PAGPAPANGGAP

2448 Words

 Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 26               Agad kong binuksan ang mga lagayan ng mga damit ko at sapatos na parang may hinahanap. Nautakan ko na siyang muli. Tanga ka na lang Emma kung hindi ka makahalata. “Mga damit ko ‘to. Mga sapatos. Lahat ng mga ‘to toys ni Ivy. Huwag mong aagawin ang mga ‘to ha? Akin ‘to. Akin lang ‘to.”               “Ivy ano ba? Lumabas ka nga. Mamaya na natin ililipat ang mga damit at toys mo, okey!” nanginginig ang kanyang kamao. Sasaktan niya ako? No! he’ll never hit me. Nasa aking sinapupunan ang first and precious child niya at pabida pa muna siya sa bago niyang biktima.               “Galit ka? Bakit nasa kama kayo? Bakit kayo hubad? Si Ivy asawa Jaxon… tama ako asawa Jaxon. Sino ka?” baliw-baliwang acting.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD