Kabanata 40 "Nabusog ka ba?" Tumango lamang siya. "Are we not gonna go home na?" tanong pa ni Lyn sa kanila. "Oo na," sagot naman ni Val. Nang tingnan niya ang suot niyang relo ay malapit na nga mag-alas otso ng gabi. Iniligpit na nito ang pinagkainan nila saka tumayo na. Itinapon ni Valentine sa basurahan ang mga pinagkainan nila, pagkatapos ay kinuha na nito ang human size teddy bear at muli ay humawak na naman ito sa kanyang kamay. "Sa inyo ba natutulog si Lyn?" tanong niya habang palabas na sila ng night market. "Sa hotel siya matutulog. Wala rin kasing bakante sa apartment namin ni Leo." "May matutuluyan na ba siya?" Bumaling naman ito sa kapatid dahil mukhang wala pa yata itong alam. "Lyn! Saan ka ba na hotel?" "I book na, don't worry about me," sagot naman ni Lyn ha