MULA NANG MAPAG-USAPAN namin ni Melfoy ang bagay na 'yon mas lalo pa siyang nagiging mapagmahal sa 'kin. Maalaga at sweet. 'Yong gusto o kahit hindi ko man gusto, lahat binibigay niya sa 'kin. Walang araw siyang pinalampas na tuwing uuwi siya ng condo galing sa trabaho ay palagi siyang may pasalubong sa 'kin. Chocolate with flowers. Kahit anu-ano lang. Dahil doon parang pakiramdam ko tuloy unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Pakiramdam ko unti-unti na siyang nagkakaroon ng puwang sa puso ko. Tuwing makikita ko siya, hahalikan niya ako sa pisngi o sa labi ko, yayakapin o hahawakan niya ang mga kamay ko. Authomatic bumibilis ang t***k ng aking puso. May kung anong kakaibang kilig akong nararamdaman sa puso ko. Pakiramdam ko sa tuwing tititigan niya ako ay nanglalambot ang buong kalamnan ko, ang mga tuhod ko na animo'y parang kandila na unti-unting natutunaw at nawawalan ng lakas. Mas nagiging komportable ako ngayon kapag kasama ko siya. Mas nakikita ko ngayon sa mga mata niya ang saya at tuwa kapag magkasama kami.
"I'm home..."
Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses niya at makita kong iniluwa siya roon. Nasa sala kasi ako, nakahiga sa sofa habang busy sa pagbabasa nang magazine na binili niya kahapon. Napaupo ako sa sofa at nakangiting tumingin sa kaniya. Ito pa 'yong isang pakiramdam na parati kong nafe-feel kapag natititigan ko siya ng mabuti. Ang guwapo niya palang talaga, kamukha niya ang hollywood crush ko na si Ryan Guzman.
"How was your day Kara?"
Tanong nito nang makaupo sa tabi ko at matapos akong halikan sa noo ko. Ngumiti ako sa kaniya saka pinakita ang hawak kong magazine. "Okay lang. Nagbabasa lang ako nito." Sagot ko sa kaniya pagkuwa'y umayos ng upo sa sofa.
"Good. I have something for you." Nakangiting saad nito saka may inilabas sa bag niyang dala. "Here..." inabot niya sa 'kin ang isang box. Nagtataka naman akong tinanggap 'yon.
"Ano 'to? Hindi ka na naubusan ng pasalubong sa 'kin." magkahalong tuwa at excitement ang aking naramdaman sa mga sandaling iyon habang binubuksan ko ang kahon.
"Just open it." aniya na nakangiti pa. "I know you'll gonna love it. Alam ko kasing naboboring ka na rito sa condo." dagdag na saad nito habang inaayos niya ang buhok kong nag bagsakan na sa tapat ng mukha ko. Inipit niya iyon sa likod ng tainga ko. Mabilis namang sumilay ang mas malapad na ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang laman no'n.
"Cellphone?" tanong ko habang sinimulan agad ang pagkalikot sa bagong cellphone na bili niya para sa 'kin.
"Yeah. Alam ko kasing bored ka na tuwing maiiwan kita ritong mag isa. You like it?"
Tumango-tango naman ako sa kaniya bilang tugon saka ko siya hinalikan sa pisngi niya. "Thank you. Come here." walang paalam na tumalikod ako ng upo sa kaniya. Sumandal ako sa dibdib niya.
"What are you doing?" Natatawang tanong nito sa 'kin.
"Let's take a selfie. Smile ka dali." ani ko nang maitaas ko ang cellphone.
"Ayoko Kara, nakakahiya." saad nito sa 'kin at mabilis na inilayo ang mukha niya mula sa cellphone ko.
"Dali na—isa lang." pangungulit ko.
"Ayoko Kara..." pagtanggi pa nito sa 'kin saka muling nag iwas ng tingin.
"Ang arte naman isa lang e! Sige ka kapag hindi ka pumayag mag tatampo ako sa 'yo." Nakanguso pang saad ko sa kaniya.
Napakamot naman ito sa batok niya. "Okay fine. Isa lang huh!" pagsuko nitong bigla. Takot siguro na totohanin kong mag tatampo ako sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya ng ubod tamis at mabilis na muling ipinuwesto ang cellphone ko sa harap namin. "Ayan. Ilabas mo ang mga ngipin mo. 1..2..3.. smile.." Halata namang napipilitan siyang ngumiti. Pero okay na rin at least pumayag siya.
"Ay ang cute ko rito oh! Look." saad ko at ipinakita ko iyon sa kaniya. Ginulo nito ang buhok ko.
"Para kang bata. Sige na mag bihis ka na at aalis tayo." anito mayamaya.
"Lalabas tayo? Lalabas ako ng condo mo?" Tanong ko. Mula kasi no'ng gabing dinala niya ako rito, hindi pa ako nakakalabas. Hindi naman sa ayaw niya at pinagbabawalan niya ako mula no'ng maging okay na kami. Ako lang talaga ang may ayaw.
"Yeah. Alam kong nababagot ka na rin dito. May pupuntahan tayo para makapag-relax tayong pareho." aniya.
"GOOD EVENING PO SEÑORITO." Nakangiting bati sa kaniya nang babae. Naka pormal attire ito, isa siguro sa mga employee rito sa Resorts. "Good evening din po sa 'yo ma'am Kara." bati nito nang mapabaling ang tingin sa 'kin. Ngumiti lang ako sa kaniya. Hindi ko kasi siya kilala at hindi ko rin inaasahan na kilala pala ako nito. Siguro nakapunta na ako sa lugar na ito noon. "Okay na po ang VIP room n'yo señorito."
"Thank you Messy. Let's go Kara." hinawakan ako nito sa kamay saka naglakad palapit sa elevator. Papasok na sana ako sa bumukas na pinto ng elevator nang bigla niya akong hapitin sa baywang ko.
"Not there..." saka ako hinila palapit sa tapat nang isang elevator.
"VIP Elevator." ani ko sa kaniya nang mabasa ko ang nakalagay sa gilid no'n. "Kaninong Resort ba 'to?" Tanong ko sa kaniya habang inililibot ang tingin sa paligid bago bumukas ang elevator.
"We owned this." Maikling sagot niya.
"We?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Yeah. Since you're my wife, you owned this too." nakangiting sagot nito sa 'kin. Napatango-tango nalang ako sa kaniya.
Pagkalabas namin sa elevator na iyon mag lalakad na sana kami para tunguhin ang VIP room daw namin nang biglang may tumawag sa pangalan niya kaya napahinto kaming pareho.
"Mel? Oh my God it's you! It's really you." anito sa maarteng boses.
Naka dress ito na kulay pula. Hapit na hapit sa katawan niya na halos isang dangkal na lamang ang ikli ay masisilipan na siya. Ang dibdib nitong isang galaw nalang ay luluwa na sa sobrang baba ng neckline nang damit. Agad naman itong lumapit sa 'min ni Melfoy. Nagulat pa ako sa ginawa niya, bigla niyang niyakap si Melfoy at walang sabi-sabi na hinalikan niya ito sa labi. Nanlalaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat. Nabitawan pa ni Melfoy ang kamay ko para pigilan ang babae sa paghalik sa kaniya.
Biglang may kung anong pakiramdam ang nabuhay sa loob ko. Feeling ko gusto kong manabunot ngayon dahil sa mga nakita ko. Kumulo agad ang dugo ko sa kaniya kahit hindi ko naman siya kilala.
"Meldrid..." awat sa kaniya ni Melfoy.
"What? Why babe? I missed you. Don't you missed me?" Malanding tanong nito.
Mas lalo lang nag init ang pakiramdam ko nang pumulupot ang mga braso nito sa katawan ni Melfoy.
"Ehemmm." tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa.
"Kara..." bumaling ito sa 'kin. Nakakunot noo naman ako sa kaniya. Halos mag isang linya na ang mga kilay ko.
"Who is she babe?" tanong nito.
Sarap talaga sabunutan maka-babe sa asawa ko. Nakakagigil. Pilit namang tinanggal ni Melfoy ang mga braso nito sa katawan niya saka ito lumapit sa 'kin at hinapit ako sa baywang ko.
"What is this babe?" Inis at maarteng tanong nito habang nakatingin sa 'kin ng masama.
"Meldrid stop it. We're not even in a relationship, so stop calling me babe. I'm with my wife so back off." Seryosong saad ni Melfoy dito na mas lalo namang nagpakunot sa noo ng babae.
"What? Are you kidding me Melfoy? Wife? Kaya pala ilang linggo ka ng hindi nagpapakita sa 'kin dahil sa babaeng 'to? Asawa mo? " iritang saad nito saka tinuro pa ako. Sarap baliin ng kamay niya e! Kung makaturo sa 'kin.
"Hindi siya nag bibiro sa 'yo miss. I'm his wife. Ano ba'ng kailangan mo sa asawa ko?" Tanong ko sa kaniya saka tinarayan ko rin sya. Kala niya. Gusto ko siyang sabunutan e! Kapal ng mukha tawaging babe ang asawa ko.
"Aurghh. We're not done yet Melfoy. Mag usap tayo." Saad na lamang nito saka nagdadabog na umalis sa harapan namin. Natakot siguro. Aba! Hindi ko siya aatrasan.
Akala ko ba makakapag-relax ako rito kasi 'yon naman ang porpose kung bakit kami nag punta rito? Tapos ito pala ang sasalubong sa 'min? May parte pa ng puso ko ang nasasaktan dahil sa mga nakita ko kanina. Nagagalit ako sa babaeng 'yon. Wala siyang karapatan na halikan ang asawa ko.
Am I jealous? Oo. Nag seselos ako. Kasi asawa ko siya. Akin lang siya.
"Kara...where are you going?" Tanong nito sa 'kin nang umalis ako sa tabi niya. Sumunod naman agad ito sa 'kin. "Kara..."
"Gusto ko ng mag pahinga Melfoy." Walang ganang sagot ko sa kaniya.
"KARA, LISTEN TO ME FIRST OKAY." anito. "I know you're mad at me. Please don't." Pinigilan pa ako nito sa braso pagkuwa'y. Mayamaya ay hinawakan na rin nito ang kamay ko saka pinaharap ako sa kaniya. Nakakunot noo naman akong bumaling sa kaniya. "Meldrid is not my girlfriend or ex or whatsoever. Isa siya sa mga stock holder ng kumpanya. Matagal na niyang ipinilipit ang sarili niya sa 'kin, but I-I didn't take an advantage para patulan siya. And that BABE thingy, I don't know kung saan niya napulot 'yon. Siya lang naman ang nagpupumilit no'n sa akin e!" Malumanay na paliwanag nito sa 'kin habang matamang nakatitig sa mga mata ko. Naniniwala naman ako sa kaniya e! Pero sa babaeng 'yon wala akong tiwala. Mukha palang halatang makati at desperada talaga siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yong mga nakita ko kanina. Kung paanong lumapat ang mga labi ng babaeng 'yon sa mga labi ng asawa ko. May parte pa rin ng puso ko ang nag seselos at nagagalit. Ewan ko ba kung bakit.
"Please Kara... believe me. Ikaw ang mahal ko alam mo 'yon. Huwag ka na magalit okay." anito saka ako hinapit sa baywang at ginawaran ng halik sa noo ko. "Don't get mad at me Kara, please..." nag papacute pa. Tss nako! Kung hindi lang talaga siya guwapo e!
"Hindi ako galit." saad ko sa kaniya.
"Hindi ka galit e, bakit ganiyan ang hitsura mo?" Tanong nito. Paano nakakunot pa rin ang noo ko habang nakanguso.
"Hindi nga ako galit." kunwari ay iritang saad ko sa kaniya.
"Okay, hindi na kung hindi. Nag tatampo?" Tanong nitong muli habang magkasalubong na rin ang mga kilay niya.
"Hindi rin." matipid na sagot ko sa kaniya habang nakatuon ang mga mata ko sa dibdib niya. Dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. Kapag nag angat ako ng tingin sa kaniya sigurado akong mag lalapat ang mga labi namin ng wala sa oras.
Hinawakan nito ang baba ko saka masuyong inangat iyon upang mag tama ang mga mata namin. Kita ko naman ang nakakaloko niyang ngiti sa 'kin.
"Ba't ka nakangiti diyan?" Inis na tanong ko sa kaniya. Sa halip na matakot ito sa pagtataray ko, mas lalo lang tuloy itong ngumiti.
"You're not angry and you're not mad too...so it means—"
"It means what...?" Kunwari ay irita ko pa ring tanong sa kaniya pero 'yong totoo alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin. Kaya ito na naman si Puso kumakaripas na naman ng takbo. Nagising na naman ang mga alaga kong paru-paro na natutulog sa sikmura ko.
"It means, you're jealous." seryosong saad nito sa 'kin.
Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat papunta sa mukha ko. Ramdam ko rin ang mabilis na pag-init nito. Alam kong sa mga oras na ito ay pulang-pula na ang buong mukha ko. Tumingin siya ulit sa 'kin. Mga tingin niyang mas lalo lang nag papainit sa mukha ko. Parang hinihigop din nito ang lakas ko. Sa sobrang kaba at pagkapahiya ko sa kaniya agad ko siyang naitulak palayo sa 'kin. Tumalikod ako sa kaniya habang nasa mukha ko ang kamay ko.
"H-hindi no." utal na saad ko sa kaniya. "Hindi ako nag seselos. Bakit naman ako mag seselos?" giit at tanong ko sa kaniya kahit nagmumukha na akong tanga.
Halata naman pero kung makatanggi ako sobra. Narinig ko nalang siyang tumawa saka muli akong hinapit sa baywang ko at yumakap siya mula sa likuran ko.
"Fine kung hindi. Handa naman ako mag hintay e!" Bulong nito sa punong tainga ko.
Ramdam ko pa ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg/batok ko. Ang pagdampi ng mainit at malambot niyang mga labi sa batok ko. Ang magaan at masuyong paghalik niya roon na naging dahilan ng pagtayuan ng mga balahibo ko kasabay nang masuyong paghaplos ng palad niya sa baywang at tiyan ko.
"Let's go. Kain muna tayo para makapagpahinga na rin tayo." mayamaya ay bumitaw ito at tumigil sa paghalik sa leeg ko. Nakakapanghinayang, sa loob-loob ko. "Kara let's go. Nagugutom na ako, o baka gusto mo ikaw ang kainin ko?"
Bigla akong napalingon sa kaniya. Kita ko ulit ang nakakaloko niyang mga ngiti sa 'kin.
"Ang bastos mo." kunwari ay galit na saad ko sa kaniya. Tumawa lamang ito saka ako hinapit lalo sa baywang.
"I love you Kara." Bulong nito sa 'kin. Hahalikan na sana ako nito sa mga labi ko ngunit mabilis akong umiwas sa kaniya.
"Don't do that." pinandilatan ko pa siya.
"Huh? Why? Ngayon ka lang ata tumanggi sa halik ko?" nag tatakang saad nito.
"Mag toothbrush ka muna or much better mag lagay ka ng alcohol sa bibig mo. Ayokong mahawa sa rabies nang babaeng 'yon." Saad ko sa kaniya. Napakamot naman ito sa batok niya.
NAKAHIGA NA AKO sa kama at nag babasa ng magazine nang lumabas naman mula sa banyo si Melfoy. Nakatapis lang ito ng towel sa baywang niya. Pinipigilan ko ring huwag mapatingin sa kaniya lalo pa no'ng mapadaan siya sa gilid ko. Nag iinit ang mukha ko. Sino ba naman kasi ang hindi, kung ganito kagandang katawan ang palakad-lakad sa harapan mo hindi ba? Mapapalunok ka ng sunod-sunod sa laway mo.
Nagkunwari akong busy sa binabasa ko. Pagkatapos niyang mag bihis ay sumampa na rin ito sa kama.
"Ahhh. Ang sarap matulog lalo na kapag may kayakap." dinig kong saad nito. Pero hindi ko lang siya pinansin, kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig siya sa 'kin. "Inaantok na ako. Ahhh." nag unat pa ito at kunwari humikab. Nagpipigil lang ako na hindi mapangiti dahil sa kaniya. Nag papapansin kasi talaga e! "Okay fine! Suko na ako. Hindi mo ba talaga ako papansinin huh?"
Bigla ako nitong niyapos sa baywang ko na siyang naging dahilan upang mapatili ako. Hinapit ako nito palapit sa kaniya habang nakasandal ako sa headboard ng kama.
"Melfoy... ano ba." saway ko sa kaniya.
"Ayaw mo kasi akong pansinin e! Nag e-effort na nga ako para magpapansin sa 'yo tapos deadma mo lang!" Saad nito saka sumiksik sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama roon.
"Ang kulit mo, may binabasa pa kasi ako e!" pag dadahilan ko sa kaniya kahit 'yong totoo wala naman.
"Bukas na 'yan matulog na tayo." sagot nito habang panay ang haplos ng kamay niya sa baywang at tiyan ko.
"Melfoy isa... ang kulit mo naman e!" hindi ko na rin napigilan ang aking tawa dahil sa kiliting nararamdaman ko sa baywang ko. Ang kulit naman kasi talaga ng isang 'to. "Matulog ka na okay. Huwag ng pasaway." saad ko.
"Okay. Where is my good night kiss?" Umangat ang mukha nito sa 'kin habang nakanguso pa.
"Walang good night kiss ngayon kaya matulog ka na." ani ko.
"What? Kara, nag toothbrush na ako ng ilang beses. Nag mumog na rin ako ng mouth wash. Wala na 'yon. Natanggal na 'yon." May pagtatampong ani nito sa 'kin. Nakakatawa ang hitsura niya.
"Wala nga, kaya matulog ka na."
"No. Hindi ako papayag na matutulog ako ngayon ng hindi ko natitikman ang labi mo." aniya at mabilis na kumilos pagkuwa'y hinawakan ako sa aking batok at mabilis na sinakop ang mga labi ko.
Napapikit na lamang ako at tumugon sa halik niya. Pareho pa kaming kapos sa hangin nang mag hiwalay ang mga labi namin.
"Sarap." nakangiting saad nito. "Aayaw ka pa, tutugon ka rin naman." pang aasar pa nito sa 'kin. Kinurot ko nalang siya sa baywang niya upang kahit papaano ay itago ang pagkapahiya ko. Ang pilyo niya kasi.
"Ang adik mo talaga sa halik ano?"
"Sa 'yo lang naman. Sinusulit ko lang, kasi mula no'ng ikinasal tayo iisang beses palang kita nahalikan noon. Noong nasa simbahan pa tayo, tapos smack lang." Paliwanag nito sa 'kin. Ngumiti nalang din ako sa sinabi niya. "Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas."
Kumilos ito para umayos ng higa saka ako kinabig palapit sa dibdib niya at doon ako umunan habang magkayakap kami sa isa't isa.
"Good night Kara. I love you." saad nito saka ako hinalikan sa buhok ko.
"Good night Melfoy."
I love you too.
Oo na. Hindi naman siya mahirap mahalin e! Sa halos isang buwan naming magkasama parati ramdam kong unti-unti ko na siyang minamahal. At kanina ko lamang lubos na inamin 'yon sa sarili ko na mahal ko na ang manyak na ito. Nang makita ko ang paghalik ng babaeng 'yon sa kaniya. Nang maramdaman ko ang galit at selos sa puso ko.
Mahal ko na nga si Melfoy Ferrer. Ang asawa ko.