Habang nakaupo ako sa trono ng Alpha ng mga lobo at nakatingin sila sa akin ng seryoso bigla namang pumasok ang isang katulong o ano ba ang tawag nila dito sa nilalang na ito may dala siyang isang baso ng dugo at dahan-dahan niya itong binigay sa akin pero hindi ko muna ito kinuha bagkus ay tinign ko muna siya ng mariin at tinaasan ng kilay mukhang natakot pa siya dahil biglang nanginig ang kanyang kamay habang nakatingin sa akin at kaagad na namang napayuko.
“Sino ka?” seryosong tanong ko sa kanya paano ba naman ay naamoy akung kakaiba sa babaeng ito parang may hindi tama sa kanyang amoy na ayaw ko. Kung akala niya maluluko niya ang mga lobo dito pwes ibahin niya ako dahil hindi ako kagaya nila na mga bobo. Kaagad namang na alarma ang ibang nasa loob ng bulwagan ng marinig nila ang sinabi ko na kahit ang anak ng Alpha ay napatingin sa akin at sa babaeng nakaluhod sa harapan ko.
Wala pang isang iglap nasa harapan ko na ito at umilaw ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at tinulungan nitong makatayo ang babaeng nakaluhod kanina sa harapan ko. Tinignan ko ng masama ang babae na mas lalo namang kinabahan at bigla nitong nabitiwan ang hawak niyang glass na may lamang dugo kaya kaagad namang ngakalat sa sahig at mas lalong nabalot ng takot ang kanyang mukha.
“Kaibigan ko siya Zen kaya huwag mo siyang takutin,” malumanay na sagot sa akin ni Falla ang anak ng Alpha at kaagad na napabuntong hininga habang nakatingin sa akin pero nanatiling seryoso ang aking mukha at tinignan ng sobrang sama si Falla dahil sa pagtawag niya sa akin. Huwag na huwag niya akung ipahiya sa kauri niya na kahit ano nalang ang itawag niya sa akin dahil hindi ko gusto ang tabas ng kanyang dila. Mukhang na alarma naman si Falla at bigla itong yumuko ng makita niyang hindi na ako nakikipag-biruan sa kanya. “Paumanhin Prince Zen,” makakaya niya din naman pala niyang tawagin ako sa tamang pagtawag sa akin hindi niya pa ginawa. Hindi ako magandang galitin at kapag ako ginalit mo hindi mo alam kung saan ka pupulutin. Binalik ko ang tingin ko sa babae na ngayon ay nakatago nasa likod ni Falla.
“Sabi ko sino ka” umalingawngaw ang malakas kung boses sa buong bulwagan at nagdala pa ito ng matinding pagyanig na mas lalo naman nilang ikinagulat. Biglang hinawakan ni Falla ang babae at mas lalong itinago ito sa kanyang likod at tinignan ako ng deritso sa mata. Alam kung may mali sa babaeng ito at kung ako sa kanya sabihin niya nalang dahil kapag ako lalong nagalit sa kanya baka hindi niya magugustuhan ang susunod kung gagawin.
“She’s my friend your highness,” magalang na sagot sa akin ni Falla habang kahit siya ay nakaramdam nadin ng takot sa akin, hindi niya ito maitatago dahil mas makapangyarihan ako sa kanya at kayang-kaya kung basahin ang kanyang isipan. “Nakita naming siya sa kagubatan na sinasaktan ng mga halimaw kaya dinala namin siya dito at inalagan at naging kaibigan ko siya,” kaagad naman akung napatawa sa sinabi niya at sa isang iglap hawak-hawak kuna siya sa leeg at itinaas at dahil sa ginawa ko kaagad namang na alarma silang lahat pero walang nagtangka na lumapit sa akin.
“Sabihin muna kung ano at sino ka at huwag mo ng hintayin na ako pa mismo ang maglabas ng totoong kulay mo!” malakas kung sigaw sa kanya at mabilis namang lumapit sa akin si Falla at akmang hahawakan ako ng hindi pa siya tuluyang nakalapit sa akin kaagad na itong tumilapon sa dulo at nawasak ang pader nila ng tumama doon si Falla at mas lalong nagbigay ng gulat sa kanyang mga kauri. “Ayaw mo?” marahas kung tanong sa babae at hindi kuna hinintay na sumagot ito at malakas ko siyang itinapon sa kabilang pader kaya kaagad naman itong nawasak at hindi pa ito nakakabangon ng malakas kuna naman siyang sinipa ng makailang beses na naging dahilan para sumuka ito ng dugo.
Hindi pa ako na kuntento at kinuha ang tubo sa dulo na nakadikit sa pader at walang alinlangan itong hinampas sa kanya ng maka-ilang beses habang ang ibang mga lobo ay nanatiling nakatingin lang sa akin habang ang iba naman ay nandoon kay Falla at tinutulungan nila itong tumayo habang ako naman nakangising nakatingin sa babaeng ito.
“Kung ako sayo lumabas kana diyan at ipakita mo sa kanila ang anyo mo dahil hinding-hindi ako titigil hanggat hindi nila nakikita ang kulay mo!” malakas ko siya ulit hinampas sa likod upang mas lalong mapadapa ito sa sahig habang naliligo sa sarili nitong dugo. Pero mabilis kung tinanggal ang paa ko ng dahan-dahan na nagbago ang kanyang anyo at naging parang isang shokoy ito at mahaba ang kanyang buhok at walang paa hanggang sa lumutang siya sakay sa tubig. Sabi kuna diba? Demonyo ang hayop na ito na nakatira sa tubig.
“Ahhh!!” malakas nitong sigaw sa akin at mabilis na umikot habang nagbabaga ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin habang kita ko naman ang gulat sa mga mata ng lobo lalo na kay Falla. “Hayop ka Zen! Magbabayad kang hayop ka sa ginawa mo sa pamilya ko!” kung hindi ako nagkakamali siya ang demonyo na nakalaban ko noon kung saan napatay ko ang buong pamilya niya at siya nalang ang tira pero pinatay ko naman siya hindi ko lanng akalain na hanggang ngayon buhay parin pala siya. Mabilis ako nitong sinugod pero kaagad ko lang sinalo ang kanyang kamao at walang alinlangan na binato ulit ito sa pader at hindi kuna siya hinintay na makabalik pasa akin at ibinato ko sa kanya ang tubo kung hawak at tumama ito sa kanyang ulo na kaagad namang bumaon doon at lumabas ang maraming dugo habang dahan-dahan na natumba ang walang buhay niyang katawan. At ng muli ko siyang tignan at masigurado na wala na nga siyang buhay mabilis kung inapakan ang kanyang ulo at nawasak ito sabay tingin k okay Falla.
“Sa susunod alamin mo ang mga tao sa paligid mo Falla naging anak kapa naman ng Alpha pero ang bobo mo,” malamig kung saad sa kanya at sa isang iglap bigla nalang akung nawala sa kanilang paningin. Nawalan na ako ng ganang kumain mas mabuti pana umuwi nalang ako sa palasyo. Ang baho ng mga lobo dito!