C- 9

1620 Words
LUKE KINABUKASAN, nagkalat ang scandal ni Congressman Rufus Alcanta. Kasama ang teenager na pinangalanang Purple, edad dese-sais. Ayon pa sa balita ay pinakidnap ni Congressman sa tauhan nito ang teenager na yon. Upang maging kaulayaw sa makamundo nitong gawain. Tumayo ako at iniwan ang tv na nakabukas pa rin. Lumabas at nagtungo sa veranda. Tumayo doon habang tinatanaw ko ang kamaynilaan. “Boss, kompirmado nasa penthouse niya si Ms. Armedah. Kasama ang mga kaibigan niya at mukhang buong gabi silang naroroon.” “Go! Huwag mong iwawalay sa iyong paningin ang babaeng yon. Kailangan ko ng update sa bawat pinupuntahan niyang lugar at kung sino ang mga kasama niya.” “Copy, Master Luke.” Nag-stay pa ako ng ilang minuto bago makatanggap ng tawag mula kay Brayden. Inutusan ko ito na magtungo sa North, upang kumuha ng impormasyon. Kagaya ng nakasanayan na nito. Gamit ang aking maskara at siya din ang nag-attend ng mahalagang pagpupulong. Sa susunod na buwan ay lilisanin ko ang bansang Pilipinas at baka isang taon akong mawawala. Kaya aking sinasanay si Brayden. May tiwala naman ako sa tauhan kong ito dahil maraming beses ko ng nasubukan ang katapatan nito. “Mag-ingat kayo sa pag-uwi, midnight dapat naririto na kayo.” “Copy, Master Luke.” Matapos ang aming pag-uusap ni Brayden ay pumasok na ako sa loob ng aking silid. Subalit kanina pa ako nakahiga pero hindi dalawin ng antok. Hindi mawala sa isipan ang mukha ng babaeng yon. Sa bawat sandali ay laman siya ng aking sistema. Sino nga ba talaga ito at ano nag tunay na pagkatao? Anong oras na pero nananatili pa rin akong gising hindi dahil hinihintay kong makabalik ang mga tauhan ko mula sa Norte. Kundi hanggang sa mga oras na yon wala pa rin balita sa lalaking gumagamit ng aking mukha at identity. Agaw kamalayan ako ng mag vibrate ang aking cellphone. Kahit antok na ako ay napipilitan sagutin ang tawag. “Yes?” “Master Luke, kaya hindi namin mahanap ang lalaking gumagamit ng identity mo sapagkat isa pala siyang Priest.” “Totoo ba ang sinasbai nyo?” “Kompirmado, Master Luke, sa katunayan nasa isang parokya siya ng probinsya.” “Saang probinsya?” “Quezon prov, sa paanan ng bundok Sierra Madre.” “Kunin nyo siya at dalhin sa underground. Pagkatapos ay tawagan mo agad ako.” “Copy, Master Luke.” “Good!” Nang maibaba ang cellphone sa side table ipinagpatuloy ang aking pag tulog. Ngunit nawala na rin ang antok ko. Kaya bumangon na lang at nagtungo sa kitchen. Nang makainom ng tubig ay pumasok sa coffee room. Gumawa ako ng kape at dinala sa loob ng theater room. Binuksan ang malaking screen at nanood na lamang ng movie. Ngunit habang nakatingin sa palabas mukha ni Armedah ang aking nakikita. Ilang beses akong kumurap ngunit ganun pa rin hindi nawawala. Kaya sinara ko ang screen at dinampot ang cup. Bakit hindi mawala sa aking isipan ang babaeng yon? Muling nag-dial at tinawagan si Armedah, walang karapatan ang babaeng yon na magsaya. Ngunit nakakailang dial na ay hindi sumasagot sa tawag ko. Nag-init na ang aking ulo kaya nag-send ako ng urgent message sa secret communication. At sana lang ay mabasa ng babaeng yon. Ilang segundo ang lumipas at tumunog ang aking cellphone kaya agad kong sinagot iyon. “Ten minutes sa penthouse ko!” Sigaw ko sa kanya bago mabilis na kinansela ang tawag. Pagkatapos ay binaba ang aking cellphone sa ibabaw ng lamesa. Palakad lakad ako habang naghihintay. Saktong sampung minuto tumunog ang doorbell. Agad na binuksan iyon subalit apat na lalaki ang nasa harapan ng pinto. Agad akong umatras ng halos dalawang dipa ang layo. Paano nakapasok ang mga ito. Nasaan ang aking mga bodyguard? “Wala ka ng matatakbuhan at kung nakaligtas ka noon sa pagkasunog hindi na ngayon. Napakunot noo ako dahil sa naririnig. Ngunit walang oras bago mag-isip kaya agad akong nag handa sa pagsalakay ng apat. Ngunit iglap lang ay nasa sahig ang apat na lalaki. Pag sulyap ko kung sino ang may kagagawan. Dalawang babae ang nakatayo sa tabi ng apat na lalaki. Walang iba kundi si Armedah at isa pang babae na hindi ko kilala. “Salamat, go! Ako na ang bahala dito.” narinig ko pa ang utos ni Armedah sa kasama nito. Nang mawala sa paningin ang isang babae ay agad na tinapakan ni Armedah ang tagiliran ng isang lalaki. “Sinong nag-utos sa inyo?” bago hinila ang buhok ng lalaki patingala dito. Habang nananatili ang paa sa sugat ng lalaki. “W-Wala akong alam….” Agad nakalabit ni Armedah ang silencer nitong baril at pinatamaan ang tainga ng lalaki. “Isang tanong pa or sa krus ng noo mo ang kasunod na bala!” “O-Oo sasabihin ko na…” “Sinong nag-utos sa inyo?” “Si Congressman Rufus Alcanta, nalaman niya na ang a-amo mo ang nag pakalat ng s-scandal niya.” Inalis ni Armedah ang paa sa sugat ng lalaki pero malakas itong sinipa. “Go! Sabihin mo sa iyong amo, galingan niyang magtago. Dahil kapag ako ang nakaharap niya ay puputulan ko siya ng ulo!” Kahit hirap maglakad ang lalaki ay pinilit na makaalis sa lugar nila. Nang sumara ang pinto ay tinawag ko si Armedah. “Alamin mo kung sino ang spy sa mga tauhan ko. Bakit nakaakyat dito sa penthouse ko ang mga tarantadong yan! Pagkatapos ay magtungo ka sa underground, nais kong patayin mo ang lalaking gumagaya sa aking mukha!” Hindi magawang sumagot sa akin ni Armedah. “Hindi mo kayang pumatay ng tao?” O-Okay, kung yon ang nais mo, Boss.” pagkatapos agad na kinuha ni Armedah ang cellphone nito at nag-dial. “Umakyat kayo dito at linisin ang kalat. Pakibilisan at aalis din agad ako!” Habang hinihintay ang tinawagan tagalinis ng kalat. Kinapkapan ni Armedah ang tatlong lalaki. Kinuha nito ang cellphone ng tatlo at inabot sa akin. “Anong gagawin ko dito?” “Boss, paki-tabi mo na lang muna at kung kailangan saka mo buksan. Nakakasiguro akong marami kang malaman sa tatlong cellphone na yan.” Hindi ako sumagot ngunit kinuha ko ang tatlong cellphone at pinasok sa drawer. “Boss, kung wala ka ng ipag uutos ay aalis na ako.” “Go!” agad na tumalikod si Armedah. Naiwan ako at ang kararating na dalawang tauhan ko. “Boss, pinayagan mong umalis ngayon si Ms. Armedah?” “Anong problema sa pag-alis niya sa oras na ito?” “May parating na super typhoon at malayo din ang secret underground.” “Kailan ang landfall ng sinasabi mong bagyo?” “Mamayang alas-dos ng madaling araw. Sa katunayan ipinagbabawal na ang lumabas ng bahay.” Hindi na ako sumagot bagkus ay pumasok na sa loob ng aking silid. Kinuha ko ang aking cellphone. Nag-dial sa numero ni Armedah. Ngunit naka off na ang cellphone nito. Kahit sa private communications. Hindi na rin makontak. Bumalik na lang ako aking kama at nahiga na at sinikap makatulog. Ginising ako ng malakas na ingay kaya mabilis na bumangon. Saka lang napagtanto na nakabukas ang bintana at humahampas ang malakas na hangin. Basang basa na rin sa lugar na yon dahil pumapasok ang ulan. Binuksan ko ang tv upang manood ng panggabing news. At halos buong kamaynilaan ay wala ng ilaw. Signal #5 na pala at nag tumbahan na rin ang mga poste. Sa hindi malamang dahilan ay agad akong nakaramdam ng pag-alala kay Armedah. Muling sinubukan kontakin ang numero nito ngunit nananatiling naka-off. Tinawagan ko si Brayden at agad itong sumagot. Ayon dito ay naroon na ito sa quarters, dahil tumaas na ang tubig at hindi na maka biyahe ang mga sasakyan. Ganun pa man ay parating na raw sa penthouse ko si Trejan at Bugart. Kahit paano ay naging panatag ang aking isipan. Mahirap na sabayan ng mga kalaban ang bagyo upang mapatay nila ako. Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Hindi ko muna yon binuksan mahirap na. Sumilip muna ako sa butas at nang makita si Trejan at Bugart ay saka ko binuksan ang pintuan. “Master Luke, pasensya na at late na kami nakarating. Malalim na ang tubig at wala ng biyahe, 4x4 pick up jeep ang gamit namin kaya nakarating kami dito.” “Pumasok na kayo at magbihis baka sakit ang abutin nyo.” “Salamat, Master Luke.” matapos kong isara ang pinto ay sumunod na ako sa kanila. “Master Luke, magpahinga ka na at kami na ang bahala dito.” ani Trejan. Tinanguan ko na lamang silang dalawa bago pumasok sa aking silid. Ngunit hindi pa ako nakarating sa aking kama ay namatay na ang mga ilaw. Hindi rin naman magtatagal at nag sindi ang mga ilaw. Naka automatic on ang generator basta nawalan ng supply ang kuryente. Lumabas ako ng aking silid at naabutan ko si Trejan. Naroon ito sa veranda gamit ang night vision telescope ay sinusuyod nito ang paligid. Pagpihit ko ay siyang pasok ni Bugart galing ito sa living room. “Master Luke, nakatanggap ako ng message mula kay Ms. Armedah. May impormasyon daw siyang natanggap. Ngayong gabi ay may grupo na aakyat dito sa penthouse mo.” “Sigurado ka na siya ang nagbigay ng impormasyon na yon?” “Oo, Master Luke, sigurado ako na sa kanya galing ang mensahe. Ang sabi pa niya meron daw siyang nilagay na back up. Darating ang mga yon sa oras na naririto ang mga taong mag tangkang patayin ka.” “Talagang sinabay nila sa bagyo upang mahirapan akong makakuha ng back up.” bago tinalikuran ko si Bugart, nag-dial akong muli at tumawag sa mga SA Agencia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD