Chapter 1

2013 Words
Rizza's Pov NAKAUPO ako sa sahig habang takot na takot sa papa ko. Nagkulong ako sa loob ng kwarto ko dahil gusto akong saktan ng papa ko dahil sa paglabag ko sa utos niya. Lumabas kasi ako sa bahay na lagi niyang pinagbabawal. Ayaw na ayaw kasi niya akong pinapalabas ng bahay namin sa hindi ko malaman na dahilan. Simula nang bata ako ay hindi ko nasubukan na tumapak sa labas ng bahay. Hindi ko man lang nasubukan na lumanghap ng hangin na katulad na sinasabi sa 'kin ni manang. Nalulungkot ako dahil buong buhay ko ay dito lang umiikot ang buhay ko. Ni hindi ko nasubukan makipag usap sa ibang tao bukod kay papa at sa isang matandang katulong namin na siyang nagluluto ng pagkain. Dito lang talaga umiikot ang buhay ko at gusto ko sanang maranasan sana ang magin malaya sa bahay na 'to. Ngunit alam ko naman na hindi mangyayari yun kahit anong gawin ko. Kapag nagpumilit ako ay sasaktan lang ako ng ama ko. Nakakulong lang ako at ayaw akong paaralin ni papa na tulad sa mga kwenekwento sa 'kin ni manang. Sabi niya ay ang mga tulad ko ay dapat pumapasok sa paaralan. Pero ayaw akong payagan ni papa dahil wala daw akong karapatan na mag-aral. Hindi ko alam kung bakit niya giagawa yun sa 'kin. Pakiramdam ko ay hindi niya ako tinuturing na sariling anak. Simula nong bata ako ay wala ng ginawa ang ama ko kundi sisihin ako dahil sa kasalanan na hindi ko alam na ginawa ko. Sinisisi niya ako dahil namatay daw si mama at ang panganay kong kapatid dahil sa 'kin. Hindi ko alam kung paano dahil ayaw naman sabihin sa 'kin ni papa. Lagi lang niya akong sinisigawan na salot daw ako at dapat ay hindi na nabuhay pa sa mundong 'to. Dapat daw ay nakakulong lang ako sa bahay na 'to ay baka magdala lang daw ako ng kamalasan sa ibang tao. Kaya kahit masakit ay pinili kong sundin ang gusto niya. Pinili kong magkulong dito sa bahay na 'to kahit pa nga hirap na hirap na ako sa kalagayan ko. Lahat ng galaw ko ay limitado, lahat ng salita ko ay limitado lang din kaya ang hirap maging mangmang. Dati nangangapa talaga ako dahil wala man lang akong alam kundi malas o salot daw ako. Sabi kasi ni papa ay itatak ko daw yun sa utak ko. Natatakot din ako na magalit sa 'kin si papa kapag may nilabag ako. Sobrang sakit niya manakit kaya ayaw kong magkasala. Lagi kong sinusunod ang gusto niya para kahit papano ay matuwa siya sa 'kin. Ngunit kahit anong gawin ko ay galit lang yata ang nararamdaman niya para sa 'kin. Kahit minsan ay hindi ko man lang siya narinig na tinawag ako na anak. Si manang nga lang ang kakampi ko at nakakaalam ng hinanakit ko kay papa. Masama talaga ang loob ko sakanya dahil sa mga pinagdaanan ko. Dati nong wala pa si manang sa bahay ay talagang wala akong alam. Tanging sa apat na sulok lang ng bahay umiikot ang buhay ko kaya wala akong alam sa nangyayari sa labas. Hindi ako marunong magbilang, magbasa at magsulat. Pero dahil kay manang ay patago niya akong tinuturuan sa mga dapat kong matutunan. Ang sabi ni manang sa 'kin ay hindi naman daw siya magaling dahil hanggang elementary lang naman daw siya. Pero naturuan parin niya ako kaya ang laki ng pasasalamat ko. Hanggat kaya ni manang ay tinuturo niya sa 'kin. Matyaga talaga siya kaya natutuwa ako dahil sa malasakit niya. Hindi alam ni papa na pasikreto ako na tinuturuan ni manang. Ayaw kong mahuli niya kami dahil baka tanggalin niya si manang at wala na akong kakampi dito sa bahay. Si manang lang kasi ang pumipigil kapag hinahataw ako ng pamalo ni papa. Minsan ay natatamaan na din siya pero ayos lang sakanya. Ang mahalaga daw ay hindi ako masaktan ng lubusan. Kaya ang laki talaga ng utang na loob ko kay manang. Pakiramdam ko ay gusto akong patayin ni papa na walang alam sa mundo. Pero kahit ganun ay mahal na mahal ko parin si papa. Kahit pa nga nahahampas na niya ang ulo ko ng sinturon niya. Ginagamot naman ni manang ang sugat ko at lagi kaming nagkukulong sa kwarto at tinuturuan niya ako ng mga bagay-bagay na dapat ko daw matutunan. Bumalik ang diwa ko ng may marinig ko ang mahinang katok sa labas ng pinto ng silid ko. Nagugulat talaga ako dahil baka si papa yun na may dalang pamalo. "Rizza.. si manang 'to." Sabi niya sa labas ng kwarto kaya dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan agad ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni manang at agad na pumasok sa loob ng kwarto ko. "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka na naman ng papa mo. Hindi na talaga tama ang ginagawa niya sa'yo, Rizza." Maluha-luha niyang sabi sabay haplos sa kamay ko. Napansin yata ni manang ang mga pasa ko sa kamay. Nasaktan na naman kasi ako ni papa kanina bago ako tuluyang nakatakbo papunta sa aking silid. Mapait akong ngumiti kay manang. "Sanay naman ako, manang. Ganun naman talaga si papa. Sanay na po ako, sa sobrang sanay ko na ay hindi ko na nararamdaman ang sakit ng mga sugat na natatamo ko." Malungkot kong sabi saka mapait na ngumiti para hindi mag-alala sa 'kin si manang. "Halika, gagamutin natin yang mga sugat at pasa mo." Sabi niya sa 'kin kaya tumango ako habang may ngiti sa labi. Umupo ako sa kama habang si manang ay kinukuha ang palagi niyang ginagamit kapag may sugat ako. Bumalik naman siya agad at tumabi ng upo sa 'kin. Ginamot niya ang mga sugat ko na nakuha ko kanina sa paghataw sa 'kin ni papa. Tahimik lang ako habang hinahayaan si manang ng gamutin ako. Ganito kasi kami palagi sa t'wing hinahataw ako ni papa sa lagi niyang hawak na singuron. "Dapat ay umalis ka na sa bahay na 'to, Rizza. Tama na ang pagtitiis sa ama mo. Baynte anyos ka na pero binubugbog ka parin ng ama mo." Sabi ni manang na gusto akong paalisin dito sa bahay ni papa. Ang totoo niyan ay matagal ko ng gusto na umalis sa poder ni papa. Nasasaktan talaga ako pero nangingibabaw ang pagmamahal ko sa aking ama at naniniwala ako na magbabago pa siya. Pero mukhang nagkamali ako dahil mas lalo lang naging malupit si papa sa 'kin. "Ituloy na natin ang plano mo na pagtakas, Rizza. Dapat sana ay matagal mo ng ginawa yun. Hindi ka sana sinasaktan ng ama mo ng ganito." Saad ni manang. Matagal na kasi niyang naisipan na itakas ako sa malupit kong ama. Maging ang likod ko ay may mga sugat din dahil sa sinturon na palagi niyang pinapalo kapag nagagalit siya. May mga paso din ako ng sigarilyo sa paa lalo na kapag lasing si papa. Lahat ng yun ay tiniis ko. Kahit gustong-gusto na ni manang na itakas ako ay ayaw kong pumayag. "Baka po magbago pa si papa, manang. At isa pa, kung tatakas man po ako ay saan po ako pupunta? Natatakot din po kasi ako sa labas ng bahay dahil wala po akong alam kung anong mangyayari sa 'kin. Alam mo naman po na hindi pa ako nakakalabas ng bahay kahit isang beses." Malungkot kong sabi at yumuko. Natatakot ako na baka mawala ako kapag nasa labas ako. Baka wala akong mahigaan o makain kapag naglayas ako. "Sumama ka nalang sa 'kin. Ako nalang magtatakas dito sa'yo." Sabi ni manang na pursigedo na itakas ako. "Ayaw ko po madamay ka, manang. Malalaman po ni papa ka ikaw ang nagtakas sa 'kin kapag tayo pong dalawa ang wala sa bahay." Sagot ko saka humugot ng malalim hininga. "Kapag pinatakas kita, Rizza, papayag ka ba na ikaw lang mag-isa muna? Para magkunwari akong walang alam na tumakas ka." Sabi ni manang sa 'kin. "Kaya ko po ba? kaya ko po kaya na lumabas ng bahay na 'to at harapin ang pwedeng mangyari po sa 'kin sa labas. Ngayon pa lang ay natatakot na po ako sa kalalabasan ng pagtakas ko." Saad ko na nagdalawang isip sa binabalak na pagtakas ko. "Kaya mo yan, Rizza. Hindi ka pababayaan ng panginoon dahil mabuti kang bata. Subukan mo para malaman mo kung anong mangyayari. Hindi kasi natin malalaman kung hindi mo susubukan na lumabas sa bahay na 'to, Rizza." Sabi ni manang saka hinaplos ang buhok ko. Napangiti ako sakanya dahil pinapalakas talaga niya ang loob ko kahit pa nga minsan ay gusto ko ng mawala. Sigurado naman kasi ako na hindi iiyak ang ama ko. Hindi na ako nakasagot pa at iniisip ng mabuti kung tatakas ba talaga ako o hindi. Baka kasi pagsisihan ko sa huli at hindi na ako tanggapin ni papa kapag bumalik ako sa bahay niya. Nagpaalam na si manang sa 'kin na lalabas na daw siya ng kwarto. Nilock ko naman ang pinto dahil yun ang bilin niya sa 'kin. Baka daw kasi pumasok si papa ko ay hatawin naman ako ng sinturon. Wala na talagang inisip si manang kundi ang kaligtasan ko laban sa ama ko. Ang bilin sa 'kin ni manang ay pag-isipan ko daw ng mabuti ang gagawin namin na pagtakas. Isipin ko daw ang sarili ko dahil wala na daw pag-asa ang aking ama na magbago. Nalulungkot lang ako dahil siguro nga ay tama si manang. Kahit kailan siguro ay hindi na talaga ako matatanggap ni papa. Kahit anong gawin ko ay galit talaga siya sa 'kin. Niloloko ko lang talaga ang sarili ko na kaya pang magbago ni papa kahit alam ko naman na wala na. Pinagdarasal ko parin naman kahit wala ng pag-asa. Baka may himala na humaplos sa puso ng ama ko at maawa siya sa 'kin. Alam ko kasi na mabait ang ama ko. Siguro ay galit na galit lang talaga siya sa 'kin. Ang dami ko ng tiniis sa ama ko. Lahat ng pananakit niya sa 'kin ay tinanggap ko dahil sa isip ko ay baka magbago si papa kapag nasaktan niya ako. Baka kapag napagod siya sa pananakit sa 'kin ay mahalin na din niya ako bilang anak. Yun ang palagi kong pinagdarasal dahil sabi ni manang magdasal lang daw ako at lahat daw ng hihilingin ko ay pakikinggan ng lumikha sa lahat. Ngunit umabot nalang ako sa edad kong 'to ay kahit isa ay walang pinakinggan sa hiniling ko. Nakakapagod na din pero kailangan kong magtiis upang mapatawad ako ni papa kahit pa nga hindi ko alam kung anong kasalanan ko sakanya. Sana dumating ang araw na matawag din niya akong anak. Sana maramdaman ko na anak niya ako. Sana hindi na niya ako sasaktan at sisigawan. Ang dami kong sana sa buhay na alam ko naman na hindi mangyayari. Naisip ko kung buhay ba ang mama at kapatid ko ay ganito parin ba ang trato niya sa 'kin. Mamahalin na ba niya ako kapag wala akong kasalanan kay papa? Kasi gusto ko din maranasan na mahalin niya bilang anak niya. Tulad ng sabi ni manang sa 'kin ay ang anak daw ay minamahal ng mga magulang at hindi sinasaktan ng ganito ka lupit. Do'n pa lang ay alam ko na hindi ako mahal ni papa. Ang sakit lang talaga dahil malupit ang naging amo ko. Kung pwede lang ay mamili ako ng ama ay ginawa ko na. Napabuga nalang ako ng hangin habang nakaupo ako sa maliit na kama. Iniisip ko parin ang plano namin ni manang. Kung magtatagumpay ba talaga yun o hindi. Buo na ang desisyon ko.. tatakas na ako sa bahay na 'to. Tama lang ang sinabi sa 'kin ni manang. Dapat matagal na akong tumakas sa poder ng ama ko. Baka mas marami pa akong natutunan kung nasa labas man ako. Humig nalang ako sa matigas na kama ay hinawakan ang puson ko dahil sumasakit na naman. Dahil siguro sa kaba kaya sumakit na lang bigla. Itutulog ko nalang 'to para may lakas ako gawin ang plano namin ni manang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD