Kahit sino naman siguro ang makarinig ng sigaw ni Zen matatakot na kahit ang lalaki na nasa harapan namin nasa pagkakarinig ko kanina ay ang kanilang pinuno ay bakas ang takot sa mukha ng malakas na sumigaw si Zen. Dahan-dahan akung tinignan ng lalaki at yumuko din sa akin ng makita ako habang sina Cassania at Maverick naman ay mabilis na naupo sa upuan sa gilid. May iba namang kalalakihan na nakatayo sa gilid at nakayuko habang walang sumusubok sa kanila na suwayin si Zen sa kanyang ginagawa o ano. “Sinabihan kuna siya na itali niya ang mga aso niya pero hindi nakinig ang anak mo at pinakawalan pa sila!” mas lalong umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Zen sa buong lugar at dinuro ang lalaki sa harapan namin. Tinagurian kapa namang Alpha ng mga lobo na ito pero sarili mong anak hindi mo