Kabanata 37 Bumalik siya sa kinaroroonan ni Dominica at nilapitan niya ito. Maingat niyang nilapatan ang sugat nito sa paa gamit ang band-aid. Pagkatapos ay umupo siya sa sahig at pinagmasdan ito habang mahimbing ang tulog. He was really tempted to touch her but he refused not to do such thing. Huminga siya ng malalim. Kung sana ay mas nakilala niya lang ng maaga ang dalaga. Hindi siya sana magpipigil ngayon. Bigla naman itong gumalaw. Natakpan ng ilang hibla ang mukha nito. He extend his arm and slowly remove the strand of her hair to her face. Gumalaw itong muli at biglang nagising. "Hi?" bati niya pa. Namilog ang mga mata nito at agad na napabangon. She even fix herself. Nahihiya itong tumingin sa kanya. "Nakatulog ka. Pagod ka ba sa trabaho mo ngayong araw?" aniya at tumayo.