KABANATA TATLO
NATHANIEL CANE DEMETRIUS
“CANE.” wika ng dalaga sa kabilang linya, hindi niya tiningnan pa ang caller ID ng tumatawag dahil sa boses pa lang ay kilala niya na ito.
"How is she?" Nathan asked immediately as he signed some papers and puff on his cigarette, kababalik niya pa lang sa hotel na tinutuluyan nang tumawag ang kapatid. May inasikaso siyang ilang bagay upang tuloy-tuloy na ang gagawin niyang pagsuyo at pagkuha kay Jucia, he wants everything to go according to his plan. He will have Jucia any way possible either “santong dasalan” or “santong paspasan” just to have her.
"Geia adelfós, efcharistó gia to erótima an eímai kalá." [Hello brother, thanks for asking me if I'm fine.] sarcastic na sagot ng kausap na ikinatawa niya.
"I know you are fine so bakit pa kita tatanungin?" natatawa pa ring tanong niya but kidding aside he miss his twin sister so much.
Matagal na itong hindi umuuwi sa kanyang bahay sa Greece simula nang maglayas ito at tuluyang magrebelde. Namimiss na niya ang kakulitan nito kung hindi lang din sana ito itinakwil ng kanyang ama at kung hindi lang sana tuluyang lumayo ang kanyang kambal ay masaya at buo pa sana ang kanilang pamilya. Sa isiping iyon ay kumuyom ang kanyang kamao, he is so mad at his own father ngunit kapag naiisip niya ang mga ginawa nito para sa kanilang magkapatid ay agad na napapawi ang nararamdamang galit para rito. He gave them the life they’re living right now even if it’s from his dirty deeds and bad ways. Agad siyang kumalma at nagbalik sa wisyo dahil sa mga salitang binitawan ng kapatid na nasa kabilang linya.
"Eínai kalá." [She's fine.] kalmadong sagot nito sa kanya.
"Efcharistó Theé." [Thanks God.] nakahinga siya nang maluwag sa narinig. Circe is doing a good job protecting the woman he loves from the day she promised up to this day.
"I guess she’s fine dahil dumating ako sa tamang oras,” muling sambit nito na ikinakunot ng kanyang noo. What is she saying?
“What do you mean by that Circe?” kinakabahang tanong niya sa dalaga.
“I have something to tell you," panimula nito kaya mas lalong nilukob siya ng kaba.
"Ti? Say it already." [What?] bakas sa tono niya ang pagkainip at pagkainis dahil unti-unting umuusbong sa kanya ang pangamba para kay Jucia.
"Sa palagay ko hindi ko nagampanan ng maayos ang tungkuling ipinangako ko sayo. My promise that I'll protect Jucia all the time, at all cost habang wala ka." naalala niya ang pangako nitong iyon limang taon na ang nakalilipas. Ipinagkatiwala niya rito si Jucia because he knows that his sister is capable of protecting. Well-trained ito gaya niya sa hand-to-hand combat, paggamit ng baril, paggamit ng patalim at sa kung ano-ano pang larangan. Their own father trained them to kill and protect especially that their family is known to have the greatest assassins of all time in Greece.
"Giatí?" [Why?]
"I think something happened bago ako dumating sa condo niya," paliwanag ng kausap.
"Circe, what the hell is it?" agad na tanong niya sa kapatid.
"I don't know, but something's off, there are ripped clothing on the floor I don’t know if she noticed me looking at it pero niyakap niya agad ako pagkakita niya pa lang sakin sa harap ng pinto, which is odd dahil hindi naman niya ko kahit kailan niyakap. You know, she’s so awkward around me because I’m a bisexual." Circe’s voice is firm like she has the hint of what actually happened na ikinakuyom ng kanyang kamao at ikinatangis ng kanyang bagang. Kung ano man ang naiisip ng kapatid ay naiisip niya rin kaya hindi niya na napigilan ang galit at inis na bumangon sa kanyang dibdib. He's raging mad and he wants to kill someone named Lorenz Santos.
‘Damn you Santos! Malaman ko lang na may ginawa kang masama kay Jucia, wala akong pakialam kahit makulong pa ko mapatay lang kita and one of these days I will surely claim what's actually mine from the very beginning.’
"Gamó! Ti?! Pou eísai ekeíni tin óra?” [f**k! What!? Where were you that time?]
"I was not in the area kasi ang sabi nina Rem at Eunice nandoon sila but I didn't know they will leave her when the f*****g boyfriend came.” paliwanag ng kapatid kung nasaan ito.
‘What the f**k mga kaibigan bang matatawag ang mga yun? Ganun kadaling iniwan si Jucia sa putang inang boyfriend niya? Ganun kadaling ipinagkatiwala ang kaibigan nila sa kung sino? Paano kung may gawin iyong masama kay Jucia? f**k. f**k. f**k. I really need to get to her as soon as possible.’
“I think I know what's happening Circe.” he said.
“I know what you’re thinking Cane pero aalamin ko kung anong nangyari para sa ikatatahimik ng loob mo."
"Circe, hindi mo ugaling gawin na lang ‘yun ng basta. Hindi mo basta basta iniiwan ang taong pinoprotektahan mo. Tell me, what happened this time? Did our father bother you again?" Circe-s***h-Ann, his twin, never did that before Palagi itong all eyes sa binabantayan nito lalo na kay Jucia but what happened now? Nagugulo lang ang trabaho nito kapag natatagpuan itong muli ng kanyang ama o ng mga tauhan nito. Hindi man ito magsalita ay nasisiguro niyang ginugulo na naman ito ng kanyang ama at pinipilit na bumalik sa poder nito, which he knows Circe wouldn't do.
"No." sagot nito sa kanyang tanong.
"Then why are you distracted?"
"Aftón gamiméno michanikó ékampse me tin douleiá mou." [That f*****g mechanic ginugulo niya ang trabaho ko.] bulong ngunit gigil ang tono ng pananalita ng kapatid. That explains why she did that she is distracted; ayaw na ayaw kasi nitong may umaali-aligid na lalaki dahil 'babae' raw ang gusto nito.
‘My sister doesn't even change a bit. Wala pa rin palang lalaki ang nakakapagpatibok ng puso nito.’
"Giatí eíste tóso epireasménoi?" [Bakit ka naman sobrang apektado?] ang kanina’y nag-aalalang tono ay naging mapang-aasar.
"I'm not, so f**k off and better get to Jucia as soon as possible dahil mukhang hindi na ayos ang pagtrato nung gagong iyon sa kanya." inis na sambit nito.
"At ikaw gawin mo nang maayos ang trabaho mo konting panahon na lang naman, ako na mismo ang magbabantay kay Jucia." pagpapaalala niya sa kapatid.
"Yeah, yeah, my eyes are on Jucia from now on." pagkatapos niyon ay binabaan na siya ng telepono ng kapatid.
Nang matapos ang tawag, he then dialled his friend's number. Marde Nicholas Lopez, a well-known lawyer and a private investigator. He needs to know more about Santos for the past years, maybe he can dig something dirty about him.
"Lopez."
"Demetrius, my man." masiglang bati nito sa kanya. Marde is a good friend of him since college.
"I have some work for you."
"Glykó, ti eínai aftó?" [Sweet, what is it?]
"Can you find the address of Jucia Bartolome and what company she works for?" Nate knows where she lives but he has to make sure baka pinagtritripan na naman siya ng kapatid. He also trusts his friend's skill but he needs to make sure if he can do the job.
"Den empistéveste tis dexiótités mou? Your friend here is the best private investigator throughout Greece." [Don't you trust my skills?] tila nasasaktang wika ng kaibigan.
"I know you will ask me that. I trust you, you moron.” natatawang sagot niya rito dahil alam niya namang kaya nitong gawin ang kahit na anong trabahong ibigay dito.
"Yun naman pala e. Leave it to me. Is that all?" mayabang na sagot nito. Hindi pa rin talaga nagbabago ang isang ito mas mayabang pa sa kanya.
"No, hindi lang iyan here's the important job for you. Lorenz Santos, I want you to dig all information that you can especially the dirty ones."
"Copy."
"I'll just deposit the p*****t to your account."
"Sweet. Asahan mong bukas nasa iyo na ang lahat ng informations.”
"Efcharistó." [Thanks.] ibinaba na niya ang tawag saka tumayo sa kanyang mesa at lumapit sa kanyang kama.
Binuksan niya ang isa sa mga drawer ng kanyang bed side table at saka hinugot doon ang isang maliit na box. Binuksan niya ang maliit na box at bumungad sa kanya ang isang napakagandan alahas, pinagmasdan niya ang kwintas na nasa loob niyon. It's a gold necklace with a ring as its pendant galing iyon sa kanyang lola, a gold ring na na napapalibutan ng emeralds as its lining and a ruby stone which is in the center. Wedding ring iyon ng kanyang lola at ang kapares nitong wedding ring na pag-aari ng kanyang lolo ay napunta naman sa kapatid niyang si Circe. Ibibigay nila iyon sa taong gusto nilang makasama habang buhay at ang pagbibigyan niya niyon ay walang iba kundi si Jucia, ang babaeng matagal na niyang minamahal.
‘Maybe it's the right time to give her this.’ He placed the small box inside a small delivery box na nakita niyang nakakalat sa ilalim ng kanyang kama. He packed it neatly at ilang sandali lang ay may natanggap na siyang text mula kay Marde it tells where his agapi lives.
‘Maasahan talaga ang isang iyon.’ sabi niya sa kanyang isip.
He already made his decision siya mismo ang maghahatid ng ipapadeliver niya sana kay Jucia, it would be good kung ipapadeliver niya upang maitago pa rin ang kanyang pagkakakilanlan but he can’t help himself na makita na ang dalaga. Nate changed his clothes into something casual to have a simpler look, he put on a cap and a mask upang matakpan ang kalahati ng kanyang mukha and to look like a delivery boy he is going to pretend. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas siya ng bahay at saka tinungo ang parking lot ng hotel. He rides his car and drive to the love of his life.
‘I can't take it anymore I need to see you now, Agapi mou.’