Hindi ko alam kung ano oras akung nagising pero paggising ko kanina bigla nalang pumasok sa aking utak ang nangyari kagabi na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari na iyon kasi hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko kasi bumabalik sa aking alaala ang lalaki na iyon. Hindi ko magawang inumin ang aking gatas at kainin ang tinapay na hinanda ko kasi natutulala ako habang iniisip ang lobo na iyon lalo na ang lalaking iyon na hindi ko manlang nakita kung ano ang kanyang ginawa o ano ang kanyang mukha. Alam kung pinatay niya ang lono na iyon lalo nasa dami ng dugo na nasa kanyang bunganga at hindi na ito gumalaw ng bumagsak ito sa lupa. “Nikini!” mabilis akung nabalik sa aking wisyo ng marinig ang tawag ni Tito Bert sa labas ng aking bahay kaya mabilis naman akung lumabas