C- 10

1707 Words
ARMEDAH HINDI ako mapalagay habang sakay ng aking big bike. Ang malakas na hampas ng hangin ay balewala kong sinagasa. Basang basa ang buong katawan ko pero hindi ako nakaramdam ng ginaw. Kanina pa ako naghihintay ng mensahe mula kay Bugart. Pero hanggang sa mga oras na yon ay walang dumarating. Napilitan akong himinto at kinuha sa bulsa ang water proof cellphone. Binuksan ko ang secret communication at pinindot ang name ni Luke Ali. Kanina ng lisanin ko ang penthouse nito. Agad kong sinara ang pangalan ni Luke Ali, sa secret communications. Ayaw ko muna siyang kausapin, naiinis ako sa lalaking yon. Talagang sinusubukan ang aking kakayahan. Bumalik ako sa realidad ng marinig ang boses niya. “Where are you?” “Nasa misyon ako, Master Luke.” Matipid kong sagot sa kanya. “F*ck! Alam kong nasa misyon ka! Ang tinatanong ko nasaan ka?” “Malapit na ako sa underground 2, tumawag lang ako dahil kanina pa ako naghihintay ng mensahe mula kay Bugart. Ngunit hanggang ngayon ay wala, kumusta pala diyan?” “Magtungo ka sa ligtas na lugar, ipagpaliban mo muna ang inututos ko sayo. Kapag medyo kumalma na ang panahon saka mo gawin ang misyon mo!” sa halip ay iba ang sagot sa akin ni Luke. “Hindi pwede naririto na ako, mas bibigyan ko pa siya ng pagkakataon makatakas kapag ginawa ko yon. Off ko na ang komunikasyon, tumawag lang ako upang masiguro na ligtas ka, bye!” Agad kong pinasok sa aking bulsa ang cellphone at muling pinasibad ang big bike ko. Makalipas ang dalawang oras, halos namamanhid na ang aking katawan. Pero hindi ko yon alintana. Isang daang metro ang layo ay huminto ako. Pagkatapos ay nilagay ang big bike ko sa kubling lugar. Malakas pa rin ang hangin at ulan, dumeretso ako sa likuran ng abandonadong building. Hinanap ko ang exit sa likuran bahagi at nang makita iyon ay pumasok ako doon. Mabaho ang amoy ngunit tiniis ko iyon. Mabili na sinuot ang aking night vision eyeglasses. Pagkatapos ay nagsimula ng maglakad sa madilim na underground. Malawak ang lugar at hindi masyadong tahimik. Walang palatandaan na naroon ang aking target. Kaya umiba ako ng daan, hanggang naulinigan ko ang mga boses. “Bilisan natin ang kilos, iligpit na natin ang tauhan ni North Magia Boss—-LAM. At si Father Lino, dapat agad natin siyang mailabas sa kulungan na ‘yon!” “Okay, tayo na pagkakataon na rin natin ubusin ang mga tauhan ng pangit na yon.” Aking sinundan ang dalawang lalaki. At nang malapit na ang mga ito sa pakay ay agad kong kinalabit ang hawak kong silencer gun. Bumagsak sa semento ang mga ito at mabilis kong tinutukan muli sa ulo. Upang paaminin kung sino ang mastermind sa plano ng mga ito. “Wala akong sasabihin sayo kaya patayin mo na lang ako.” “Okay, tatlong segundo, kapag hindi ka nag salita ay bubutasin ko talaga ang ulo mo.” “Do it! Wala kang mapapala sa akin.” “Three…. Two…. one!” kinalabit ni Armedah, ang gatilyo. Bago nilapitan ang isa at agad itong nagsalita. “C-Congressman Alcantara.” muling kinalabi ni Armedah ang baril, bago nagmamadaling naglakad. Inayos niya ang suot na bonnet. Bago mabilis ang kilos na nakalapit sa mga bantay. Malakas niyang pinalo ng baril ang mga ito. At nang bumagsak lumapit siya sa rehas. “Father, alam