Chapter 6

2477 Words
“Sister, kinakausap ka ni Mother Jean.” Tulirong napatingin siya sa matandang Madre. Nag-alala ang mukha nitong nakatingin sa kaniya at hinihintay siyang magsalita. “Tinatanong ka ni Mother Jean kung anong nangyari kahapon at bakit walang malay kang pangko ni Mr. Hearst.” Nagyuko siya ng ulo at humingi ng pasesnya sa matandang Madre. Sinabi niya ang totoong nangyari kung bakit pero hindi niya sinabi ‘yong hinalikan siya ng lalaki. pinangaralan siya nito at pinayuhang mag-iingat sa susunod. Tanging tango lang ang kaniyang naging sagot kay Mother Jean. “Magpahinga ka na ulit. Papadalhan kita rito kay Sister Pearl ng sopas at gamot para mainitan ‘yang tiyan mo.” Tumango siya at tumalikod na ang dalawa. Naiwan siyang mag-isa sa silid. Nagpasya siyang bumangon at pinakiramdaman ang sarili kung okay na ba siya. Ngayon lang niya nararamdamang mataas ang kaniyang lagnat nang salatin niya ang kaniyang leeg at noo. Ilang sandali siyang gano’n ang ayos, nakaupo. Nang bumalik si Sister Pearl, may dalang tray na puno ng pagkain at umuusok pa. Namilog ang kaniyang mata nang ilagay nito sa kaniyang tabi ang tray. “Ginataang hito?!” Tumango ito. “Si Mr. Hearst nagluto niyan ayon kay Manong Ben. Kahapon niya binigay at nagtira si Mother Jean nang para sa ‘yo.” Ngumiti ito. Umupo ito sa dulo ng kaniyang kinahihigaan. Hindi siya napakibo sa sinabi ng kaibigan. Dahan-dahan niyang inabot ang kutsara at unang tinikman ang ginataang hito. Kahit  hindi niya gustong kumain, alam niyang masarap ito. Bahagya siyang natigilan nang malasahan niya ang pagkain. Nanatili sa bibig niya iyon hanggang sa sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kaniyang mata. Agad naman naalerto ang kaibigan niya at mabilis siyang nilapitan. “May lason ba? Mapait ba?” Umiling siya at mabilis na pinunasan ang mga luhang hindi man lang niya napansin na pumatak. May naalala lang siyang parte ng kaniyang buhay sa lasa ng ginataang hito, na ang lalaki ang gumawa. “Nasaan si Mr. Hearst?” “Bakit, Sister?” “W-wala. Gusto ko lang magpasa—” Biglang pumasok si Mother Jean at may dala itong sobre. “Galing kay Father Felipe.” Magalang na tinanggap niya iyon. Si Father Felipe ay ang kaniyang tiyuhing Pari at buwan-buwan ito laging nagpapadala ng sulat sa kaniya. Wala siyang cellphone at pinili niyang wala siyang gano’n gamit para mas makakapagsilbi siya sa Panginoon ng maayos. Hindi naman sila pinagbawalan na gumamit pero siya na mismo ang umayaw. “Mamaya mo na buksan at basahin ‘yan. Kumain ka muna at uminom agad ng gamot.” Isinantabi niya muna ang sulat at hinarap ang pagkain. Nagpaalam din agad si Mother Jean at naiwan siyang kasama ang kaibigang Madre. Tahimik niyang tinikman ulit ang lutong ulam at bahagya siyang napapikit. Para siyang bumalik sa nakaraan.  Himalang naubos niya lahat ng pagkain na dala ni Sister Pearl at sinunod na ininom ang isang pirasong paracetamol. Hindi muna siya humiga. Napansin niyang maulan pa rin sa labas pero hindi na malakas. Mahina na lang ito at ilang sandali lang, sisikat na ang tandang araw para magbigay ng kadakilaan nito. Nagpaalam saglit ang kaniyang kaibigan para dalhin ang tray ng pagkain sa labas at tanging tango lang ang kaniyang sinagot. Napasulyap siya sa kaniyang paa at ginalaw iyon, napangiti siya nang maramdaman hindi na masyadon masakit ito. Kung hindi marahil kay Mr. Hearst, baka tuluyan siyang nawalan ng buhay at— bigla siyang natigilan. Kailangan niyang magpasalamat ng personal sa lalaki. Alam niyang masama ang kaniyang inasal sa harap nito kahapon. Kahit sabihing ninakawan siya nito ng halik, utang niya pa rin ang buhay rito. Hindi siya judgemental na tao at nadala lang siya ng kaniyang galit. Galit nga ba? Napabuntunghinga siya sa naging tanong na na lumabas sa kaniyang utak. Wala siyang panahon para mag-isip. “Manong Ben, si Mr. Hearst po?” tanong niya sa matanda nang makita ito sa pasilyo. Pinilit niya talaga ang kaniyang sarili na tumayo at umalis sa kinahihigaan kahit masama pa ang kaniyang pakiramdam. “Aba’y, Sister Blessy! Okay na ba ang pakiramdam niyo? Bakit kayo lumabas? Dapat ay nagpapahinga kayo.” Kimi siyang ngumiti sa sinabing iyon ng matanda. Hindi niya napigilanan ang sariling lumabas ng silid at una niyang nakita ay ang matandang tumutulong sa gawain ng simbahan minsan. “Si Mr. Hearst po?” pag-uulit niya at nagbaba ng tingin. Pakiramdam niya, namumula ang kaniyang pisngi kahit ayaw niya. “Si Fender kamo? Nakaalis na kanina pa.” Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin na nakaalis? “Bumalik sa bahay niyo po?” Napakamot ito sa ulo at umiling-iling. “Umalis na sa Baryong ito, Sister. Dalawang oras na ang lumipas.” Para siyang binagsakan ng langit sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita at pinilit iproseso sa kaniyang utak ang sinabi ng matanda. Nung makuha niya ang ibig-sabihin nito, magalang siyang nagpaalam kay Manong Ben at tumalikod na para bumalik sa  kaniyang silid. Tama, bakit ba siya lumabas? Para makita ito? Kalokohan. Isang malaking kalokohan. Mas mabuting umalis nga ito, umalis sa Baryo at sa simbahan. Nang sa gano’n, walang magiging hadlang sa kaniyang pananampalataya sa Diyos.   DUMAAN ang lungkot sa mata ni Zerus at nagasya siyang tumalikod. Sa huling pagkakataon, nakita niya ang magandang mukha ng Madreng alam niyang nagbigay ng kulay kahit sandali sa walang kulay niyang mundo. Dalawang oras siyang nakatayo sa likod ng kakahuyan at hinihintay na lumabas ang babae. Hindi siya nabigo. Lumabas ito at kausap si Manong Ben. Alam niyang siya ang hinahanap nito pero kailangan niya ng umalis at lumayo sa Baryong ito. Sa ngayon, ito ang nagbibigay sa kaniya ng secured na lugar pero panandalian lang ito. Alam ni Zerus na babalik ang mga tauhan ni Hayes. “Come out, Ramona.” “Oh, hi brother!” humagikhik ang babae, Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Alam  niyang nandito ang babae at kanina pa ito nagmamasid. “Why you here?” “Ah, visit you?” Humarap siya rito at nayayamot na tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng pulang coat at paboritong pulang high heels nito. Maputik at malambot ang lupa pero parang walang pakialam ang dalaga. “Mali ka yata ng pinuntahan.” “No. Actually, ikaw ang sadya ko. Ang tagal mo namahinga. Mabuti at hindi ka natuluyan. Ang lungkot naman.” “Hindi namamatay ang demonyo.” Nagsimula siyang humakbang. “Well, you’ve got the point. But...” malandi itong tumawa. Napatigil naman siya sa paghakbang at napalingon dito. “Pero ang Madreng iyan ang isang anghel na papatay sa ‘yo sa future brother.” Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Ramona. Alam niyang matalas ang pandama nito at galit ito sa mga babaeng lumalapit sa kaniya. “Ikaw ha, Madre pala natipuhan mo... Hmm, not bad. Isa kang demonyo, at siya, isang anghel. Aww, ang cute ng story niyo sakali. Demonyo at anghel na parehong mamatay sa kamay ko.” Ngumisi ito. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Wala siyang panahong makipag-usap kay Ramona na may saltik sa ulo. Nagsimula siyang humakbang ulit habang nakasunod lang ito sa kaniya at kumakanta na wala sa tono. “You’re f*****g annoying.” “Thank you.” Malambing na sagot nito at sinabayan nang matinis na hagikhik.   “HEY brother, what do you want for dinner? Bloody head of a corrupt Senator or dinuguan ng manyakis na Police? Choose.” Itinaas nito ang isang ulo ng kilalang senator sa bansa, duguan at dilat ang mata. Habang sa kabilang kamay ay ang tupperware na alam niyang dugo ang laman.  Nakasuot ito ng pulang surgical gloves at pulang apron. Napahilot siya sa sintido. Gusto niyang magpahinga at heto, ang kapatid niyang walang balak pagpahingain ang kaniyang buong gabi. Ramona is a pyscho. Batid niya ang bagay na ito. “Will you f*****g throw that away from me, Ramona? Let me rest.” Napangisi ito. “What kind of rest? ‘Yong rest in peace na ba na sa hukay ang gusto mo? You know I could give it easily. Humiling ka lang, isusunod kita sa Senador na ito,” sumulyap ito sa bitbit na ulo sa kabilang kamay nito. Bahagya pa itong natawa at napaismid. “Corrupt. Rapist. Hmm, what else? Addict. Kaya hindi pinapatagal ang mga ganitong tao, right brother? Dapat ang mga taong ganito, hindi lang pinuputulan ng ulo. Dapat paghati-hatiin ang katawan at gawing food supply ni Aurora. Oh wow! Matutuwa si Aurora nito.” “Hindi ‘yan ang assignment mo.” nababagot na saad niya at bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Nasa resthouse sila na pag-aari ni Ramona at nababagot na siya sa presinsya ng bahay nitong puro pula ang makikita. “Yeah, I know. Pero galit ako sa mga taong ganito.” Tumalikod na ito at bumalik sa kusina. Habang si Zerus ay dumeretso sa mini bar ng bahay at kumuha ng inumin do’n. Nagbigay nang babala ang kapatid niyang ‘wag galawin ang mga paboritong wine nito. Isa sa weird na habit nito, mag-collection ng wine at pagbabasagin kapag ‘di nagustuhan ang lasa. Una niyang binuksan ang paboritong wine na gusto nito. Ang Domaine de la Romanée-Conti. Ang pinakamahal na wine sa buong mundo. Napangisi siya. Walang sabing nilagyan niya ang kopita at marahang sinimsim ang masarap na likido. “Not bad. Masarap. Kaya sobrang mahal.” “Let me warn you again, don’t you f**k touch my Romanée-Conti Wine!” Mula sa kusina, dinig na dinig niya ang malakas na boses ni Ramona. Nagkibit lang siya ng balikat at muling dinagdagan ang sinalin niya sa kopita. Tumayo siya habang bitbit ang kopitang nagtungo sa guess room sa itaas ng bahay. Matutulog siya. Bukas niya na haharapin ang bunganga ng baliw niyang kapatid. Nasa huling baitang na siya ng hagdanan nang marinig ang malakas na tili ng babae. Soundproof ang bahay kaya kahit magsisigaw ito buong gabi, okay lang. “I will f*****g kill you, Fender Hearst! The hell you do with my f*****g Domaine de la Romanée-Conti that worth of US$ 558,000! You bastardddddd! Fenderrrrrr! I will kill you!” Natawa siya at nagpatuloy sa paghakbang. Magbibilang siya ng ng isa hanggang tatlo. Alam niya kung gaano kaikli ang pasensya nito. Isa... Marahan siyang humakbang patungo sa isang guest room. Dalawa... Binuksan niya ang doorknob at binuksan ang ilaw. Bumungad sa kaniya ang magandang silid pero tulad sa sala at sa labas ng bahay, nababalot ito ng kulay pulang desinyo. Tatlo... Eksaktong pagsara niya ng pintuan, malakas na pagkabasag-basag ng mga bote ang narinig niya. Narinig din niya ang malalaking hakbang sa hagdanan at nangangalaiting sigaw ni Ramona na handang papatay ng tao. Hindi na siya nagulat nang mabutas ang pintuan mula sa baril ng dalaga. Nakangising pinagmasdan lang niya ang butas na iyon at saka tinungo ang kama. Kailangan niyang magpahinga at aalis siya bukas. Magpapagaling lang siya ng sugat at haharapin ang lalaki. Saka niya na haharapin ang matandang Don. Rokassowskij na ngayon ay nagpapalamig sa Finland. Sa ngayon, kaligtasan niya muna ang uunahin.   NAKAHANDA na ang baril na gagamitin ni Zerus. Dalawang linggo ang nagdaan at okay na ang kaniyang mga sugat. Makikipaglaro muna siya ng p*****n ngayon kay Dr. Hayes ng tagu-taguan at siya muna ang taya. Sandali lang siyang maniningil ng buhay. Pinagmasdan niya ang repleksyon sa salaming dingding na kaniyang pinagtatayuan ngayon. Sandali niyang inayos ang suot na cap at mask. Nasa ika-36th floor siya ng building, paharap sa malaking hospital na pagmamay-ari ng mga Hayes. Nakahanda na ang kaniyang full loaded high VSS Vintorez Sniper. Sa bala pa lang ng sniper na dala niya, tiyak na mapapasayaw sa sakit ang binatang Doctor sa kaniyang gagawin. Siguro, parang kagat lang ng langgam ang mararamdaman nito. Natawa siya sa naisip na kalokohan. Kapag napatay niya na ang lalaki, saka niya lalapitan at lalandiin ulit ang babaeng mahal nito na ngayon ay nakaratay sa loob ng Hospital. “Bullets,” mahinang usal niya nang sinimulan iamang ang sniper sa entrance ng Hospital. Nakasilip ang kaniyang mata sa telescopic ng  sniper na dala niya. Naghihintay lang siya ng ilang segundo at patay na babagsak ang Doctor na punterya niya ngayon araw. Fuck! Ang lutong ng kaniyang mura na pinakawalan. Napaunat siya ng tayo at napahugot ng malalim ng buntunghinga. Hindi yata siya pinapahintulutan ni Satanas na pumatay ng kapwa demonyo. What are you doing on that Hospital, Blessy? Paano ko papatayin ang putanginang iyan kung and’yan ka? Napahilot siya sa kaniyang sintedo at muling tumingin sa kaniyang telescopic VSS Vintorez. Kasabayang lumabas ng babae si Hayes. Tumalim ang kaniyang mata at hinawakan ang trigger ng sniper. Sinintro niya sa puso ng lalaking Doctor at hindi ang isang tulad ni Blessy ang makakapigil sa kaniyang gagawin. Marahan siyang nagbilang sa kaniyang isip at— “Gotcha!” Isang malakas na sigawan ang maririnig sa buong paligid. “What the f**k!” Nakangising mukha ni Ramona ang sumalubong sa tiningin ni Zerus. Nasa tabi niya ito, dalawang dipa ang layo at tulad niya, may dala itong malakas na uri ng sniper. Nagbabaga ang galit sa kislap ng mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “The f**k you did, Ramona!” “Your hesitation can kill you, bro. Tsk!” “Putangina! Huwag mong pakialaman ang laban ko.” halos nangalaiti siya sa galit. Nagsimula itong mangialam. Humagikhik lang ito na halatang masayang-masaya sa ginawa, “Yeah, and oh! I did not kill him. Hindi siya tinamaan or lemme say, di siya tinamaan ng pet ko. Kasi alam mo kung sino ang natamaan?” Ang lakas ng mura na lumabas sa kaniyang bibig. Mabilis pa sa kidlat ang kaniyang pagtingin sa labas at nakita niya si Hayes na pangko ang babaeng mahal niya. Para siyang pinagsakluban ng araw sa nasaksihan. “I told you ey?” Maarteng tumalikod ito. “Ramona!” Napangisi ito nang makitang galit na galit siya at sinandal ito ng malakas sa salaming dingding. Nagsilabasan ang litid ng kaniyang ugat sa leeg at puno ng suklam na sinakal niya ito. “I’ll f*****g kill you, wench. I’ll f*****g kill you!” Nagawa pa nitong ngumisi sa kabila ng kaniyang mahigpit na pagkakahawak sa leeg nito. Marahang tumaas ang kamay nito at tinuro ang kaniyang dibdib. “T-that heart... Will betray you.” Bigla niyang nabitawan ito. Napasabunot siya sa kaniyang buhok at nagbabaga ang kaniyang matang sinuntok ang salaming dingding. “Leave!” Nagkaro’n ng malaking crack ang glass wall sa kaniyang ginawa. Tiningnan lang siya nito ng ilang segundo at ngumisi, “Happy condolence.” Mabilis nawala sa harapan niya ang babae. Napakuyom siya ng kamao at nagpasyang umalis sa lugar na iyon. Kailangan niyang puntahan ang babaeng Madre, kahit sabihing nasa paligid lang si Hayes. The hell you did, Ramona! Swear, I’m going to slit your throat! Magdasal ka na buhay siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD