NAGTAKA si Zoe nang pagdating nila sa sinasabi ni Ethan ay wala naman siyang nakitang resort. Isa lang iyong simpleng tabing-dagat na may maliit na kubo. Pero napakaganda pa rin ng paligid. The puff of fresh air, the calming sound of sea waves, the pure sand... Ah, heaven. So naturally perfect! "I thought... resort ang pupuntahan natin?" baling niya kay Ethan, walang bakas ng pagkadismaya sa tinig niya. "Pasensiya ka na kung nagsinungaling ako sa'yo." Napahawak ito sa batok. "Baka kasi hindi ka sasama kapag sinabi kong simpleng dagat lang ang pupuntahan natin." Lalong kumunot ang noo ni Zoe. "Bakit naman?" "Baka matakot ka sa lugar. Wala kasing kuryente dito. O baka matakot ka sa'kin..." "My God, Ethan!" nangingiti niyang inirapan ang binata. "Ngayon pa ba ako matatakot sa'yo? Eh,