“LANIE, hintay!”
Napaangat ako nang tingin nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Maryjoy. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nagkunwari akong hindi ko siya narinig ngunit tumakbo siya at kapag tatakbo ay mahahalata niyang iniiwasan ko siya.
“Hoy, grabe naman ‘to!”
Hindi ako nagkamali dahil naabotan niya ako at malakas niya akong hinampas sa braso.
“Ano ba! masakit ‘yon, ah!” daing ko.
“Pano kanina pa kita tinatawag hindi mo ako hinintay. Alam kong narinig mo ako pero sige ka pa rin!”
“Ano ba kasi ‘yon? nagmamadali ako!” turan ko pa pero hinarangan niya ang daraanan ko.
“Bili ka naman sa akin, oh! Tatlo sengkwenta na lang! alam mo na ang mahal ng gamot ni Nanay kaya kailangan kong magdoble kayod!”
Napatingin ako sa hawak niyang malaking bag at mula doon ay nilabas niya ang tatlong pirasong panty na nakabalot pa. Naalala ko bigla ang panty isa kong panty na hindi ko mahanap. Apat na piraso lang ang panty ko at nawawala ang isa kaya tatlo na lang. Hindi ko na matandaan kung saan ko ‘yon nailagay pero hindi naman ako burara sa gamit lalo na at panty ko. Kahit nga si Lola Pasing ay hindi niya nakikita ang panty ko dahil sa sampayan ay napailalim ko pa ‘yon sa damit ko.
“Ano na?!”
Siniko pa ako ni Maryjoy nang hindi ako nakapagsalita.
“Wala akong pera! Tama lang talaga ang binibigay sa akin na pera ni señora. Pamasahe ko lang balikan.” Sagot ko at nilagpasan ko siya.
“Ito naman oh, parang hindi niya naman ako kaibigan.”
“Ano nga ang magagawa ko, walang-wala rin ako! kung mayaman lang ako Maryjoy baka pinag-aral pa kita!” Mariin kong turan ngunit sumabay siya sa laksi ng hakbang ko.
“Hanep ka rin sa linyahan mo, ano? pero talagang ipipilit ko ‘to sa iyo. Utangin mo na lang ako saka mo na ako bayaran kapag mayaman ka na!”
“Aba’t—“ wala na akong nagawa nang isiksik niya sa dibdib ko ang balot ng panty.
“Pasenysa na Lanie. Kailangan ay may maipakita lang ako sa Nanay ko na may benta ako ngayon para hindi siya mag-aalala sa akin. Naawa kasi Nanay ko kapag wala akong kita. Pasensya ka na talaga, huh?”
Napailing na lang ako nang biglang tumakbo si Maryjoy papunta sa kabilang kalsada. Nilagay ko na lang sa bag ko ang panty at siguro ay gagamitin ko na lamang ito. Pinili ko na lang lakarin ang mula dito sa labas hanggang doon sa sakayan ng jeep. Sayang rin naman ang sampung piso maidadagdag ko pa sa ipon ko.
Nakatayo ako sa mahabang pila ng mga pasahero. Naghahalo ang mga estudyante at mga empelyado dahil sa kabilang building ay isang malaking company at sa kabila naman ay ang university na pinapasukan ko. Noong nakaraan buwan ay hirap na hirap pa ako makibagay sa mga tao dito pero kalaunan ay nasanay na ako. Nakakahiya rin naman kay Roy dahil may trabaho naman siya hinahatid at sundo niya si Doc Walter. Napakagat ako sa ibabang labi nang maalala ang panunukso sa akin nina ate Shanti kaninang nagising ako.
“Miss, sakay na. Isa na lang ang kulang!”
Napakurap agad ako sa sinabi ng driver kaya dali-dali akong sumakay ng jeep. Narito ako sa pinakahuli at siksikan dahil puno ang jeep. Kaagad na umandar ang sasakyan at katulad sa iba ay pinikit ko rin ang mata ko kahit hindi ako inaantok dahil hanggang ngayon ay naasiwaan pa rin ako sa mga tinginan ng mga kapwa ko estudyante at kung minsan mga empleyado sa kabilang building.
Nang maglaon ay nakababa na ako sa hihintoan ko. Muli ay naglakad ako papasok sa subdivision dahil sayang ang pamasahe at bente pesos pa naman ang singil dahil espesyal ang mga traysikel na pumapasok dito sa subdivision. Exclusive lang talaga sila dito kaya ganoon ang singil nila. Eh, sa kagaya ko na ultimong katulong lang naman dito ay kailangan maglakad dahil hindi ako VIP.
Trenta minutos lang ay nakarating na ako sa mansyon. Binuksan agad ako ni kuyang guard na naging close ko na.
“Naglakad ka na naman, Lanie.”
“Opo, kuya. Kailangan magtipid.” Sagot ko. Tumawa lang siya at ako naman ay pumasok na. Dito na ako dumadaan sa gilid ng pader kada labas at pasok ko kasi ay dito ako nadaan dahil kung minsan ay may bisita si Doc at kung wala naman ay madalas nakatambay siya sa may sala. At kahit wala pang tao ay nag-aalinlangan pa rin siyang dumaan roon.
“Nandito na ang prinsesa natin.”
Boses ni ate Shanti ang kusinera naman. Dalaga pa siya at madalas kaming magkuwentohan. Pero mula pa kahapon ay umiiwas ako sa kanya kasi naman ay tampulan ako ng tukso.
“Si Lola po?” tanong ko at kumuha agad ako ng tubig na malamig mula sa ref.
“Si Doc hindi mo ba tatanungin?” Tinutukso na naman nila ako.
Umiwas na lamang ako at nagtungo sa itaas. Pumasok ako sa kuwarto namin at naroon nga si Lola nagtutupi ng mga damit. Nagmano ako sa kanya .
“Apo, bakit tinutukso ka nila? ano ba kasi ang nangyari?”
Sa totoo lang Lola Pasing hindi ko rin ho alam. Wala po akong natatandaan kagabi basta ang alam ko ay niyaya nila akong tumagay. Dahil kaarawan ko naman kaya pinagbigyan ko sila.” Tugon ko. Tumingin sa akin si Lola nang seryoso kaya kinabahan ako.
“May kailangan kang malaman.” Saad niya sa akin at pina-lock pa niya ang pinto pagkatapos ay inabot siya sa akin na sulat. Dali-dali kong binuksan iyon. Kinilabutan ako sa nabasa ko at hindi ko maiwasan ang umiyak.
“Ang ospital na ‘yon ay pagmamay-ari nina señora. Hanggang ngayon ay nakukunsenya ako dahil nagsisinungaling tayo sa kanila. Paano kapag nalaman nilang hindi naman talaga tayo magkaano-ano? paano kapag nalaman nilang isa kang anak ng pinuno ng mga rebelde at ang ama mo ang nagpasunog—“
“Huwag n’yo na pong ituloy pa!” pinutol niya ang sasabihin ng matanda.
“Kailangan kong makausap si Emman. Siya ang nangako sa akin na tutulong dito sa syudad.”
“Pero paano nga eh wala naman dito sina sir Emman? Matatagalan pa sila do’n sa ibang bansa baka nga hindi na sila bumalik!”
“Gagawa ho ako ng paraan. Basta bago malaman nila ay nakuha ko na sina Inay at Itay!” Mariin ang pangakong binitiwan ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang posporo sa gilid at nagtungo ako sa banyo. Doon ko sinunog ang sulat siniguro kong natupok ang papel dahil walang makakaalam sa tunay kong pagkatao.
Pagkatapos kong malinisan ang banyo ay nagbihis na rin ako dahil magdidilig ako ng mga orchids sa hardin. Umaga’t hapon ito ang trabaho ko maglinis ng swimming pool at magdilig ng mga halaman.
Nagtatali ako ng buhok ko sa harap ng salamin nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Lola Pasing at ang nnatapos niyang tinupi ay sinira niya ang kalahati at mabilis niyang kinuha ang isa at muli niyang tinutupi. Nakuha ko ang ibig ni Lola Pasing para hindi halatang may pinag-uusapan kami.
Nagtungo ako sa pinto at binuksan ko ‘yon. Si Ate Mariel, ang labandera. Binuksan ko pa nang malaki ang pinto at pinapasok ko siya. Muli akong bumalik sa salamin.
“Oh, Mariel. Ikaw pala? Pasok ka.” Pag-aanyaya ni Lola Pasing.
“Hindi na ho, La. Si Lanie po ang sadya ko. Lan, pinapatawag ka ni Doc.” Kinikilig ang boses niya. Agad naman akong napalingon.
“Bakit raw?” takang tanong ko.
“Ewan. Pero baka bibigyan ka ng regalo.”
Pasimple akong napatingin kay Lola at ang tingin niya ay naintindihan ko agad. Ngumiti ako kay ate Mariel at lumabas na ako.
“Hoy, Lan. Mukhang bet ka talaga ng anak ng amo natin!” Panunukso pa niya sa akin.
“Tumahimik ka nga!” saway ko. Pero mas humagikhik lang ito. Naghiwalay na kami dahil siya pababa ng hagdan ako naman ay patungo sa terrace kung saan ay natanaw ko si Doc na nakatayo at may hawak na pilsen. Aaminin kong kinakabahan ako kung totoo man ang mga tsismis nina ate Shanti sa nangyari kagabi na binuhat ako ni Doc ay sobrang nakakahiya. Huminga pa ako nang malalim nang makalapit na ako.
“Good afternoon po, Doc. Pinapatawag n’yo raw ho ako?” magalang kong tanong at mabuti na lang nakaya ko pang umaktong normal sa kanya. Nang humarap siya sa akin ay mas lalo akong kinabahan. Kakaiba itong nararamdaman ko.
“Yeah. Huwag ka munang maglinis sa hardin. Maligo ka at papaayosan kita dahil mamayang alas nueybe ng gabi ay may pupuntahan tayong event. At ikaw ang isasama ko.”
“P—Po?” laking gulat ko sa sinabi niya.
“And wear your best clothes.” Dagdag pa niya saka ako nilagpasan.
“Sandali lang po, doc—“ wala na pala siya sa paningin ko. Napasabunot ako sa aking buhok. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala naman akong magandang damit at hindi ko alam kung sino ang mga tao do’n sa pupuntahan namin. Tiyak kong magmumukha lang akong pulubi.