PROLOGO
JUCIA BARTOLOME
5 years earlier…
“YES!” Jucia answered as she feels the ache consuming her heart and whole being. She doesn’t love the man in front of her, pero hindi naman siguro masamang bigyan ito ng chance dahil lagi namang mabuti ang pinapakita nito sa kanya pati na rin sa kanyang pamilya. Gustong-gusto ito ng kanyang ina sa hindi niya malamang dahilan at ng kanyang mga kaibigan. Lorenz Santos is one of her suitors, pinakamatiyaga at pinakamasugid sa lahat, hindi siya nito sinukuan hanggang sa makagraduate siya sa kursong Advertising Management. Hindi man ito ang lalaking mahal ay naniniwala siyang matutunan niya ring mahalin ang binata sa pagdaan ng mga araw. She wants to give a chance to herself to love someone else and to forget about that green-eyed Greek man. Tumayo ito sa pagkakaluhod at saka mahigpit siyang niyakap.
“Thank you, Jucia. You’re worth the wait. Thank you so much,” sambit ng nobyo habang yakap siya, niyakap niya ito pabalik kahit labag sa kanyang loob at narinig niyang nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila. Her family and friends are also there watching and cheering, happiness is seen in their faces ngunit isang tao lang ang hinahanap ng kanyang mga mata, the man she love the first time she saw him ngunit wala ito roon. Bumitaw na ang binata sa kanilang yakap at saka itinaas ang kaliwang kamay niya papunta sa mga labi nito at marahan iyong hinalikan, nang magtama ang kanilang mga mata ay pilit siyang ngumiti. Inakbayan siya ng nobyo at saka lumapit sa mga kaibigan nito upang ipakilala o ipagyabang siya sa mga ito.
“Nice one Santos,” bati ng isa sa mga kateam nito sa varsity.
“Swerte mo Santos naunahan mo si Demetrius dyan kay Jucia,” the Captain of the team said na ikinagulat niya.
’Demetrius? Si Nathaniel Cane Demetrius ba ang tinutukoy nito?’ iyon ang katanungang tumatakbo sa kanyang isip ngunit walang salita na lumabas sa kanyang mga labi.
“Hindi naman siya ang gusto ni Jucia, napaka-weirdo kaya ng isang ‘yun,” mayabang na sagot ng kanyang nobyo.
‘NO! Ikaw ang hindi ko gusto!’ sigaw ng kanyang isip ngunit hindi niya iyon maisawika.
”Bruha ka! Kinikilig ako!” tili ng girly at bestfriend niyang si Reminisce Joy Fajardo nang makalapit ito sa kanila.
“Congrats,” their new found friend Ann Gabriel Patterson muttered boredly kaya naman agad itong siniko ni Rem.
“Ayusin mo nga parang ‘di ka natutuwa na may jowa na ‘tong si Jucia ah! May gusto ka siguro sa kanya,” Rem teases na sinuklian ni Ann ng nakakamatay nitong titig saka tumalikod at naglakad palayosa kanila kaya naman tumigil agad si Rem sa pang-aasar dito.
“Congratulations Jucia and Lorenz sana kayo na talaga hanggang sa huli,” her innocent and chubby friend Eunice Haze Valeriano, wishing them all the best while smiling from ear to ear.
“Oo nga tapos bride’s maid kami sa wedding niyo ha?” Haven Patricia Garcia, her boyish friend that graduated Military Leadership said while smiling.
Everyone is happy except her maybe because the man beside her is not the one she loves. She doesn’t deserve to be happy at all. Isa-isa nang nag-uwian ang mga tao pagakatapos magpapicture at magpaalam sa mga naging kaklase sa taong iyon sa huling pagkakataon dahil iba-iba na ang tatahaking landas ng bawat isa. Nagsiuwian na rin kanyang pamilya at mga kaibigan while here she is kasama pa rin ang nobyo at kumakain sa isang mamahaling restaurant. Lorenz offered to drive her home pero bago iyon ay gusto muna nitong magdate sila officially kaya narito sila ngayon kumakain.
“I love you, babe.” Lorenz muttered but she did not respond she just continue eating. After a few minutes ay tapos na silang kumain kaya’t nagyaya na siyang umuwi. She was tired as hell at the same time happy dahil nagbunga ang apat na taon niyang pagpapagod, pagpupuyat at pag-aaral. Lorenz has his own car, regalo ito ng mga magulang ng binata. Pinagbuksan siya nito ng pinto bago sumakay sa driver’s seat ng sasakyan at saka pinaandar na ang kotse patungo sa kanilang bahay. Jucia was just staring at the window sa buong oras ng biyahe, paminsan-minsa’y kinakausap siya ng nobyo ngunit hindi niya ito masyadong pinagtutuunan ng pansin kaya’t hindi na rin siya nito sinubukan pang muli kausapin. After a few minutes ay nakarating na rin sila sa bahay ng dalaga, nagmamadaling bumaba si Jucia sa kotse at papasok na sana ng bahay ng marinig ang winika ng binata.
“I love you.” wika ulit nito ngunit wala na naman itong natanggap na sagot mula sa kanya. ‘I can’t love you.’ wika ng dalaga sa isip.
“Good night.” iyon na lamang ang naisagot niya at saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay diretso sa kanyang kwarto. Pagal na ibinagsak ni Jucia ang katawan sa kama at itinakip ang mga braso sa kanyang mga mata.
“I love you, Nate.” She whispered at saka hinila ng antok.
One week has already passed simula nang sagutin niya ang nobyong si Lorenz. Araw-araw pa rin siya nitong pinapadalhan ng mga bulaklak at tsokolate na kung minsan ay itinatapon niya na lang, pinapadalhan ng text message oras-oras at hinahatid-sundo sa kanyang trabahong madali niyang nakuha sa hindi malamang dahilan. Boyfriend material talaga ito ngunit hindi niya ito magawang mahalin natutunan niya lang na maging casual kapag kasama o kausap ito. Jucia was busy stacking the files her ‘unknown’ boss need nang may matanggap siyang text message mula sa isang unknown number.
"This is Nathaniel Demetrius meet me at Celestine’s Café today at 5 p.m." Agad na lumukso ang puso ng dalaga nang mabasa ang mensahe. Jucia looked at her wrist watch; it was already quarter to five so she immediately grabs her purse at saka nagmamadaling lumabas ng opinisina. Hindi niya na nagawa pang magpaalam sa mga kasama o sa kanyang department head. Jucia called a cab at saka dali-daling sumakay rito, she reached her destination in just 10 minutes mabuti na lang at hindi traffic. Inabutan niya ang driver ng 500 pesos at saka nagmamadaling tumakbo papasok sa restaurant. Inilibot ng dalaga ang tingin at mabilis na nakita ang hinahanap, he was the most handsome and tallest person on that restaurant kaya naman lutang na lutang ang lalaki among the crowd.
“Sorry.” Sambit niya habang umuupo sa bangkong katapat ng binata.
“It’s okay, mukhang nagmadali ka pumunta rito.” wika ng binata na may sinusupil na ngiti sa labi.
“In your dreams, mabilis lang talaga yung taxi na nasakyan ko.” Umirap siya sa hangin habang nagpapaliwanag na ikinatango na lang ng binata.
“Am I late?” ibinaling niyang muli ang tingin sa lalaking nakayuko.
“Late for what?” nagtatakang tanong ni Jucia. Tinitigan niya ang binata at ganoon din ang ginawa nito, he stared back at her. His green eyes piercing hers na naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa kanya.
“Late to love you.” he muttered na ikinaiwas niya ng tingin, gustong-gusto niya itong yakapin at halikan ngunit nangingibabaw sa kanya ang katotohanang may nobyo na siya.
“I like you from the very start, Jucia, just give me a chance to prove myself." nagsusumamo ang gwapo nitong mukha habang kausap siya. Jucia remained silent at nanatiling malayo ang tingin.
“Please?” his pleading eyes almost got her ngunit nahanap niya na ang kanyang boses at saka nagsalita.
"Hindi pwede 'yang gusto mo, Nathan. May kasinta na ko at mahal ko siya." alam niyang taliwas ang mga sinasabi niya sa nararamdaman ng kanyang puso.
'Damn Ju! Why did you have to lie?' galit na bulong ng kanyang isip.
'Infidelity is not my thing so shut up!' Nagtatalo ang isip niya at hindi niya ito gusto. Kaya't nagmamadali siyang tumayo at akmang iiwan na ang binata kung 'di lang nito nawahakan ang pulsuhan niya. Napaigtad siya sa naramdamang kuryente mula sa mainit nitong palad. Nakita niyang lihim itong napangisi kaya't iwinaksi niya ang kamay ng binata ngunit lalo lang humigpit ang hawak nito sa kanya.
"I will give you five years for yourself and for that bastard, but mark my words, Jucia. I will have you in anyway, your way or my way. Kahit alin doon mapapasakin ka pa rin dahil akin ka. You're mine alone. Only mine, Agape." his voice is firm and dangerous na sa halip na maging babala at maghatid ng takot ay naghatid pa ng 'di niya malamang kiliti patungo sa kanyang mga hita. Jucia doesn't want what she's feeling kaya't nagmamadali niyang tinalikuran ang lalaki at walang lingon-likod siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon, palayo sa lalaking mahal niya at palayo sa kanyang kaigayahan.
This is the first time she felt an unexplainable excruciating pain that is consuming her whole being inch by inch.