HALOS mapatalon sa tuwa si Zoe nang makatanggap siya ng email mula sa Infinity Interiors at sinasabing interesado raw ang kumpanya sa skills niya, hindi bilang isang secretary kundi isang interior designer. Okay lang daw kahit wala siyang job experience. Kailangan lang daw niyang magdala ng sample designs para sa final interview. Ayaw sana iyong tanggapin ni Zoe dahil wala talaga siyang tiwala sa sarili. Bagaman at qualified naman siya sa mga requirements. May mga certifications naman siya. Magaling din naman siya sa digital photography, computer-aided designs or CAD software, Adobe Illustrator, Photoshop, Archichad, Design Manager, Designsmart, at marami pang iba na ginagamit sa pagdidisenyo o pagdo-drawing. At kumpleto pa rin ang mga tools niya tulad ng measuring tape, drafting scales a