Araw-araw nananalangin si Ayen na sana makasabay niyang muli si Mr. Cutie pie, ngunit siya’y bigo. Kaya naman hindi na lang siya umasang makakasabay pa niyang muli ito. Hanggang sa isang araw, nagmamadali siyang makasakay ng bus dahil may usapan sila ni Angie na magkikita bago pumasok sa trabaho. Pang-gabi pa naman ang duty nila, kaya may oras pa sila para dumaan ng mall. May bibilihin raw kasi ang kaibigan kaya naman sasamahan niya ito. Agad siyang nakipagsiksikan sa mga taong nag-aabang din ng bus nang araw na iyon. Nang makasakay ay dire-diretso siya nang lakad sa may bandang gitna ng bus kung saan maluwag pa ang puwesto. Nakatayo na siya nang maayos at nakakapit sa hawakan ng bus, nang may kumalabit sa kaniya at ialok ang upuan nito. Namilog ang mga mata niya nang makita kung sino ang