Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 34 “Sige. Ipapahahatid kita.” “Please, kahit sa bus station lang sa Cubao.” “No, I ask my driver na ihatid ka hanggang sa inyo.” Mabilis akong nagpalit. Lahat ng gamit ko, ibinigay sa akin ni Calvin at hindi ko alam kung kailangan kong dalhin ang mga iyon sa aking pag-uwi. “Don’t take it all. Alam ko babalik ka. Babalik ka dito para pag-usapan natin kung paano natin gagantihan ang hayop na si Jaxon. You will be needing me. I know, you will come back here with me.” “Hindi ko alam. Hindi ko gustong madawit ka.” “No, he killed my Mom. Mas marami siyang atraso sa’yo but I am already involved. Ready ka na?” “Yes. I am re