basta pagdating ko rito ay wala na siyang buhay na nakahandusay sa likod ng palasyo." Nakikita ko talaga ang paghihirap niya. Nasasaktan ako para sa kaniya. Alam kong dinala nila ito sa loob ng mahabang panahon.  "Huwag po. Narito na po ako." And I smile on him, tumango na lamang siya. Nilingon ko na lang kung ano pa mayroon dito sa silid. May kabinet, kaya nilapitan ko ito. Mga damit ang laman. Mas lalo akong naiyak dahil mas malakas ang amoy ng mama ko mula rito. Hindi ko alam na yakap-yakap ko na pala ang mga damit nito.  Halo-halo ang nararamdaman ko ng oras na iyon. Masaya dahil nakita ko mama ko kahit litrato lang, nasasaktan, nalulungkot at nangungulila sa pagkawala niya. Hinayaan lang nila akong umiyak at pagdadalamhati. Pero may nakita akong damit na mas nakaagaw pansin sa akin. All black na gamit ng mga hunter na tumutulong sa lahat na mga nilalang. Pinakita ito sa amin noon sa institution. "Puwede po bang akin na lang po ito." Pinakita ko ang damit sa tiyuhin ko.  Ngumiti lang si Elder Marcos at tumango. Nilapitan ko sunod ang lamesa nito. Wala akong nakitang kahit anong gamit galing sa papa ko. Kaya hindi ko na napigilang magtanong.  "Uncle, kilala mo po ba sino papa ko?" Tumitingin pa rin ako habang nagtatanong. Hanggang napunta ako sa book shelf ni mama.  "Pasensya ka na, Anak. Hindi ko kasi kilala ang papa mo. Ayaw magsabi ng mama mo, e." Ngumiti na lang ako at tumango.  Nilibot ko pa ang mata ko hanggang nahagip ng mata ko ang box sa kama. Hindi mo ito mahahalata sa unang tingin. Nilapitan ko ito at sinubukang buksan ngunit ayaw mabuksan. May susian at ang butas ay katulad nang nasa kwentas na suot ko. Ito lang ang mayro'n ako simula ng sanggol pa lang ako na kasama ko nang nakita nila ako.  Inabot ko ito at ainubukang buksan ang box. Nabuksan nga kahit si Elder Marcos ay nagulat kaya lumapit na rin ito. Isang librong na may nakasulat na FOR MY BABY, CASSANDRA KNIGHT. "Hindi ko alam pinangalanan ka na pala ng mama mo. Ayaw niya magsabi sa akin kung ano pangalan mo nang nasa sinapupunan ka pa niya." Kwento ng tiyuhin ko na nakangiti kaya napangiti na rin ako. Hinanap ko paano ko to mabubuksan ngunig wala talaga. Parang tabla lang siya at pinangalanan. Inalog ko rin ito ngunit wala namang laman. Bigla akong napatingin sa book shelf. Hindi nakaayos at may kulang na isa.  Lumapit ako rito at pinag-aralan ko ito. Bawat libro ay may letra na nakatatak at ang iba ay double. Tiningnan ko ulit ang hawak kong libro.  Inayos ko ang mga libro sa isip kong tama---CASSANDRA KNIGHT---at inilagay ko ang hawak ko sa dulo. Pagkalagay ko ay agad itong gumalaw. Nagulat pa kami ng mga kasama ko at sabay-sabay sabi ng 'woo', 'wow' at 'what the'. Kahit ako nagulat sa biglang nangyari. Ang laman lang naman ay mga armas, iba't ibang klase na halos hindi ko alam. Mayro'ng iba't ibang uri baril, hindi ko alam anong klase ngayon lang naman ako nakakakita ng baril. Samurai, iba-iba rin. Kutsilyo o dagger ba ito na may iba-iba ring laki. Boomerang, grenade at ung hinahagis ng mga ninja na sa palabas ko lang nakikita. Malay ko ba sa pangalan, ngayon ko lang nakita ang mga ito ng personal. May nakita akong isang box sa gitna. Parang pinasadya talaga ito. May laman itong libro ulit at locket na kasing laki ng relo na de-bulsa. Gusto ko sanang buksan pero may sulat.  'Read the book first before you open the locket.'  Kaya hindi ko na ginalaw at tinago ko na lang sa bag na dala ko kasama ang libro. Alam kong akin ang lahat ng ito dahil halatang iniwan ito lahat ni mama sa akin. Lumingon ako sa mga kasama ko at ang lalaki pa rin ng mga mata nila sa pagkamangha.  "Uncle, hindi ko po muna gagalawin ang gamit ni mama. Hindi ko pa naman po alam gamitin ang lahat ng ito, e." Napakamot na lang ako ng batok ko dahil hindi ko nga alam paano ito.  "Ha?" Napatikihim siya dahil sa galat. "Okay, kung 'yan ang gusto mo. Dito na lang ito. Isarado mo na lang ulit." Umatras na rin sila para maisara ko ng maayos. Binalik ko lahat ng ginalaw ko sa dating lagayan. Pagkatapos ay lumabas na rin kami para malibot pa namin ang iba pang sulok ng palasyo. Nagagalak na akong basahin ang libro para masagot ang mga katanong ko lalo na sino ang papa ko.  Nandito kami ngayon sa dining area. Wala na ang kambal dahil gusto na raw nilang magpahinga. Kaya kami lang lahat ng Elders ang nasa hapag. Paglapag ng mga pagkain ay nagsilabasan ang mga naghanda. Sinirado lahat ng pinto at bintana.   Nang masiguradong wala ng makakakitang iba ay tinanggal na nila ang mga cloak nila. Akala ko sobrang tanda na nila, hindi pa pala. Isa-isa silang nagpakilala sa akin.  “I'm Marcos Knight,” my Uncle spoke first who's sitting on the head of the table. “I'm Athena Lee,” another woman Elder spoke with a pleasant smile on her face. “Greg Salvador,” a serious one told me his name and started to eat without asking. “Crain McRight, my lady.” And he gave me a charming smile that made my Uncle cleared her throat. “Hey, I know my limit. Relax!” He said while snickering. “Veronica Cross,” a cold voice said across me, who was intently looking on me. “I'm Josua Parker,” he also wore a pleasant smile on his face. “And I'm the most handsome Elder, Russel Anderson at your service.” And he playfully winked at me that made me smile. “Hi, everyone.” I timidly said. They really let me see their faces, and it was an honor, not all got an opportunity like I have. Kumakain na kami inaalala ko pa rin pagkamatay ng mama ko. Kung ganoon ay may gustong pumatay sa akin.  "Bukas pala, pupunta tayo sa pack ko at papakilala kita." Uncle said while smiling. But I have other plan. "Uncle, sino po nakakita ng mukha ninyo po ni mama? Nakita rin po siya ng kalaban niya dati, hindi po ba?" Tanong ko sa kaniya. Nagtataka na 'yong makikita mo sa mukha niya pagkatapos kong magtanong.  "Ano iyon, Anak?"  "Ayaw ko po sana malaman ng iba na anak ako ni mama. Gusto ko lang iwasan na mangyari po ulit ang nangyari dati. Ayaw ko po. Mahina pa po ako para harapin sila." Tumango naman ito na naiintindihan ang sinasabi ko.  "Kung iyan ang gusto mo. Ano pa ang gusto mo?" Uncle Marcos asked.  "Huwag mo po akong ituring na nakakatas. Gagamitin ko po ang totoong pangalan ko po. Wala naman po nakakakilala sa pangalan na iyon. Sabihin niyo na lang po pinagamit niyo po ang apelyido niyo po o inampon niyo po ako kung piwede po sa inyo." Nakayuko kong sabi.  "O, sige. Sabihin mong inampon kita katulad din ng inampon ni Crain. Hindi na bago sa aming mga Elder na umampon kung alam naming malakas." Then he smiled.  "And Uncle, pakuha po ako ng salamin at damit na may nga hood po at jeans. Para hindi po ako mamukhaan nino man." Request ko pa.na kinatango ng tiyuhin ko.  Tinuloy namin ang pagkain. Okay lang din sa ibang Elders ang sinabi ko.  Sa loob ng ilang araw ay napuntahan na namin ang pack. Okay naman sa kanila tapos hindi naman ako titira roon. Nakita ko rin ang pinsan ko. Dalawang taon ang tanda ko sa kaniya at alam niyang pinsan niya ako dahil din sa wolf niya. Kayulad noong nangyari sa akin kung paano ko nakilala ang papa niya na Tito ko ito. Pero hindi siya nagsalita at naging masaya na lang, basta ang importante raw ay ligtas ako.  Ngayon ay nandito na ako sa HUNTER SHIELD ORGANIZATION. Iba't ibang nilalang ang nandito pero hindi sila nag-aaway.  Dito na magsisimula ang lahat. Dito raw ako titira sa dorm habang nagti-training pa ako.  Sana malagpasan ko lahat ng pasubok. THIS WILL BE THE START OF EVERYTHING!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD