“SIGURADO ba kayong okay na ‘tong suot ko?”
Kagat ang labing sambit ng dalaga habang pinapasadahan ang sarile sa harap ng salamin.
“Oo, naman! Ang ganda-ganda mo kaya riyan. Hindi mapapahiya si doc sa mga bisita.”
Humarap ang dalaga sa mga kasambahay na nakaupo sa lapag habang nakatingala sa kanya habang kumukotkot ng ice candy ang mga ito.
“Nagugutom talaga ako.” Saad niya at umiling ang mga ito. Kumain lang siya kanina nang kaunti wala pa nga yatang isang platito.
“Tiis ganda ka muna, dhay!” Ani pa ni Sayong. Kasambahay rin na bisaya.
“Kapag kumain ka kasi ay lolobo ang tiyan mo papangit ang hulma ng gown kasi mawawalan ka ng baywang. Tiis lang muna kasi pag-uwi mo saka ka na lang bumanat sa kusina.” Pangagatong ni Shanti.
“Idadagdag ko, apo. Kahit gaano ka katakam sa mga pagkain ro’n huwag kang magpapahalata. Kailangan ay makibagay ka sa mga paligid mo.”
Malalim na napabuntong hininga si Lanie. Ayaw niya talagang sumama kay doc pero wala siyang magagawa. Ngayon pa lang ang dami nang habilin ng mga kasamahan niya tuloy nape-pressure siya.
Muli niyang sinuri ang sarile sa salamin. Wala siyang masyadong make-up kundi ‘yong chin-chun-sue lang na ginagamit ni Shanti sa mukha. Lipstick na pula at nilagyan nang kaunti sa pisnge niya. Bumagay naman ang kulay itim niyang dress na pula niyang lipstick. Kaso hindi siya komportable dahil lantad ang dibdib niya. Wala pa siyang suot na bra dahil may bra na sa loob na mismong nakadikit sa gown. Ang likod niya ay lantad rin hindi maging ang kanyang legs ay lantad.
“Bakit kasi ‘yan pa ang sinuot mo, apo. Kinulang sa tela, nagmukha ka tuloy babaeng mababa ang lipad.” Sang-ayon si Lanie sa komento ni Lola Pasing.
“Grabi naman kayo, La! Ganyan talaga ang mga kasuotan ng mga millenials. New era na tayo ngayon. Saka, wala na ‘yong mga kasuotan ninyong niluma na nang panahon!”
“Hayaan n’yo na ho, La. Saglit lang naman yata kami do’n ni doc.” Sagot niya. Napailing na lang ang matanda.
Nagkakatuwaan pa ang mga kasambahay nang marinig nilang lahat ang tunog ng sapatos mula sa hagdan kaya agad na nasitahimik ang mga ito at umayos ng upo sa gilid. Si Lanie naman ay nakaharap pa rin sa salamin at kinakabahan dahil baka punain siya sa suot niya ni Walter.
“Are you ready?” tanong nito habang pababa pa rin ng hagdan. Humarap siya sa binata kung kaya’t natigilan ito nang makita siya.
“Opo, doc.” Magalang niyang sagot. Nasa ikatlong baitang na lang si Dr. Walter pero hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan. Pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa at muling binalik sa mukha niya.
“G—Good. Let’s go!”
Pumalatak ang si Sayong at napatingin si Lanie sa mga ito. Humahagikhik ang mga kasambahay at hindi niya maiwasan ang mapangiti. Pero nang tumingin siya kay Lola Pasing ay nawala bigla ang ngiti niya. Yumuko na lang siya at agad na tumalikod. Ang mga signs nilang ‘yon na isang kurap lang ng mata ay agad silang nagkaintindihan.
Nakatayo ang driver sa labas ng kotse at pinabuksan agad sila ng pinto. Naunang pumasok si Dr. Walter at sumunod na rin siya.
“Lock the door.” Saad nito sa kanya.
“Paano po ito i-lock?” mahina niyang boses. Kinabig niya lang kasi at hindi pa kalakasan. Umusog sa kanya si Doc at binuksan ang pinto at malakas nitong kinabig.
Sa simpleng pagkakalapit lamang ng kanilang mukha ay pinagpapawisan na agad ang dalaga. Hindi rin maiwasan na magdikit ang kanilang braso at nang tumingin sa kanya si Walter ay para siyang kakapusin ng hininga. Kung bakit tiningnan pa siya nito tuloy ay para na silang maghahalikan sa lapit ng mga mukha nila. Langhap niya ang pabango nito na lalaking-lalaki at pati ang hininga nito ay langhap niya. Ang fresh! Malayong-malayo sa mga binata sa bundok.
“You’re… hot!”
Napabuka ang labi niya sa mahinang sambit ng binata. Hindi niya alam kung ano ang dapat na isasagot. Dahil madalas ay purihin siya na beautiful pero ‘yong katagang hot ay bago lang sa pandinig niya lalo na kung lumalarawan sa isang tao.
Lihim siyang napahinga nang maluwag nang bumalik sa pagkakaupo si Walter. Medyo distansya sa kanya at nagcecelphone na lamang ito. Kahit gustong-gusto niya itong titigan ay hindi niya magawa dahil tiyak pagsasabihan siya neto. Binaling niya na lang ang tingin sa labas ng bintana ng kotse.
Napakaganda nga talaga ng Maynila. Iba’t ibang kulay ng mga ilaw at mga nagtatayugang building. Nakatingala lamang siya sa taas at hindi matapos-tapos ang pagkamangha niya sa mga dinadaanan nila. Kung sa bundok ay poro malalaking kakahuyan dito naman ay malalaking gusali. Sana lamang ay makababa rin ng bundok ang mga magulang niya ang mga kapatiran lalo na ang mga batang musmos. Sapagkat deserve nila masilayan kung gaano kaganda ang mundo.
“Neng, nandito na tayo.”
Napakurap si Lanie nang kinalabit siya sa braso. Paglingon niya ay ang driver na pala at nakahinto na ang sasakyan.
“Pambihira magagalit sa ‘yo si Doc, eh. Huwag a-anga- anga, ha? Kapag napalayo ka kay Doc ay baka hindi ka na makauwi ng mansyon.”
Napalunok siya sa paalala nito sa kanya. Tumango na lamang siya at mabilis na lumabas do’n sa nilabasan rin ni Walter.
“Wow!” bulalas niya nang makita niya sa harapan mismo ang napakatayog na gusali. Halos sumakit sa ang leeg niya dahil kanina pa siya nakatingala.
“Hey!”
Muli na naman siyang napakurap nang malakas ang boses ni Walter. Lumingon ito sa kanya at salubong ang kilay. Mabilis siyang naglakad papalapit sa binata pero mas lalo lang yata nainis sa kanya si Walter dahil napahilot ito sa sentido. Nang maabotan niya ito ay nakaharap lang siya at kahit paano ay umabot siya sa balikat nito dahil sa mataas na takong na suot niya sa paa.
“Puwede bang maglakad ka ng normal?” saad nito sa kanya. Kakamot sana siya sa ulo pero nakapusod nang maayos ang buhok niya at baka masira pa.
“Pasensya na ho doc kasi hindi naman talaga ako sanay magsuot ng sandalyas, eh. Mas gusto ko pa sapatos or kaya tsenelas. Para akong matutumba kapag nagnormal ang lakad ko kaya binubuhat na lang ng aking paa.” Magalang niyang paliwanag.
Bakas ang pagsisisi sa guwapong mukha ng binata kung bakit si Lanie pa ang naisipan niyang isama gayong marami naman mga babaeng high standard na naghahabol sa kanya. Pero wala siyang pagpipilian na escort dahil baka magselos ang nobya niya. Mabuti nang katulad lamang ni Lanie na wala siyang magiging problema.
“Alright. Just hold my arm and walk slowly. Next time ipapa-training kita sa secretary ko para sa susunod na may event ay kabisado mo na.”
Magtatanong pa sana siya kung bakit siya ang napili nitong isama ngunit may tumawag kay Walter na isang sopistikadang babae. Nagbiso-biso ang dalawa at ang tingin ng babae ay nabaling sa kanya. Napataas lang ang kilay nito at pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
“How is Doreen?”
Diniin pa ng babae ang pangalan ng nobya ni Dr. Walter na para bang pinaparinig pa sa kanya.
“She’s doing well. So, where is your husband?”
Nag-uusap ang dalawa at si Lanie ay nililibot na lang ang tingin. Marami silang kasabayan na magagara rin ang kasuotan. Nagpaalam ang babae kay Walter dahil may bagong dumating at ang mga ito naman inasikaso no’ng babae. Naglakad na sila papasok sa loob at katulad sa sinabi ni Walter ay dahan-dahan lang siyang naglakad.
May mga bantay sa bungad at nagbigay galang ang mga ito sa kanilang dalawa. Tumango lang si Lanie habang si Walter ay wala lang. Pumasok sila sa elevator at mayroon silang tatlong kasabayan. Nang umandar ang elevator ay na out balance pa si Lanie mabuti na lang at maagap ang kamay ni Walter sa kanyang baywang kaya nahapit siya nito.
“Sorry po.” Nahihiya niyang wika. Hindi kumibo ang binata at nakatingin lang ito sa pinto. Napatingin naman sa kanya ang isang lalaking kasabayan nila. Napayuko na lang siya dahil sa kahihiyan.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas na rin sila. Naging malikot ang mata ng dalaga dahil mas maganda pa pala dito kaysa doon sa ibaba kanina.
Naglakad sila pakanan at mayroon do’n babaeng nakapostura na maagap nagbigay ng galang sa kanila. Sinamahan sila ng babae at ito ang nauna hanggang sa nakarating sila sa mismong event. Maraming tao at sa naririnig niya ay wikang ingles ang ginagamit nilang salita. Halatang hindi basta-basta ang mga tao dahil sa postura nila at galaw. Pinaupo sila sa napakagandang lamesa at pati upuan nila ay napakaganda ng dekorasyon. Magkatabi sila ni Walter sa upuan at maya-maya lang ay nagsimula na ang event. Ni hindi alam ni Lanie kung para saan itong dinaluhan nila kung birthday man ay napaka-palad naman. Gusto niyang itanong kay Walter kung para saan ang pagtitipon ngunit busy ito sa cellphone niya.
Nilalamig na siya lalo pa at lantad ang dibdib at likod niya at mabuti nga at malaki ang tela nitong mesa kaya natatakpan ang binti niya mula sa lamig. Gutom na gutom na talaga siya at masakit na rin ang puwet niya kahit pa foam ang inuupuan niya. Wala siyang naiintindihan sa nangyayari sa paligid basta ang mga tao ay masaya. May nagbibigay ng mensahe sa gitna at saka papalakpak ang ibang tao. Binalingan niya si Walter itatanong niya sana kung lahat ba ng tao doon ay magsasalita sa gitna pero hindi niya na nagawa dahil nakangiti si Walter habang tutok sa phone nito. Tiyak na si señorita Doreen ang katext niya.
Ilang sandali pa ay natapos rin ang lahat at ngayon lang nakahinga nang maluwag ang dalaga. Tumayo na si Walter kaya tumayo rin siya. Pero may tatlong lalaki ang lumapit at halos malaglag ang panga ni Lanie dahil iisa ang mukha ng mga ito. Saka, saksakan ng guwapo at matatangkad rin.
“Who are you with?” nabaling ang tingin ng isang lalaki sa kanya.
“Your escort?” tanong pa ng isang lalaki. Habang ang isang lalaki ay nakatingin lang sa kanya pero hindi ito nagsalita. Kahit maayos naman ang hitsura niya ay hindi niya pa rin maiwasan mahiya sa mga ito. Ang guguwapo kasi talaga nila na tiyak ay matataas rin ang antas sa buhay ng tatlo.
“Yeah.” Tugon ni Walter sabay na hinapit siya sa baywang. Sa simpling ‘yon lamang ay biglang kumalabog ang dibdib ng dalaga.
“Oh, I see.” Sagot lamang ng isang lalaki.
“What’s your name, my lady?”
Laking gulat ni Lanie nang tanungin siya ng gano’n. Umawang ang bibig niya at sasabihin niya sana ang pangalan niya nang mabilis na nagsalita si Walter.
“She’s with me!” turan ng doctor sabay na inakay siya palayo sa mga ito.
“Doc, iisa ang mukha nila at parang iisang hulma lang sila. Triplets po ba sila?” tanong niya dahil ngayon lang siya nakakita ng gano’n. Minsan na siyang nakakita ng kambal pero ‘yong tatlo talaga ay hindi pa at sobrang nakakamangha.
“Bakit interesado ka sa kanila?” tanong rin pabalik sa kanya ng binata.
“Medyo po kasi kakaiba—“
“Hindi ka ba nagugutom?” pinigil nito ang sasabihin niya. Nang makita niya ang mga pagkain sa dulo kung saan ay may mahabang lamesa pa na may dekorasyon din at may mga pagkain ay bigla na lang kumulo ang tiyan niya.
“Gutom na gutom na gutom na ho ako doc kanina pa.” Walang pag-aalinlangan niyang sagot.
“Alright. Let’s eat.” Tugon ng doctor at naglakad sila patungo ro'n. Mula sa kanyang baywang ay tumaas ang kamay ng binata sa kanyang likod kung saan ay ramdam niya ang lamig ng kamay nito ngunit nang tumagal sa kanyang likod ay napalitan iyon ng init at hindi siya komportable dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa muling pagdikit ng balat nito sa kanya.