Napapalunok ako habang nakatingin sa mga nagbabantay ng gate ng palasyo nina Zen at sino ang mag-aakala na may ganito pala ka gandang palasyo sa hindi ko alam kung anong lugar ito pero sinabi sa akin ni Zen na Immortal World ito kaya siguro hindi maipaliwanag na nilalang ang mga nandito ang mga nilalang na hindi mo makikita sa mundo ng mga tao. Kung noon paniniwala lang sila at hindi totoo pero ngayon totoo pala sila at ang isa sa kanila ay hawak-hawak ang aking kamay at hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang ang tingin sa akin nila dito ay pagkain. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung alam muna ang nasa paligid mo ay isang buong batalyon na ang tingin sayo ay isang masarap na pagkain wala kang laban sa kanila sa bilis palang at lakas nila wala ka ng panama kaya mas mabuti na