Chapter 1

1478 Words
ANG PALIGID na matatagpuan sa labas ng lugar na kung tawagin ay Faladis ay maiihalintulad sa isang malaking tambakan ng basura. Bukod sa mga nabubulok, hanggang sa mga hindi naglalaho sa kapaligiran sa tinagal ng panahon, ay nasa labas din ng lugar na iyon ang mga taong itinapon na ng lipunan mula sa sinasabing mala-paraisong lugar na minsang kinalakhan nila.   Ang mga kriminal, mga barumbado, mga mamamatay-tao at pati ang mga sira-ulo ay narito sa lugar na kung tawagin ay Graveyard. Ito ay ang lugar ng mga sari’t saring mga inidibidwal na pinag-eksperimentuhan mula sa loob ng napakagandang lugar na tanging mga perpektong tao lamang ang sinasabing maaring mamuhay at tumagal. Lahat nga ng mga nasa lugar na ito ay may taglay na mga kapangyarihang hindi mapapakinabangan sa loob. Hindi nga mawawala rito ang mga nasiraan ng ulo dahil sa kung ano-anong itinurok sa katawan nila, at ganoon din ang mga kriminal na ginawa nilang mga guinea pig para sa pangarap nilang mas malakas na hukbo ng mga makabagong tao. Halos lahat nga ng mga taong nasa labas ng Faladis ay wala ng sariling pag-iisip at namamatay na lang nang hindi nila nalalaman sa paglipas ng mga panahon dito. Sino ba naman ang tatagal sa Graveyard? Ang lugar na ito ay walang maayos na supply ng pagkain at tubig. Lalo ring walang mga makakain na hayop ang namumuhay rito at mas lalong walang mga punong tumutubo sa anumang kalupaan na narito. Balot na balot din ng polusyon ang labas na bahaging ito at kapag ang pangangatawan nila ay mahina, ay hindi ito basta tatagal sa ganitong uri ng lugar.   Ang magandang mundo noong unang mga panahon ay naging isang patay na daigdig na sa kalawakan. Ang Faladis na nga lamang ang tanging natitirang bahagi nito kung saan ay maayos na pumapasok ang sinag ng araw upang bigyang buhay ang mga nakatira roon na mapa-tao, mapa-hayop at mapa-halaman pa. May sariwang hangin at may maayos na pamumuhay ang mga narito. Ang mga naninirahan sa loob ay nakakaranas pa nga ng isang napakagandang buhay sa kabila ng nangyari sa kabuuan ng kanilang tinitirahang planeta.   Salamat sa teknolohiya! Dahil sa magagaling na imbentor at sayantis ng panahong ito ay nakalikha sila ng isang saradong kapaligiran na halos kasing-laki ng kontinente ng Australia. Isa itong protektadong paligid mula sa mga mapaminsalang penomena sa labas kagaya ng bagyo at anumang uri ng kalamidad. Nakalikha rin sila ng isang depensa na kokontra sa paggalaw ng lupa sa Faladis na dulot ng malalakas na lindol. Nakagawa rin sila ng artipisyal na kalangitan na gawa sa isang napakatibay na salamin na hindi kayang pasukin ng mapaminsalang sikat na nagmumula sa malapit nang mamatay na araw.   Ang loob ng Faladis ang pinakaligtas na lugar sa daigdig at dahil sa pagdami ng tao noon, ay mas pinili nilang bawasan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpatay at paglimita sa reprodaksyon ng mga ito. Sa Faladis din matatagpuan ang paligid na katulad noon dahil may mga lugar dito na may mga puno, may mga malinis na ilog at dagat at may mga nagtataasang mga bundok at burol. Bawat pamayanan din dito ay maayos na sumusunod sa batas na nagmula sa sentro na kung tawagin ay Main City. Ito naman ay ang pinakasibilisado at pinakamagandang lugar dito. Narito kasi ang mga nagtataasang gusali at narito rin ang mga pasilidad na pinapalakad ng walong mga matataas na tao sa Faladis. Sila ay ang Faladis Eternity na binubuo ng mga matatalino at mga malalakas na indibidwal. Sa panahong ito, bukod sa mga kakaibang imbensyon ay nakatuklas din sila ng isang uri ng droga na kung saan ay may kakayahang magbigay ng kakaibang abilidad sa isang tao. Kapangyarihan!   Walang nakakaalam kung paano ito nabuo pero sinasabing ang konseho ng Faladis ay ang unang mga tao na nakatanggap ng sinasabing droga na iyon. Dahil doon ay nabigyan sila ng malalakas na kapangyarihan na kayang bumura ng isang pamayanan. Dahil din sa abilidad na iyon ay sila ang itinuring na pinakamalakas sa mundo. Ang Faladis nga ay hinati rin sa walong lugar at pinamunuan ito ng bawat isa sa kanila. Sila rin ang nagpapanatili ng kapayapaan sa buong nasasakupan nila. Kung titingnan ay tila ba napakaayos ng mga makikita sa lugar na ito, isama pa ang masayang mukha ng mga mamamayan na malayang kumikilos dito. Subalit sa Main City, sa isang bantay-saradong pasilidad na makikita rito, ay may isang bagay ang maraming taon na nilang sinusubukang gawin.   Ito ay ang Project Restart!   Isa itong lihim na proyektong tanging ang Faladis Eternity lamang ang nakakaalam. Maraming taon ang ginugol nila para rito, isa itong proyekto para maisalba nila ang natitirang sangkatauhan. Kung iisipin ay napakaganda nito para sa marami, ngunit sa oras na mapagtagumpayan itong gawin... Ang binubuo nilang perpekto at malakas na hukbo ay babalik sa panahon kung saan ang daigdig ay nasa maayos pang estado.   Sa tulong ng Time Machine na ginagawa nila, babalik sila sa panahong iyon upang sakupin ang mas maayos na mundo sa pamamagitan ng kanilang mga kapangyarihan na kahit mga malalakas na bomba ng sinaunang panahon ay hindi tatalab sa kanila. Dadalhin din nila ang kaalaman na mayroon sila mula sa kasalukuyan at sa nakaraan ay gagawa sila ng panibagong Faladis. Dahil sa mas mataas ang kanilang kaalaman sa panahong iyon ay mas magiging madali para sa kanila ang maisakatuparan ito.   “Gagawin nating Faladis ang buong mundo, at lahat ng walang pakinabang ay itatapon natin sa kalawakan. Dahil mas marami ang resources na matatagpuan sa panahong iyon, madali lang natin itong magagawa... at sa tulong ng mga kapangyarihan naming walo...”   “Mas madali nating mapapasunod ang mga maimpluwensyang tao roon!”   Sa oras na magawa ito ng Faladis Eternity ay iiwanan na nila ang kasalakuyang Faladis at papaganahin na nila ang mga bombang itatanim nila sa paligid nito. Papasabugin nila ang paraisong nilikha nila at iiwanan na nila ang panahong ito para sa mas magandang mundo sa nakaraan.   Tila ba wala ng makakapigil sa mga planong iyon dahil sinasabing nasa siyamnapung porsiyento na ang succession rate ng kanilang ginawang machine na magdadala sa kanila sa nakaraan. Pero, mula sa Graveyard, may isang nilalang ang naroon at handa silang pigilan kahit matagal na siyang ipinatapon sa basurang bahagi ng pangit na mundong ito.   Sinasabi noon na ang orihinal na bilang ng Faladis Eternity ay siyam... at ang ikasiyam ay matatagpuan daw sa Graveyard. Siya ay ipinatapon dito dahil noong pinagpulungan nila ang planong Project Restart ay siya lang ang hindi sumang-ayon dito na naging dahilan upang pagkaisahan siya ng kanyang mga kasamahan.   “Huwag na ninyong subukang balikan ang nakaraan! Hindi na tayo nabibilang sa panahong iyon...”   “Hindi pa ba kayo kontento sa mayroon tayo sa kasalukuyan? Tayo na ang huling lahi ng sangkatauhan... Hindi ba mas mabuting ito na lamang ang ating pagtuunan?”   Ang pagpupulong na iyon ay tumagal ng isang oras, hanggang kinabukasan... nagising na lamang ang ikasiyam na miyembro ng Faladis Eternity na nasa loob ng isang laboratoryo. Doon ay tinurukan siya ng kung ano-ano hanggang sa siya ay nanghina. Pagmulat ng kanyang mga mata ay nahirapan siyang huminga. Napatingin siya sa paligid at laking gulat niya dahil napakapangit ng kapaligirang kanyang nasaksihan. Alam niya kung nasaan siya, pero hindi niya akalaing ganito pala ang lugar na iyon. Napaubo na lang siya dahil sa baho na dulot ng isang nabubulok na katawan ng isang tao na malapit sa kanya.   Iniangat nga niya ang kanyang kamay at sinubukan niyang gamitin ang kapangyarihan niya, pero gaya ng inaasahan... Wala na ito. Alam na rin naman niyang mangyayari ito kaya nagsimula na siyang maglakad papunta sa kung saan. Tiniis niya ang hirap sa labas ng Faladis. Alam niya, sa lugar na iyon ay walang sinuman ang kakampihan siya. Batid niya ang hirap sa paggalaw sa Main City kung wala siyang kasama... Kaya bago pa man dumating ang araw na mapagtagumpayan ng mga natitirang walo ang Project Restart ay nasa isip na niya ang kanyang planong binuo noon pa man.   Dahil wala na siyang kapangyarihang taglay ay gagawin na niya kaagad ang kanyang dapat gawin bago pa man siya mamatay sa lugar na ito. Sila ay ang mga taong nilagyan niya ng malalakas na kapangyarihan gamit ang drogang nasa kanya noon. Pinalabas niyang mga palpak ang mga ginawa nila rito para ipadala ang mga ito sa Graveyard... pero ang hindi alam ng kanyang mga kasamahan, isa sa mga iyon ang nagtataglay ng isang kakaibang kapangyarihang kaya silang tapatan.   Kung iisipin ay palpak din naman ang kapangyarihang lumabas dito, pero naitatak naman niya sa isip nito na sa oras na makita siya, ibig-sabihin nito ay dito na magsisimula ang kanyang misyon sa Faladis.   “Mamumuhay ka sa loob ng Faladis bilang maaayos na mamayan at kasabay noon... Kailangang mapigilan ang plano nilang Project Restart! Iligtas mo ang sangkatauhan sa nakaraan, at maging dito sa kasalukuyan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD