Kabanata 59 "Nica, what's wrong?" "I've got an argument with Amara," pagtatapat niya. Ayaw niya sanang sabihin pero kasi malalaman din naman kasi nito ang totoo dahil alam niya at sigurado siya na gagawa ng istorya si Amara para lokohin si Valentine. Bumuntong-hininga naman ito. "Hindi mo na sana siya pinatulan Nica dahil wala kang mapapala sa kanya." "I can't help it Val, sorry." Kinuha naman nito ang kanyang kamay. Pagkatapos ay marahan nito itong pinisil. "I appreciate everything you did for me Nica. I can't thank you enough but please, don't let my problems bother you. I can handle myself." Nagpakawala naman siya ng malalim na hininga. "Okay, sorry" sagot niya na lamang dahil ayaw niyang makipag-argue rito. Tama rin naman kasi ang sinabi nito kaya lang ay matigas ang ulo