ko lagi kang nagdadasal kaya. Hindi na kita mabigyan ng pagkakataon humingi ng tawad sa Diyos.” “Sino ka at bakit mo ako papatayin…” “Magtatanong ka pa samantalang alam mo ang sagot?” at dalawang kalabit ang aking ginawa. Bago ako tumalikod at lumingon pa muna. Kitang kita sa night vision eyeglasses ang tama ng bala ni Padre Lino. “Isa kang nagpapanggap na alagad ng Diyos, demonyo ka naman!” bago tuluyang nilisan ang lugar. Pagdating sa labas at tumakbo na sa nakaparadang big bike. Pinasibad agad iyon palayo at habang mabilis ang takbo. Unti-unti ko nang nararamdaman ang lamig. Sinilip ko ang gas at konti na lang din ang laman non. Bihira ang mga bahay na aking nadadananan. Pero kailangan kong makakuha ng pamalit. Sa kasamaang palad puro highway na ang aking nakikita. Kaya imbis na mag-abala pang huminto at magnakaw ng damit sa bahay na nakita. Hindi ko na lang iyon ginawa. Hanggang hindi ko na kinaya ang matinding lamig. Sinikap ko pa rin makapag minor. Kasabay ay natumba na ang big bike ko at doon na unti-unting nagdilim ang paligid ko. - LUKE PAWISAN akong nagising ang dibdib ko ay parang binabayo sa lakas ng pintig. Nagmamadali akong bumangon at dinampot ang tubig na laging nasa side table ng aking kama. Hingilap ko rin ang cellphone ko at tinawagan ang numero ni Armedah. Hindi nagtagal ay may sumagot. “Nasaan kang lugar ligtas ka ba dyan….” “Nasa isang clinic ang may ari ng cellphone. May nangyari sa kanya sa gitna ng daan. At masyadong malayo ang ospital dito kaya sa clinic ko siya dinala…” Who are you?” ang kaba sa dibdib ni Luke ay hindi mapigilan. “Isa akong doktor, nadaanan ko siya sa gilid ng highway. Overpatigue at inagaw na rin ng lamig ang buong katawan niya.” “Anong clinic at saan ang eksaktong lokasyon mo?” “Laguna, malapit sa lake, Kid’s Clinic…” “Hello, still there?” ngunit nag busy na ang linya. Binaba ang cellphone sa kama at naglalakad patungong gilid ng bintana. Wala pa rin pagbabago ang bagsak ng ulan at hangin ay sobrang lakas pa rin. Pinuntahan ko si Trejan sa silid nito. Malakas akong kumatok at hindi rin nagtagal ay bumukas iyon. “Aalis tayo kaya bilisan ninyong maghanda.” “Saan tayo pupunta, Master Luke?” nagtataka na tanong ng bagong gising na si Bugart. “Nasa panganib si Armedah, bilisan nyo!” “Copy, Master Luke.” at agad kong tinalikuran silang dalawa. Hinagilap ang aking maskara at sinuot iyon. Pagkatapos at kinuha sa tabihan ang baril at nilagay sa likuran ko. Nagmamadali akong lumabas ng pinto, sa parking ko na lang sila hihintayin. Pagdating ko sa baba diretso sa Hummer jeep ko. Agad akong sumakay at pinaandar ang makina. Hindi nagtagal nakita ko sa side mirror ang dalawa kong tauhan. Nagmamadaling sumakay din ang mga ito sa 4x4 pick up jeep. Hindi na ako nagsama pa ng ibang bodyguard. Malaki ang tiwala ko sa aking dalawang kasama. Sinagasa namin ang malakas na hangin at ulan. Wala akong nais kundi makarating agad sa clinic na yon. Ang aking ipinag taka bakit sa Laguna na natagpuan ng doktor na yon si Armedah? Ang layo ng Quezon underground 2 sa Laguna. Sa gps map, mula maynila ay dalawang oras ang biyahe. Sana lang walang mga nakaharang sa daan. Upang mabilis na makarating sa pupuntahan. Bumalik sa isipan ang aking panaginip. Bakit parang may koneksyon kaming dalawa ni Armedah. O tamang sabihin na hindi panaginig ang nangyari sa akin kanina. Ang hindi malinaw sa akin ang gabing lasing ako. Alam ko sa saking sarili na may babae akong nadala sa kama. Dahilan ng magising ako sa tawag ni Trejan, meron blood stain sa white cover ng kama. At hindi ko rin kilala ang silid na kinaroroonan ko. Pero naririnig ko ang malakas na lagaslas ng tubig. Ibig sabihin ay naroon sa loob ng banyo ang babae. At kahit nais kong tingnan kong sino ang babaeng yon. Nagbago ang aking isipan. Dumeretso an ako ng uwi sa aking penthouse. Bumalik ako sa kasalukuyan ng makita ang nakaharang sa daan. Huminto ako at pinag-iisipan kung paano kami makakalampas doon. Ngunit nakita ko sa side mirror, bumaba ang dalawa. Kaya binuksan ko ang bintana. “Master Luke, aalisin muna namin ang mga nakaharang. Pero kapag kasya na ang sasakyan ay aalis na din agad tau.” Ani Bugart. Tinanguan ko agad silang dalawa. Ngunit nahihirapan ang mga ito kaya bumaba na rin ako. Lumapit sa mga ito bago tumulong sa ginagawa. Basa na rin kaming tatlo dahil ang ulan ay patuloy pa rin. Lagi lang kaming may nakahandang pamalit sa loob ng sasakyan. Kaya ayos lang kaming mabasa. Nang pwede nang makalampas ang sasakyan namin ay sumakay na kami at muling pinusad palayo sa lugar. Makalipas ang dalawang oras, huminto kami sa tapat ng clinic. Bumaba agad ang dalawa at kumatok hindi rin naman nag tagal ay bumukas ang glass door. Nang makita ko ang lalaking nakatayo sa pintuan agad akong bumaba. “Where is she?” “Sino kayo?” “She’s my wife!” natigilan ako sa aking binitawang salita. Bakit yon ang nasabi ko, samantalang wala naman kaming relasyon ng babaeng yon. Tauhan ko lang si Armedah, na may malaking kasalanan sa akin. Kaya paano nangyari na sinabi kong asawa ko ang babaeng yon? Samantala pag sulyap ko sa dalawa ni Trejan at Bugart. Pagtataka ang nakalarawan sa mga mukha ng mga ito. “Pumasok kayo at maupo.” bago humarap sa kanya. “Naroon ang asawa mo sa loob. Wala pa rin siyang malay, pero nabigyan ko na siya ng injection.” iba ang dating sa akin ng huling sinabi ng doktor na ito. Kaya malakas ko siyang tinabig at agad na pinuntahan si Armedah. Parang sinipa ang dibdib ko ng makita ang sugat niya sa noo. Meron din mga gasgas sa braso. Ayaw kong magtagal kami sa lugar na ito dahil delikadong may makaalam na kalaban. Pumihit ako at pinuntahan si Doktor. "Kung hindi naman masyadong malala ang kalagayan niya ay iuuwi ko na siya ngayon din." "Iyon din ang nais kong sabihin sayo, Mister. Kailangan din ng asawa mo na ma-CT Scan. Upang masiguro na safe ang kanyang ulo. Kagaya ng sabi ko sa telepono, overfatigue at inagaw ng lamig ang katawan ng pasyente. So, kulang lang siya sa pahinga at masusustansyang pagkain. Meron din akong ibibigay na mga vitamins sa kanya. Gamot sa mga sugat at anti-biotic na dapat niyang inumin." "Sige salamat." at habang hinahandan ni Doktor ang release kay Armedah. Bumalik ako sa kinaroroonan ng dalaga. Muli ay tila sinipa ang aking katawan. Habang nakatitig sa mukha ni Armedah, hindi ko mapigilan sisihin ang aking sarili. Ako ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD