Chapter 2

2035 Words
Rizza's Pov KASAMA ko si papa kumakain at halos hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa takot. Pinatawag kasi niya ako kay manang para sabay daw kami kumain. Nong una ay natuwa pa ako dahil makakasabay ko kumain si papa, pero agad akong natakot ng magsimula na naman siyang magalit at sigawan na naman ako. Nagkamali kasi ako kanina sa inuutos niya. Muntik na akong mabatukan kung hindi lang siya pinigilan ni manang. Naiiyak na ako habang sumusubo ng pagkain. Hindi ko na malasahan ang kinakain ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Baka maisipan ako na paluin ni papa habang kumakain. "Lagi ka nalang lumalabag sa utos ko, Rizza. Hintayin mo na mapatay kita sa palo kapag nainis ako sa'yo." Sabi ni papa na masamang nakatingin sa 'kin. Napalunok naman ako ng ilang beses dahil sa mata niya na nakakatakot sa t'wing nagagalit. "Pasensya na po, papa. Hindi ko na po uulitin." Panghihingi ko ng tawad. Nagkamali kasi ako kanina at nabasag ang paborito niyang lalagyan na vase. Paborito kasi niya yun dahil kay mama. Nagkamali ako at hindi ko sinasadya na mabitawan yun. Nagalit siya kaya pati ang mga kasalanan kong nagawa ay sinabi na naman ulit ni papa. Sanay naman na ako na kapag may kasalanan ako ay pati ang mga nakaraan ko pang kasalanan ay babalikan niya. Natapos kumain si papa na hindi man lang ako hinintay na matapos. Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at naglakad palabas ng kusina. Nang makaalis siya ay do'n lang ako nakahinga ng maluwag. Nawala ang kaba ko dahil alam ko na pupunta na siya sa kwarto niya at mag iinom na naman. Lalabas na naman siya kapag nalasing siya. Kaya si manang ay sinasamahan ako sa kwarto dahil alam niyang sasaktan ako ni papa kapag lasing na lasing. Siguro ay hindi parin niya makalimutan at matanggap ang pagkawala ni mama at ang kapatid ko. Hanggang ngayon ay sinisisi parin ako at pinaparusahan sa pamamagitan ng pagkulong dito sa bahay. Natigilan ako ng biglang sumulpot si manang sa kusina. Para siyang aligaga na nagmamadali na lumapit sa 'kin. "Tapos ka na ba kumain, hija?" Tanong pa sa 'kin ni manang. "Opo, manang. Bakit po?" Kunot noo kong tanong. Hindi naman siya sumagot at lumingon muna sa likuran niya na para bang may tinitignan. "Kailangan mo ng umalis ngayong gabi, Rizza. Narinig ko ang ama mo kanina ng makasalubong ko siya na papatayin ka daw niya. Baka gawin nga niya sa'yo yun lalo na't araw ng kamatayan ng mama at ate mo ngayon. Baka maglasing na naman ang ama mo at saktan ka na naman." Nag-aalalang sabi ni manang. Ako naman ay natigilan ng maalala ang petsa ngayong araw. Ngayon ko lang naalala na araw nga pala ng pagkawala nila mama tulad nalang sa laging pag sigaw sa 'kin ni papa na ako daw ang dahilan kaya namatay ang mama at kapatid ko. Tinandaan ko talaga ang petsa na yun dahil na din kay manang. "Sige na, ngayon ka na tumakas, Rizza. Baka hindi na kita matulungan pa kapag sinaktan ka ulit ng ama mo. Matanda ja din ako at hindi ko na kayang lumaban pa para sa'yo. Natatakot ako na baka mapatay ka niya sa bugbog kaya dapat lang na tumakas ka na." Sabi ni manang na hinawakan ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay. May inabot siya sa palad ko at agad kong tinignan yun. Nagpalipat-lipat ako ng tingin kay manang at sa inilapag niya sa palad ko. "Pera yan, Rizza. Gamitin mo 'to kapag sasakay ka ng sasakyan na jeep tulad ng sabi ko sa'yo dati. Alam mo naman kung magkano ang mga pera na 'to diba? at kung anong kulay." Sabi niya sa 'kin kaya tumitig ako sa pera na kulay ube. "Opo, manang. Alam ko po kung magkano. Pero hindi ko po kaya. Paano po kung wala akong matulugan kapag naglayas po ako. Saan po ako pupunta?" Nagdadalawang isip kong sabi dahil natatakot ako na