Episode 4: His Kindness

2386 Words
“Ahmm, Sir, may sasabihin sana ako.” Sabi ko sa kanya habang nag ta-type siya sa laptop niya. He nodded his head at bigla naman akong kinabahan and I bit my lip. Papayag kaya siya? Baka sasantihin niya ako, wala pa akong dalawang araw rito tapos nangutang na ako. “P-Pwede po bang makautang? Ibabawas ko na lang po sa sweldo ko.” Nahihiya na sabi ko sa kanya and he stopped typing in his laptop at tinignan ako. “What for?” Tanong niya. “Para sa gamot sa ina ko.” Sabi ko sa kanya and he typed back in his laptop. “How much do you need?” Tanong niya. Mukhang papayag siya! Salamat naman, akala ko hindi papayag eh. May kabutihan rin pala ito kahit masama ang ugali. “12k sana Sir.” Sabi ko sa kanya and he nodded his head. “I will transfer it to your bank account.” Sabi niya at napangiti naman ako. “Salamat talaga Sir!” Masaya na sabi ko. Biglang bumukas ang pinto at bumugad ang isang magandang babae pero mukhang teenager pa ata. She has light brown wavy hair and fair skin. She has pointed her nose at medyo mas mataas pa ako sa kanya. I can see that she came from a rich family dahil sa aura niya. “Atlas!” She squealed at tumakbo patungo kay Sir at niyakap niya si Sir Atlas ng mahigpit. Napaungol naman sa inis si Sir Atlas. “Ano ba Emerald,” Naiinis na sabi ni Sir Atlas. Sino kaya ang babaeng ito? Kapatid ba ni Sir? Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko at hindi sila pinansin ngunit hindi ko mapigilan na makinig sa kanyang conversation. Eh paano? Nandito lang ako sa harap nila diba? Kaya maririnig ko talaga ang pinag uusapan nila. “Umuwi ka na nga, disturbo ka eh.” Sabi ni Sir Atlas. Mukhang matagal na silang magkakakilala base sa pagsasalita nilang dalawa. I think she’s not one of his girls. “Isusumbong talaga kita kay Tito, napakasama mo sa kin,” Galit na sabi niya. “Ede magsumbong ka.” Sabi ni Sir at napatingin ang babae sa akin. “Sino siya?” Tanong ng babae na si Emerald, diba iyon ang pangalan niya? Napakaganda naman ng pangalan. Bakit sa kin, ginawa pa akong chocolate eh. Nakakainis talaga si ate, siya nagbigay ng pangalan ko. “Hi, I’m Ella.” Bati ko sa kanya. “Nutella,” Sabi ni Sir, and I have the urge to glare at him pero pinigilan ko baka masante pa ako eh. Wala akong karapatan na mainis o magalit sa kanya. Narinig ko ang tawa ni Emerald. “You mean, the chocolate?” Tanong niya at tumango si Sir. “That’s funny, but it suits her, para kasi siyang chocolate! Maitim!” Tawa ni Emerald. Hays, bata pa nga talaga. Hindi ko na lang papatulan dahil hindi naman ako pumapatol sa bata. “Now now, umuwi ka na Emerald, busy ako.” Sabi ni Sir. “Pero may date pa tayo mamaya diba?” Malungkot na sigaw ni Emerald. Wow! Date? Pumapatol pala sa bata itong amo ko? What a surprise. Pero hindi naman mukhang interesado si Sir Atlas sa kanya, pinapauwi nga niya. Ay ewan ko sa kanila. “Anong date pinagsasabi mo? Mag basa ka ng libro, puro landi inaatupag mo eh ang bata bata mo pa.” Sabi ni Sir Atlas at nakasimangot ngayon ang mukha ni Emerald habang tinitignan si Sir Atlas. “I’m 17!” Galit na sabi ni Emerald and I snorted dahilan ng pagtingin niya sa akin. “Anong nakakatawa?” Galit na tanong niya at napayuko naman ako and I shook my head. “17 pa nga kaya magdede ka na lang sa Mommy mo.” Sabi ni Sir at pinipigilan ko ang aking pagtawa baka magalit ang dragon dahil mukhang sasabog na siya sa galit eh. Her ears are red and on the verge of crying. “Nakakainis ka!” Galit na sigaw niya at lumabas. Hindi na ako nagsalita ta nagpatuloy na lang sa aking trabaho. “Mga bata talaga,” He whispered. Napatingin siya sa akin. “What time is my appointment today?” Tanong niya at agad ko siyang sinagot, memorize ko na ang lahat. “Appointment with Sir Delos Reyes, 10:00 am and you also have an appointment at 3:00 pm and 6:00 pm, Sir. “ Sabi ko sa kanya and he nodded his head and sighed. “Mag adopt na lang kaya ako ng anak para siya na lang magpapatakbo ng kompanya na ito.” He said and I chuckled. Swerte na nga niya dahil sobrang yaman niya, kami grabe ang sakripisyo para makakuha lang ng pera. Uminom si Sir ng tubig. “Mag anak na lang kayo Sir!” Sabi ko sa kanya and he spit his water. Ano ba ang mali sa sinabi ko? Sooner or later, magkakaanak na talaga siya dahil kailangan naman ng heir sa kompanya pagtanda niya, bakit kailangan pang mag adopt? Grabe naman kung hindi mo kadugo ang ipagmamana mo sa kompanya diba? “What the hell, woman.” Sabi niya. “Huh? Ano pong mali doon Sir? Magkakaanak din naman kayo balang araw.” Sabi ko sa kanya. “Just stop that topic.” Sabi niya and I nodded my head. Problema niya? Napa ka sensitive sa mga topic na ito. Hindi ko siya gets. “Ihanda mo na lahat para sa meeting ko ngayon.” Sabi niya sa akin at tumango naman ako. “Yes po, Sir.” Sabi ko at hinanda ko na ang mga papeles na kailangan sa meeting at nilagay sa bag. Sumama na ako ni Sir sa appointment niya kay Sir Delos Reyes and I spent time, listing some things at and taking down notes sa mga pinag uusapan nila. Napatingin si Sir Delos Reyes sa akin and his eyes raked down in my body kaya nakaramdam naman ako ng kaba. “By the way, you have a lovely secretary here, Mr. Carvalho.” Sabi niya at tumayo ang mga balahibo ko. Medyo matanda na siya at mukhang manyak, nakakatako. “Maybe you could let me have her sometimes.” Sabi niya kay Sir Atlas and I whimpered in fear. “You know what, Sir? Let’s forget this conversation. I don’t want to partner up with a pervert man.” Naiinis na sabi ni Sir Atlas at nagulat ako dahil sa ginawa niya? Did he just cancel him? Bakit niya ginawa iyon? Importante na tao si Sir Delos Reyes. “Pity.” Sabi ni Sir Delos Reyes. “You defy me because of a mere girl? Yes, she has a great body and she is pretty but she is nothing.” Sabi niya and tears formed in my eyes. Bakit ang sakit niya magsalita? “f**k you,” Galit na sabi ni Sir Atlas at hinawakan ang kamay ko at hinila ako paalis sa restaurant. “S-Sir, bakit mo ginawa iyon? Importante siya para sa kompanya mo.” Sabi ko sa kanya at umiling lang ito. “I don’t need him.” Naiinis na sabi niya at pumasok kami sa kotse niya. Napatingin ako sa kanya habang nagmaneho siya. His jaw is clenched at mahigpit nag hawak niya sa steering wheel. Hindi ko akalain na ipaglalaban niya ako sa bastos na taong iyon. Sobrang bait ni Sir Atlas, akala ko masamang tao siya, well, masama siya minsan sa mga babae but now I can see the goodness in his heart. Hindi pala talaga tayo dapat mag judge sa kung anong naririnig natin dahil hindi pa natin kilala ang tao ng lubusan. Bumilis ang kabog ng puso ko habang pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Tahimik lang kami ni Sir habang ginagawa ang mga gawain namin. We had an appointment kanina at last appointment na ito namin ngayon. Sobrang pagod ko na pero ganito talaga ang trabaho kaya kayod lang. Pagkatapos ng last meeting ni Sir, huminto kami sa drive-thru. “Bibili na lang tayo rito dahil gustom na ako.” Sabi ni Sir at tumango naman ako. “Okay po, Sir.” Sabi ko sa kanya at bumili na siya ng mga pagkain and we drive our way back to the building. May nakita akong nanlilimos sa daan at huminto ang sasakyan ni Sir and he opened the window. May binigay siyang pera sa mga bata. “Ibili niyo iyan ng pagkain.” Sabi niya. “Salamat po Sir Atlas!” Masaya na sabi nila. Ibig sabihin, parati siya pumupunta rito? Kilala kasi siya ng mga pulubi. Grabe mabait pala talaga siya, hindi ako makapaniwala. “Ang bait mo naman pala, Sir.” Sabi ko sa kanya and he chuckled. “No, I’m not. Wala lang talaga akong magawa sa buhay. You should have seen how many girls ang pinaiyak ko.” Sabi niya. Grabe mag deny itong taong ito. Siguro nature na niyang maging playboy but he has humanity inside him. Hindi na ako nagsalita at bumalik na kami sa kompanya and we went to the last floor. May mga ibang employed pa na nagtatrabaho. Nang makarating na kami sa loob ng kwarto, nilagay ko na sa mga plato ang binili naming pagkain at kumain na kaming dalawa. Suddenly, nakaramdam ako ng sakit sa tiyan ko and I winced in pain. Napatingin si Sir sa akin and looked at me confused. “Anong nangyayari sayo?” Tanong niya at hinawakan ko ang tiyan ko at tinignan ang ulam. “May shrimps po ba dito nakalagay?” Tanong ko and he nodded his head. I ran towards the bathroom at hindi ko na napigilan ang malakas na utot ko. I blushed in embarrassment at sinara ang pinto ng banyo. HINDING HINDI NA AKO LALABAS. DITO NA AKO MAMATAY SA BANYO. BAKIT UMUTOT PA AKO SA HARAP NIYA? Allergic ako sa shrimps at sumasakit ang tiyan ko at walang pigil ang utot ko kapag nakakakain ako ng neto kaya hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir dahil sa narinig niya kanina. Sigurado ako na narinig niya ang utot ko dahil malapit pa ako sa kanya kanina nong umutot ako at sobrang nakakahiya. Hindi ko kayang lumabas. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatambay sa banyo. I jumped in shock nang may kumatok sa pinto. “Hey, are you okay? Kanina kapa diyan, maliligo pa ako.” Sabi ni Sir at nakautot na naman ako and I closed my eyes. “P-Palabas na po, Sir.” Kinakabahan na sabi ko at kumuha ako ng mga sabon at spray and I sprayed the whole room para mawala ang amoy ngunit may natitira pa talaga. Kumatok ulit si Sir at napapikit naman ako. “Wait lang po Sir!” I said and sprayed the whole room again ngunit hindi ko na naman mapigilan ang utot ko and I cried. “Bakit ang tagal? Anong ginagawa mo diyan?” Tanong ni Sir at binuksan ko ang pinto. Agad siyang napatakip sa ilong niya. “Pota, ang baho.” Sabi niya and I cried at agad na tumakbo patungo sa kwarto ko. I jumped in bed at tinakpan ang buong katawan ko sa kumot. I sobbed dahil sa hiya na nararamdaman ko. Paano ko siya haharapin? Nakakahiya ang ginawa ko. Bwesit na shrimps! Bakit ko pa kasi nakain iyon?! Bakit?! **** Nakayuko ako ngayon habang naghahanda ng almusal namin ni Sir Atlas. Tulog pa rin siya sa kama niya at hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hindi ko na lang siya kakausapin, gagawin ko na lang ang trabaho ko. I sigh at hinanda ang mga pagkain sa mesa. Naglinis na rin ako ng buong kwarto and I organized all the things. Nagising si Sir Atlas at napayuko naman ako. “K-Kain na po, Sir.” Kinakabahan na sabi ko at hindi siya tinignan. Siguro nakayuko lang ako parati ngayong araw. Narinig ko ang mga yapak niya papunta sa mesa at nakayuko lang ako habang nakaupo at hindi siya tinignan. “Why are you not looking up?” Tanong niya sa akin at hindi ko pa rin siya tinignan. “Is it about the fart?” Tanong niya and I gasp at uminit ang pisngi ko. I heard him chuckle. “No need to get embarrassed, normal lang naman iyon. Hindi ko naman kasi alam na allergic ka sa shrimps.” Sabi niya sa akin. “Come on, huwag ka ng mahiya.” Sabi niya at nakayuko pa rin ako habang kumakain at hindi siya sinasagot. TInakpan ko ang mukha ko sa buhok ko. “You’re scaring me, chocolate.” Sabi niya. Ayan na, nagkaroon na naman ako ng bagong pangalan. “S-Sorry po,” Sabi ko sa kanya. “It’s okay, kahit muntik na akong mamatay sa baho kagabi.” He said and laughed. Uminit ang pisngi ko and I groaned dahil sa hiya. Nakakahiya talaga, hindi ko alam kung kailan maalis nag hiya na nararamdaman ko. “Pasensya na po talaga,” Mahinang sabi ko. I heard his phone ring at kinuha niya ito at sinagot ang tawag. He smiled, “You’re coming tonight, babe?” Tanong niya at biglang kumirot ang puso ko nang hindi alam ang dahilan. Siguro, girlfriend na naman niya iyan. “Okay, I will pick you up at 9.” Sabi niya at binaba ang tawag. He glanced at me at nagpatuloy na kumain. “Pupunta ang girlfriend ko mamaya, can I ask you a favor?” Tanong niya at malungkot akong tumango. Ewan ko ba kung bakit ako malungkot, siguro dahil pa rin sa nangyari kagabi. “Can you cook us food? And at exactly 9, can you stay in your room? Selosa kasi eh,” Sabi niya and I nodded my head. “Opo, Sir.” Mahinang sabi ko. He smiled at nagpatuloy na kaming kumain habang napaisip ako sa mangyayari mamayang gabi. Baka may iba silang gagawin dito pero sino ba ako para pigilan sila? They can do whatever they want kasi pagmamay ari naman ito ni Sir Atlas kaya mananahimik na lang ako sa kwarto mamaya. Niligpit ko na ang mga plato at naghanda na ako sa mga gamit na dadalhin namin mamaya ni Sir sa meeting. Walang tigil na meeting at mga appointments. Nasanay na siguro si Sir sa ganitong mga gawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD