KAGAYA sa napag-usapan namin ni Melfoy, kinabukasan nga'y pinag-usapan agad namin ang mga bagay-bagay na hindi ko pa nagagawa sa kaniya mula nang maging mag-asawa kami. Ako naman ay willing na gawin talaga lahat at tuparin ang mga binitawan kong pangako sa kaniya. I will make it up to him. Lahat gagawin ko talaga para makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kaniya.
"Are you really sure you're going to do this Kara?" Tanong pa nito sa 'kin matapos kong isulat lahat sa papel ang mga dapat kong gagawin para sa kaniya.
"Oo nga. Bakit parang ayaw mo naman ata maniwala sa 'kin?" Napanguso pang tanong ko rin sa kaniya. Ngumiti naman ito sa 'kin saka hinaplos ang pisngi ko. Nasa sala kami ng condo niya. Magkatabi na nakaupo sa mahabang sofa.
"Naniniwala na ako sa 'yo." Saad nito at tumawa pa.
"Tss..." laglag ang mga balikat na sumandal ako sa sofa. Kunwari ay nag tatampo ako sa kaniya na ayaw niyang maniwala sa 'kin.
"Paano kasi ibang-iba ka sa Kara na nakilala ko noon kaya naninibago lang talaga ako. Si Kara na kilala ko dati hindi ako magawang kausapin at tingnan. Pero si Kara na kasama ko ngayon, ayan...nakangiti sa 'kin. Hinahayaan akong hagkan at hawakan siya. Hinahayaan akong makalapit at kausapin siya." aniya. Napanguso naman akong nangalumbaba matapos marinig ang mga sinabi niya. Ang sama ko talaga sa kaniya noon. "Don't do that Kara, please..."
Saad nito mayamaya nang biglang semeryoso ang tingin niya sa 'kin. Napatingin din naman ako sa kaniya ng diretso.
"What?" tanong ko.
"Don't pout and don't bit your lips, baka hindi ako makapagpigil." Nahihirapang saad nito sa 'kin.
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya kaya napatikom bigla ang aking bibig. Hindi ko naman alam na may epekto pala sa kaniya ang ginagawa ko.
Ngumiti ito saka hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon ng marahan. "I love you Kara." seryosong saad nito sa 'kin na siyang naging dahilan upang mapatigil ako. Ito na naman kasi at bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko. I can feel the million butterflies inside of my stomach. Hindi ko alam kung bakit.
Kumilos siya palapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi ko. Wala akong masabi. Pakiramdam ko nalunok ko ata ang dila ko at wala akong mahagilap ni isang salita. Hinawakan pa nito ang aking pisngi.
"I love you Kara." ulit nito sa sinabi niya kanina.
"A—" wala akong masabi. Hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong sabihin e!
"It's okay. I understand. Nagsisimula palang naman tayo e! For now I understand because of your condition. Hindi mo kailangan pag-isipan kung ano ba ang isasagot mo sa 'kin everytime I say I love you. Sapat na sa 'kin 'yong nasa tabi kita ngayon at nag-uumpisa sa bago nating buhay. Sapat na sa 'kin 'yong nakakausap at nahahawakan na kita. Sapat na sa 'kin na masabi ko sa 'yo kung gaano kita kamahal. Maipakita sa 'yo kung hanggang saan ang pagmamahal ko para sa 'yo. Sapat na sa 'kin 'yon. Pero mas sasapat pa 'yon kung balang araw ay masasabi mo na rin sa 'kin na mahal mo na rin ako. But like what I've said...sapat na muna sa ngayon kung wala kang maisasagot sa 'kin."
He really loves me. His sweet words and actions proves how much he loves me. Hindi siya maubusan ng mga sweet words na binibitawan para sa 'kin na mas lalong nagpapagulo sa puso't isipan ko. Sana talaga dumating 'yong araw na matotonan ko rin siyang mahalin. Na darating ang araw na kaya ko ng suklian o tapatan ang pagmamahal niya para sa 'kin. Napakasuwerte ko talaga at ako ang minahal niya. Pero mas masuwerte ako kung sana pareho kami ng nararamdaman. Mayamaya'y hindi ko na napansin ang mga luha kong nag landas sa mga pisngi ko.
"Hey! Are you okay? Why are you crying?" May pagaalalang tanong nito sa 'kin. Yumuko ako para itago ang mukha ko mula sa kaniya. Pero mayamaya ay naramdam ko ang paghawak niya sa baba ko at inangat niya iyon upang mag tagpo ang mga mata namin. "Did I say something wrong? Tell me, please Kara don't cry." aniya habang pinupunasan nito ang mga luha sa pisngi ko.
Umiling ako ng sunod-sunod saka niyakap siya bigla. "Thank you Melfoy. Thank you for loving me these much. I'm sorry kung hindi ko man maibalik 'yon sa 'yo ngayon. But I promise gagawin ko ang lahat para matotonan kang mahalin. Sana hindi ka mapagod sa pagmamahal mo sa 'kin, sana mahintay mo ako." Umiiyak na saad ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagyakap niya sa 'kin ng mahigpit habang masuyong humahaplos ang palad niya sa buhok at likod ko.
