Kabanata 61 Pero pikit-mata niya pa ring kinain ito. May soft drink naman na ibinigay sa kanya si Valentine. Agad din naman niya itong kinuha at ininom. "May problema ka ba?" "Problem? Wala, gusto lang talaga kitang makita at ibigay sa iyo ito para naman matikman mo." "Masarap naman, except lang sa itsura niya." Tinawanan naman siya nito. "Busy ka ba kanina?" "Hmm, medyo. Inaayos ko ang mga dapat gawin. Malapit na kasi ang birthday ni Papa." "Nagkabati na ba kayo?" Huminga siya ng malalim. "Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako kinikibo. Malaki pa rin siguro ang tampo niya or galit sa akin," sagot niya sabay kibit ng kanyang mga balikat. "Magbabati rin kayo ng ama mo Nica." "Magdilang anghel ka sana. Iyan din ang ipinagdadarasal ko." Sandaling katahimikan naman ang umiral