Kabanata 53 AFTER salon, they went in a restaurant. Naglunch sila sandali sa Kuya J's dahil malapit lang din naman iyon sa area. Papuuwi na sila nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jorge. "Yes Jorge?" agad na wika niya. "Ma'am, nasa akin na po ang invitation." "Oh, good! Just bring it to me later at home. Pauwi na rin kasi ako," sagot niya. "Copy ma'am." "Okay, thanks!" aniya at ibinaba na ang tawag nito. Kasalukuyan silang nasa biyahe at ihahatid na siya ni Valentine pauwi sa kanila. "Susunduin mo ako mamaya, right?" "Oo, don't worry, ako na ang bahala sa sasakyan mamaya." She cross her arms. "Puwede tayo mag-taxi kung gusto mo," aniya pa. He chuckles. Napanguso naman siya. "Seriously, I'm not joking. Puwede naman talaga kasi, as long as it can take us to our destin