"Shhhh. Enough crying Kara. It's okay. Kahit kailan hindi ako mapapagod na mahalin ka. Hindi mangyayari 'yon. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal 'yan. Nakaya ko nga ang mag hintay ng limang taon hindi ba? Hindi ako mapapagod at hindi kita iiwan kasi mahal kita." Bulong nito sa 'kin.
Kumawala ako sa pagkakayakap niya. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Kita ko sa mga mata niya kung gaano niya talaga ako kamahal. Hinalikan ko siya sa gilid ng kaniyang mga labi saka ako ngumiti sa kaniya ng ubod tamis.
"Thank you Melfoy."
Kumilos ito saka ako mabilis na hinawakan sa batok at kinabig papunta sa kaniya pagkuwa'y walang paalam na ginawaran ng halik ang aking mga labi. Kasabay no'n ang pagpikit ng mga mata ko upang namnamin ang sarap ng halik na ipinapalasap niya sa 'kin sa mga sandaling iyon. Mayamaya pa ay bumitaw ito sa 'kin, pareho pa kaming nag hahabol ng hininga. Ipinagdikit niya ang mga noo namin at saka ngumiti ito.
"Oh God, Kara! Masiyado mo akong pinaliligaya ngayon. Thank you. You don't know how happy you made me right now. Sobra-sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa 'yo. Ngayon na abot kamay na kita. Mahal na mahal kita at kahit kailan hindi ako mapapagod at mag sasawang sabihin, ipakita at iparamdam sa 'yo ang lubos kong pagmamahal para sa 'yo. Ikaw ang buhay ko Kara. Ikaw lang."
Hinalikan nito ang aking noo, ang aking ilong, ang aking mga pisngi saka ako hinila papalapit sa kaniyang dibdib.
Diyos ko, bakit n'yo po ibinigay sa 'kin ang lalakeng ito sa maling panahon? Sana hindi siya naghihirap ng ganito ngayon dahil sa 'kin. Tama po ba o nararapat ba ako sa pagmamahal na inaalay niya para sa 'kin?
"BAKIT GISING KA PA?" Bungad ko sa kaniya nang makita ko siyang nasa terrace ng kuwarto niya. May hawak pa itong bote ng alak. Napalingon siya sa gawi ko.
"I thought you were asleep." saad nito sa 'kin. Nag lakad ako papalapit sa kaniya.
"Nagising lang ako. Naramdaman ko kasing wala ka sa tabi ko kaya bumangon ako. Ba't ka nag iinom? May problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Nag iwas naman ito ng tingin sa 'kin nang umupo ako sa tabi niya.
"Wala. May iniisip lang ako." aniya. "Go back to bed. Susunod ako, uubusin ko lang 'tong iniinom ko."
Saad nito saka tumungga ulit sa bote ng alak niya. Sa halip na sundin ko ang sinabi niya; tinitigan ko siya ng mataman. Pakiramdam ko kasi may problema na naman siya. "Tell me, ano bang iniisip mo?" Tanong ko nang hindi niya pa rin ako tinatapunan ng tingin. Hindi siya umimik sa 'kin. "Melfoy... asawa mo naman ako hindi ba? Why can't you tell me what's bothering you right now." saad ko. Lumingon naman ito sa 'kin sa puntong iyon. May mga lungkot na naman sa mga mata niya. Napakunot noo ako nang magpakawala ito ng malalim at mabigat na buntunghininga. "Please, hindi rin ako matatahimik kung hindi mo sasabihin sa 'kin kung ano ang iniisip mo ngayon." Malumanay na saad ko sa kaniya. Inilapag nito sa center table ang boteng hawak niya saka bumaling sa 'kin.
"Iniisip kasi kita Kara." Anito sa seryosong boses.
Nagtaka naman ako sa kaniya. Bakit na naman ba? "Why? Nag aalala ka na naman ba dahil sa sitwasyon natin?" Tanong ko sa kaniya.
Mataman itong tumitig sa mga mata ko pagkuwa'y kinuha ang aking kamay at masuyo iyong hinaplos.
"Kara... I'm happy right now, I really do. God knows how happy I am dahil sa mga nangyayari ngayon sa pagitan natin, pero Kara natatakot lang ako. Paano kung bumalik na ang alaala mo? Babalik ka na rin ba sa dating ikaw? Natatakot ako na baka pagdumating ang araw na 'yon ay muli mo na naman akong ipagtatabuyan, kamumuhian mo na naman ako, mandidiri ka na naman sa 'kin. Kara natatakot lang ako na baka pagdumating ang araw na 'yon ay tuluyan ka ng mawala sa 'kin. Hindi ko kakayanin 'yon." Puno ng lungkot ang mga binibitawan niyang salita sa 'kin. Mataman lang din akong nakatitig sa mga mata niya. "Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil naaksedente ka at nagkaroon ng amnesia, dahil doon naging okay tayo. Tinanggap mo ako bilang asawa mo. Pero paano kung gumaling ka na Kara? Babalik ba ulit ako sa dati kong buhay na puro lungkot at sakit na lang?" Saad nito sa mababang boses, puno ng lungkot, sakit at pait.
Ano ba ang lalakeng ito? Masyadong pinangungunahan ang mga mangyayari bukas. Pero kung sabagay, oo nga tama rin naman siya. Napaisip din ako sa mga sinabi niya. Paano nga kung bumalik na ang alaala ko? Magagalit na naman ba ako sa kaniya? Iiwan ko ba ulit siya? Oo nangako ako sa kaniya na hindi na ako magagalit sa kaniya. Pero paano kung hindi ko magawa 'yon? Nag pakawala ako ng malalim na buntunghininga. Mayamaya ay hinawakan ko ang isang kamay niya. "Hindi natin alam kung ano ang mga puwedeng mangyari sa atin sa susunod na mga araw Melfoy. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon palang." Tumingin naman ito sa 'king mga mata. Mga matang kakikitaan ko ng sakit at lungkot pero hindi mawawala ang pagmamahal niya para sa 'kin. "Kung bumalik man ang alaala ko, pinapangako ko sa 'yo na walang mag babago sa kung ano man ang mayroon tayo ngayon. Mas mabuti nga 'yon e! Kasi mas maaalala ko na lahat ng mga kasalanan at pagkakamali ko sa 'yo noon. Hindi na ako mahihirapan na tanggapin ka ng tuluyan sa buhay ko na walang kasamang agam-agam dito sa puso't isipan ko. Mas magiging malinaw sa 'kin ang lahat. Kaya 'wag ka na mag alala, okay. Kung sakali mang bukas-makalawa ay bumalik na ang alaala ko—I promise, walang mag babago. Asawa pa 'rin kita at sa 'yo pa 'rin ako." Ngumiti pa ako sa kaniya para ipakita na wala siyang dapat na ipagalala sa kung anuman ang mangyayari kapag gumaling na ako.
"Paano kung pagbalik ng alaala mo, then you realise that you still loved him? Mananatili ka pa 'rin ba sa tabi ko Kara?"
Natahimik ako ulit sa tanong niya sa 'kin. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ayoko na muli kong masaktan si Melfoy, tama na ang sakit na ibinigay ko sa kaniya noon. Pero paano nga kaya kung mahal ko pa rin ang lalakeng sinasabi niyang boyfriend ko? Naguguluhan ako.
"To tell you the truth... I don't know. I don't know what to do Melfoy. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon. Ayoko na muli kang masaktan dahil sa 'kin. Nararamdaman ko sa puso ko na hindi darating ang araw na mag hihiwalay tayo." Totoo naman e! Iilang araw pa lamang mula nang malaman ko ang lahat tungkol sa sitwasyon namin. Simula nang ipaliwanag niya sa 'kin ang lahat ng nakaraan namin, pero pakiramdam ko kilalang-kilala ko na talaga siya. Nararamdaman 'yon ng puso ko. Mag mula nang ikuwento niya sa 'kin ang mga nangyari noon, parang biglang nag laho lahat ng takot, kaba at pag aalinlangan sa kaibuturan ko. Parang nakikita ko rin ang sarili ko sa hinaharap na siya ang kasama ko hanggang sa pagtanda.
"God Kara, hindi ko alam kung paano akong mabubuhay kapag wala ka sa tabi ko."
Yumakap ito sa 'kin. Gumanti naman ako sa mahigpit at mainit niyang yakap sa 'kin. Ito lang ang magagawa ko ngayon para sa kaniya para kahit papaano ay mabawasan ang sakit at lungkot sa puso niya.
"Kung kaya ko lang itigil ang oras ngayon para sigurado na ako na hindi ka na talaga mawawala sa 'kin, gagawin ko. Can I own you for the rest of our lives Kara? Puwede bang maging akin ka nalang panghabangbuhay? 'Yong wala akong magiging kaagaw o kahati diyan sa puso mo. Iyong akin ka lang at ako lang din ang mag mamay-ari sa 'yo."
Bulong nito sa punong tainga ko. Ewan ko at may kung anong biglang pumitik sa puso ko. Pakiramdam ko nasasaktan talaga ako ng sobra sa mga oras na 'yon. Sa mga sinabi niya sa 'kin.
Can I own you for the rest of our lives?
Napaluha ako ng hindi ko namamalayan. Diyos ko bakit ganitong pagpapahirap po ang ibinibigay n'yo sa 'min? Bakit patuloy na nadudurog ang puso ng lalakeng ito ng dahil sa 'kin? Hindi ba puwedeng sa kaniya na lang din tumibok itong puso ko? Hindi ba puwedeng siya nalang din ang maging dahilan ng pagtibok nito?