baka mas lalong lumala ang buhay ko. "Maraming tutulong sa'yo, Rizza. Mag tanong-tanong ka lang sa mga tao at wag kang magpapahalata na wala kang alam ha! Basta hanapin mo ang address na ibinigay ko sa'yo para makarating ka sa bahay ng pamangkin kong babae. Hindi kita pwedeng samahan sa pagtakas mo ngayong gabi upang magkunwari ako na walang alam. Kapag nalaman kasi ng ama mo ay pipilitin niya akong umamin." Mahabang sabi ni manang kaya tumango-tango ako kahit naguguluhan parin ako. "Sige na, Rizza. Wag ka ng umakyat pa ng kwarto mo at baka makita ka pa ng ama mo. Gawin na natin ngayon habang naglalasing pa siya sa kwarto niya." Sabi ulit ni manang kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at pawis na pawis ang dalawa kong kamay. Kinakabahan talaga ako sa gagawin namin pero bahala na talaga 'to. Yan palagi kasi ang sabi ni manang kapag may gagawin siya na hindi niya alam kung anong mangyayari. Kaya nagaya ko yun at sinasabi din na bahala na talaga 'to. Sabay kami na lumabas ni manang sa kusina at panay ang tingin namin sa paligid at baka lumabas si papa sa kanyang kwarto. Hawak ni manang ang kamay ko hanggang sa makalapit kami sa pinto. Dahan-dahan yun binuksan ni manang kaya pigil ang hininga ko at baka marinig ni papa ang pagbukas ng pintuan. Yung pawis ko kanina ay mas lalo pa yatang dumami. Natatakot ako sa gagawin namin ni manang pero buo na ang desisyon ko na tumakas. Wala ng pag-asa na magbago si papa tulad ng laging sinasabi ni manang. Nang mabuksan ni manang yun ay lumingon pa ako sa kabuuan ng bahay ni papa. Baka ito na ang huling makikita ko ang bahay kung saan ako kinulong ni papa na matagal na panahon. Tama lang ang gagawin kong pagtakas upang marananasan ko naman kung anong buhay ang nasa labas ng bahay na 'to. Gusto ko ng maging malaya sa pinagkulungan ni papa sa 'kin. Hinila ako ni manang ng mahina kaya nakalabas kami sa pintuan. Kinakabahan ako sa binabalak namin pero nandito na kami kaya pangatawanan nalang namin ni manang. Kailangan ko lang manalig tulad ng palaging sabi ni manang. "Sige na, Rizza. Tumakas ka na!" Sabi sa 'kin ni manang kaya ngumiti ako sakanya. "Magkikita naman po tayo sa bahay ng pamangkin mo manang diba?" Paninigurado ko dahil hindi ko kaya na hindi ko makita si manang. Nasanay na ako na siya palagi ang kasama ko at kausap. Ang totoo nga niyan ay mas mahal ko pa siya kaysa sa ama ko. Kung papipiliin man ako kung si papa o si manang ay pipiliin ko si manang. Siya lang kasi ang nagparamdam sa 'kin na mahal niya ako. Para bang anak na talaga ang turing niya sa 'kin. "Oo naman. Pupuntahan kita agad kapag nasiguro ko sa papa mo na hindi ako ang nagpatakas sa'yo. Itanong mo lang sa mga makikita mong jeep ang address na yan at alam na nila yan. Wag ka lang magpapahalata na unang beses mong sumakay ng jeep upang hindi ka pagsamantalahan." Bilin sa 'kin ni manang kaya tumango ako. Sabi kasi niya sa 'kin na maraming mapagsamantala sa mundo kaya dapat daw ay mag- ingat ako kapag nakalabas na ako sa bahay ni papa. "Opo, manang. Maraming salamat po," saad ko saka siya niyakap ng mahigpit. Napapikit ako habang sinusulit ang sandali na kayakap siya. Gusto ko magkita kami agad para hindi ako mangulila sakanya. "O siya.. sige na at baka lumabas na ang papa mo at mahuli tayo." Saad ni manang kaya kumawala ako ng yakap sakanya at tumango. Ngumiti pa ako at tinitigan ng mabuti ang mukha ni manang. "Magkita po tayo agad, manang. Ayaw ko pong mawalay ka ng matagal sa 'kin." Saad ko sa malungkot na boses. Tumango naman siya at hinaplos ang buhok ko. "Mag-iingat ka ha! Lagi mong tandaan ang mga bilin ko sa'yo, Rizza. Lagi ka din magdasal ha!" Bilin nya sa 'kin at para bang naiiyak siya. Hindi ko tuloy mapigilan na maiyak din dahil mawawalay siya sa 'kin ng ilang araw kapag nagtagumpay kami sa plano namin. "Sige na.. umalis ka na ngayon din," sabi sa 'kin ni manang kaya tumango ako. Akmang aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas do'n si papa. "Saan ka pupunta, Rizza? Sa tingin mo talaga makakalabas ka sa pamamahay na 'to?!" Galit na sigaw ni papa kaya pareho kaming nagulat ni manang. Nanigas ang buo kong katawan sa sobrang takot ko kay papa. Mas tumindi pa ang takot ko dahil nakita ko siyang may hawak na sa pagkakaalam ko ay baril ang tawag. Nakita ko na kasi yun dati nang magtangka si papa na patayin ako. Napigilan siya ni manang no'n at do'n sinabi sa 'kin ni manang kung ano ang hawak ni papa at kung anong kayang gawin no'n kapag tinamaan ako. "Sino may sabi sayong lumabas ka ha?!" Sigaw ni papa sa 'kin at itinaas ang isa niyang kamay na may hawak na baril. "Rizza, takbo! tumakas ka na sa baliw mong ama!" Sabi sa 'kin ni manang na tinulak pa talaga ako palabas ng bakuran. "Wag kang lumingon at tumakbo ka ng mabili—" Napatili ako ng marinig ko ang putok ng baril at ang pagtigil ng pagsasalita ni manang. Nagsimula na akong umiyak dahil sa nangyari ay nanginginig ang kamay ko. Sa takot ko ay tumakbo ako tulad ng utos sa 'kin ni manang. Wala na akong pakialam kung ano ang dinadaanan ko. Ang mahalaga sa 'kin ay makatakas ako kay papa na galit na galit habang hinahabol ako. "Papatayin kita kapag naabutan kita, Rizza." Saad ni papa sa galit na boses. Ang sumunod no'n ay putok ng baril kaya napatili na naman ako. Ang sabi sa 'kin ni manang ay wag daw ako magpapatama ng bala mula sa baril. Takbo lang ako ng takbo at hindi ko na alam kung saan ako lulusot. Ngayon ko lang nalaman na wala palang kabahayan dito kundi mga halaman at puno lang. Kanina pa ako sinasampal ng mga halaman dahil sa pagsusuot ko para lang makatakas kay papa. Madilim din ang paligid kaya hindi ko masyadong makita ang dinaraanan ko. Umiiyak ako sa takot at baka abutan ako ni papa. Isa pa sa iniiyakan ko ay alam ko na natamaan si manang sa bala ng baril. Ang sabi sa 'kin ni manang ay nakakamatay daw yun. Nalulungkot akong isipin na kaya pala talaga pumatay ni papa ng tao. Wala na talaga sa katinuan ang ama ko kaya dapat lang na makatakas ako sakanya kahit anong mangyari. Patuloy lang ang ginagawa kong pagtakbo hanggang sa makakita ako ng maliit na daanan. Simento yun at hindi katulad sa dinaanan ko na lupa at puro ligaw na damo ang natatapakan ko. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Takot na takot na talaga ako ngunit kailangan kong palakasin ang loob ko. Tinungo ko parin yun at patuloy na tumakbo ng tumakbo. Sa sobrang pagmamadali ko pa ay aksidente kong nahulog ang papel na binigay sa 'kin ni manang kanina. Gusto ko sanang pulutin yun ngunit madilim ang paligid. Naririnig ko na din ang sigaw ni papa na alam ko na malapit lang siya sa 'kin. Sinisigaw niya ang pangalan ko na halatang hinahanap ako. Hindi ko na pinulot pa ang papel na nahulog ko at agad akong tumakbo ulit. Nagdarasal ako na sana ay hindi ako abutan ni papa. Ayaw ko pang mamatay kaya gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang ginawa ni manang na sakripisyo para sa 'kin. Hindi ko alam kung patay na ba siya dahil hindi na talaga ako lumingon pa sakanya at baka hindi na ako makatakas pa sa kamay ni papa. Pero dasal ko lang ay buhay siya dahil hindi ko kakayanin kapag nalaman ko na wala na si manang. Mas gugustuhin ko pa na si papa na lang ang mawala sa mundong 'to dahil sabi ni manang ay mapupunta daw si papa sa napakalaking apoy at susunugin daw ang kaluluwa. Hindi ko alam ang ibig sabihin ni manang dati pero sana nga ay mangyari yun kay papa para marananasan din niya ang paghihirap ko mula sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD